Title: Marry Me, Carlos Miguel Written by: Miss_Choi Genre: Romance Gabi na nang matapos makipag-usap si Hanica sa lola at ina ni Carlos Miguel. "Hija, magpahinga ka na at gabi na. Good night," saad ni lola Pacita at hinagkan nito ang dalaga. Gano'n din ang ina ni Carlos Miguel. "Good night rin po," saad naman ni Hanica pakiramdam nito ay meron siyang bagong pamilya sa piling ng pamilya ng binata at mga tao na tunay na nagmamahal sa kanya. Pumasok ito sa kanilang silid at nakita nito ang binata na nakahiga sa kanilang kama. "Mukhang nag-e-enjoy ka sa pamilya ko, ah," saad ng binata na may ngiti sa labi. "Napaka suwerte mo sa pamilya mo dahil napaka buti nila at mukhang mahal na mahal ka," saad ni Hanica sa binata. "Alam mo Hanica maswerte ka rin kasi lahat nakukuha mo at lahat ng

