Title: Marry Me, Carlos Miguel Author: Miss_ Choi Genre: Romance Muli ay nagmaneho si Lucas at inihatid ang dalaga bahay ni Manang. Nang makarating na sila ay inalalayan ni Lucas bumaba ang dalaga ng motor at siya na rin mismo ang nagtanggal sa helmet na suot ng dalaga. "Huwag kang magulo ako na ang magtatanggal," saad ng binata at siya na mismo ang nagtanggal ng suot na helmet ng dalaga. Kaya napapatingin na lamang ito sa mukha ng binata. "Ayan tapos na," wika ni Lucas na may ngiti sa labi. "Papasok na ako sa loob. Inaantok na ako," paalam nito. "Hanica," pahabol na wika ni Lucas. Kaya napahinto ito sa paglalakad at napalingon sa binata. Nagulat at lumaki ang mga mata ni Hanica nang bigla siyang hinalikan nito sa pisngi ng walang paalam. Kaya nasampal niya ito ng wala sa oras.

