Title: Marry Me, Carlos Miguel Author: Miss_Choi Genre: Romance KINABUKASAN ay maagang nagising si Hanica at lumabas ito ng hotel upang bumili ng makakain nila sa isang fastfood. Habang naglalakad 'to ay parang wala ito sa sarili. Tumawid 'to ng pabigla-bigla na wala sa pedestrian lane. Kaya hindi nito napansin ang paparating na sasakyan. Isang malakas na busina ang kanyang narinig. Na s'yang ikanahinto n'ya sa gitna ng kalsada. Mabuti na lamang at huminto ang sasakyan. "Nagpapakamatay ka ba?" galit na tanong ng babae mula sa sasakyan. "Pasinsya na hindi ko napansin," sagot ni Hanica na nakaramdam ng takot at pagkabigla. Agad naman na nagmaneho paalis ang babae ng sasakyan dahil mukhang nagmamadali rin ito. Habang si Hanica ay hindi makapaniwala. At nakahawak pa sa kanyang dibdi

