Aubrey's Pov Mabilis ang pintig ng puso ko, hindi ko alam kung sa sobrang inis o dahil ba sa isang parte ng pagkatao ko ay natutuwa. Matapos namin matanggap ang hatol sa annulment namin ni tanda ay naging ganito na ako. Hindi ko gusto ang agreement na ibinigay ng baliw na judge na iyon. Sa dami ba naman ng pwedeng ibigay na kondisyon, ay iyon pa. "Kung gusto niya pala kami magsama sa iisang bubong sa loob ng anim na buwan bakit hindi na lang siya ang makisama sa matandang iyon. Parehas naman silang matanda. Ay, si judge pala panot. Kaya kapag kausap mo siya makikita mo ang sunshine," bigla na lang akong natawa sa sarili kong joke. "Mommy who see the sunshine?" bungad na tanong ng aking unica iha. Dahan-dahan niya pinihit ang pinto pasara. Tumakbo siya palapit sa akin, humalik sa pisngi

