Prolouge
Ganito ba talaga kapag nalulong ka sa isang lalaking hindi mo dapat minahal?
Hindi mo alam kung kailan mo siya matatawag na tagapagligtas—o tagalagas ng buong pagkatao mo.
Siya na kumulong sa akin.
Siya na nagpakita sa akin kung gaano kadilim ang mundo.
At siya rin... ang nagturo sa akin kung paanong mas masakit ang magmahal kaysa mamatay.
Ang pangalan niya ay Zayden Villamor.
At ito ang simula ng pagkakabihag ko sa isang halimaw.
Zayden Villamor, 30, ay hindi ordinaryong CEO. Sa mata ng media, siya ang “youngest billionaire in Asia,” isang rebolusyonaryo sa real estate at cryptocurrency, isang businessman na may utak ng chess grandmaster.
Ngunit sa ilalim ng maskara ng yaman at prestihiyo, siya ang Ama ng La Sombra—ang pinakamalupit at pinakadelikadong grupo ng sindikato sa bansa.
At ngayon, may bago siyang laruan.
Hindi negosyo. Hindi armas.
Babae.
Apat na araw bago siya mawala.
Alessa Cruz, 22, anak ng isang Anti-Crime Prosecutor, ay naglalakad pauwi mula sa unibersidad. Late na. Tahimik ang paligid ng kalye. Masyadong tahimik.
Lumamig ang hangin.
Bakit parang ang dilim ng paligid? Bakit parang may sumusunod sa akin?
Nakita niyang may nakaparadang itim na SUV sa kanto. Nakababa ang mga bintana. Ngunit wala siyang nakikita sa loob.
Pinabilis niya ang hakbang.
Isang pulang motorsiklo ang biglang sumulpot sa kanan niya. Nakasunod lang. Tahimik. Walang ingay ng makina. Ang lalaki sa motorsiklo ay may suot na helmet, ngunit ang mga mata nito… nakatitig sa kanya.
Napakapit siya sa bag. Pinilit panatilihing normal ang kilos.
Pero hindi normal ang takbo ng puso niya.
Bigla—skrrrt!
Tumigil sa harap niya ang SUV. Bumukas ang pinto. Dalawang lalaki ang lumabas, nakasuot ng all-black, may mga tato sa braso.
“Huwag kang kikilos.”
“Anong ginagawa n’yo?!”
Sinigawan niya. Tumakbo siya paatras, ngunit may dumating mula sa likod. Piniringan siya. Tinakpan ang bibig niya ng panyo.
May amoy.
Mabigat. Nakakalula.
Chloroform?
Ang huling narinig niya ay...
“Isakay ‘yan. Si Boss Zayden na ang bahala.”
Pagmulat ng kanyang mga mata...
Marahang pumatak ang tubig sa kisame. Amoy leather. Amoy sigarilyo. Amoy lalaking makapangyarihan.
Nasa loob siya ng isang kwarto—mamahalin, ngunit may aura ng panganib. Mga itim na kurtina. Mahahabang painting na may itinatagong gulo.
"Magandang umaga, Ms. Cruz."
Isang lalaking naka-itim na coat ang pumasok, nakasuot ng relo na mas mahal pa sa tuition fee niya sa law school.
Si Zayden Villamor.
Tall. Sharp jawline. Cold, intense eyes. Controlled ang bawat galaw. Nakakatakot ang presensya. Lahat ng nasa paligid, tahimik kapag siya ang nagsasalita.
"Anong gusto mo sa akin?" nanginginig niyang tanong.
Umupo ito sa sofa, tumingin sa kanya na parang binabasa ang kaluluwa niya.
"Gusto ko lang naman na magpakatotoo ka sa akin."
"Na ano?"
"Na hindi ka galit... kundi takot ka. Kasi alam mong sa isang iglap, pwede kitang sirain."
"At bakit mo gagawin ‘yan?"
"Simple. Dahil ako ang dahilan kung bakit buhay pa ang tatay mo hanggang ngayon."
Deep POV – Alessa:
Ano ‘tong pinasok ko? Sino ‘tong halimaw na ‘to?
Tinitigan ko ang mga kamay niya. Malinis, pero halatang sanay humawak ng baril. Ang aura niya—nakakagapos. Kahit hindi siya humahawak sa akin, parang hawak niya ang buong katawan ko.
