Title: Marry Me, Carlos Miguel Written by: Miss_Choi Genre: Romance Makalipas ang halos isang oras ay nakadaong na ang bangkang sinasakyan nila. Nang biglang tumunog ang cellphone ni Lucas kaya agad niya itong sinagot. "Nandito na kami kararating lang, nasaan ka ba?" tanong ni Lucas kay kay Diane na nasa kabilang linya. "Hintayin niyo nalang ako diyan sa daungan. Pupuntahan ko na lang kayo," sagot ni Diane at pinutol na nito ang linya. Mayamaya pa ay dumating si Diane na may ngiting malapad. "Hi," saad nito kay Hanica na may ngiti sa labi. "Hello," sagot naman ni Hanica kay Diane at pilit na ngumiti. "Hi, Carlos Miguel," saad nito sa binata at humawak sa braso ng binata. Nakita naman iyon agad ni Hanica ngunit pinag sawalang bahala na lamang niya ito. "Baka may makakita na kama

