Title: Marry Me, Carlos Miguel Written by: Miss_Choi Genre: Romance NASA airport na si Carlos Miguel at kasalukuyan na 'tong pasakay ng eroplano. Habang naglalakad ito ay hindi nito maiwasang makaramdam ng sakit sa puso at kabiguan. Alam nito na kahit ano'ng gawin n'ya ay hindi na nito magagawa pang agawin si Hanica mula kay Lucas dahil kasal na 'to. Wala s'yang magawa kung hindi tanggapin sa sarili na kahit gaano kasakit ay tanggapin na lamang ito at pilit na kalimutan ang babaeng nilalaman ng puso. Hindi nito alam kung ano ang dapat gawin? Ang tanging nasa isip n'ya ay magpakalayo at mag move on na rin. Nang nakasakay na s'ya sa sa eroplano ay naka-upo sa tabi ng bintana. Makalipas ang halos isang oras ay dahan-dahan na rin na gumalaw ang eroplano. Gaya ng nakikita at madalas

