Title: Marry Me, Carlos Miguel Written by: Miss_Choi Genre: Romance Matapos ayusan at lagyan ng make up si Manang ay sumunod naman agad ang dalaga. Inayusan muna ng mga bakla ang dalaga sa buhok nito na tinalian ang lahat at walang naka laylay na buhok. Nilagyan rin nila ng maraming pin, upang hindi matanggal ang pagkakaipit at mabuhag-hag ang buhok. Saka nila in-applyan ng make up. Nang matapos ay tinulungan nila itong isuot ang kanyang damit pangkasal. Namangha ang dalawang bakla sa ganda at bumagay na damit pangkasal ng dalaga. "Mukhang ikaw na ang pinakamagandang bride ngayong taon!" masayang wika ng bakla at hindi maitago na napangmahang ito sa taglay na kagandahan ng dalaga. "Kaso lang parang hindi ka yata masaya?" takang tanong naman ng isang bakla. "Huwag n'yo na lamang