“Magkano ang kailangan mo?” tanong ko, desperado.
“Hindi pera ang habol ko sa’yo, Alessa.”
“Anong habol mo, ha?”
Tumayo siya, mabagal. Lumapit. Dahan-dahang yumuko sa tabi ng kama, at bumulong...
“Gusto ko lang malaman kung ano’ng tunog ng pangalan ko sa bibig mo habang umiiyak ka sa ilalim ko.”
Hindi niya ako ginagalaw. Pero ginugulo niya ang isip ko.
Pinakain ako, pinahinga. Pero hindi ako pinalaya.
Ilang araw akong nakakulong sa marangyang mansyon ni Zayden. At araw-araw, dumarating siya. Titingin. Tatahimik. Magbibigay ng tanong na hindi ko gustong sagutin.
At sa ikalimang araw...
“Alessa,” aniya. “May papipirmahan ako sa’yo.”
Inilatag niya ang kontrata.
KONTRATA NG KASAL.
Legal. May abogado. May saksi.
“Hindi ‘to biro.”
“Hindi rin ito isang laro. Pipirma ka… o tuluyan ko nang ililibing ang ama mo sa kasong hindi niya kayang lusutan.”
Binalot ako ng sindak.
“Fake marriage lang ‘to?”
“No. Legal ito. Lahat ay tunay… maliban sa nararamdaman mo sa’kin. Yun ang wala.”
Nang gabing ‘yon, ikinasal ako sa lalaking kinamumuhian ko.
Hindi ako umiiyak. Pero para akong nalunod. Ibang klaseng pagkakakulong ‘to. Hindi selda, kundi pangalan. Apelyido.
Deep POV – Zayden:
Ang tingin niya sa’kin ay halimaw. At gusto ko ‘yon. Kasi habang takot siya, hindi niya maiisipang takasan ako.
Pero bakit may kung anong parte sa akin ang naguguluhan?
Noong una, laruan lang si Alessa. Parusa para sa mga pumapatay sa mundo ko. Pero ngayon, kapag hindi ko siya nakikita… para akong binabalatan nang buhay.
Hindi ko siya mahal. Hindi puwede. Pero ayokong makitang hawakan siya ng iba.
Sa ikatlong linggo, nagsimula ang pagbabagong hindi ko inaasahan.
Gabi-gabi, naririnig ko ang mga hakbang niya sa hallway. Hindi na ako natatakot. Natutunan kong kabisaduhin ang paghinga niya.
Hanggang isang gabi, naramdaman ko siyang nakatayo sa gilid ng kama.
Tahimik lang siya. Pero naramdaman kong lumuhod siya. Marahan ang kanyang paglapit. Parang humihingi ng paumanhin—pero wala siyang sinasabi.
Tinignan ko siya.
At doon ko nakita… hindi lang galit ang laman ng mata niya.
May lungkot. May pangungulila.
At doon… naramdaman ko ang pinakaunang pintig ng puso ko para sa kanya.
Ngunit sa susunod na araw... isang pagsabog ang yumanig sa buong compound.
BOOOOOM!!!
Tumilapon ang buong kwarto. Sumigaw ang mga tauhan ni Zayden.
Dugo.
Sunog.
Sigawan.
At sa gitna ng lahat ng ‘yon...
Nakita ko si Zayden—may tama ng bala sa balikat, ngunit bitbit ako, pinipilit akong mailabas mula sa pagkakakulong.
"Bitiwan mo na ako!" sigaw ko.
"Hindi puwede. Hindi kita iiwan."
"Bakit? Dahil asawa mo ako sa papel?"
Hindi siya sumagot.
Kundi binulong lang sa tenga ko...
"Alessa... kasi mahal na kita."
Ngunit bago pa kami makalabas ng main gate—
BLAGGG!!!
Isang putok ng baril.
Mainit.
Mabigat.
Bumagsak si Zayden sa sahig. Niyakap ko siya. Dugo. Marami. Dumidikit sa palad ko.
“Z-Zayden... huwag mo akong iiwan. Hindi pa tapos ang lahat…”
Ngumiti siya. Mahina.
“At ‘yan ang problema, Alessa... ngayon pa lang nagsisimula ang lahat.”