“Sinong kausap ng Papa?” tanong niya kay Mameng na isa sa mga katulong nila doon.
Kakababa pa lang niya at ito naman ay kalalabas lang ng library. May dala itong tray kaya alam niyang may bisita ang ama.
“’Yung pamangkin ho ni Manang Andeng,” tugon nito.
Napakunot-noo siya at napatingin sa nakapinid na pintuan ng library.
Mukhang may bagong pinagkakaabalahan ang ama niya ngayon at ang target, si Benedict.
Iiling-iling na nagtungo siya sa swimming pool sa gilid ng mansyon. Wala siyang pasok kaya naroroon lang siya sa bahay.
Mabilis siyang nag-dive sa tubig at tuloy-tuloy lang sa paglangoy. Hindi niya alintana kung katirikan iyon ng araw dahil mas gusto niyang maging tan kakulay ni Andrea.
Ilang laps pa ang ginawa niya ng mapatigil at maramdamang namimitig ang kanyang binti. Iginalaw-galaw niya iyon pero sagad sa kalamnan ang sakit noon.
She’s having a leg cramps! Naghuhumiyaw na sigaw ng isip niya.
May kalaliman ang kinaroroonan niya kaya wala siyang nagawa kundi ang tumawag ng tulong kung may makakarinig man sa kanya.
“Help! Please! Help me!” sigaw niya ng paulit-ulit habang ikinakawag ang kamay sa tubig.
Mukha namang may nakarinig noon dahil mula sa likuran niya ay kumalabusaw ang tubig at naramdaman na lang niya ang paghawak ng sinuman sa kanya at dinala siya sa gilid ng pool.
Habol ang hiningang iniahon niya ang sarili sa tulong ng nagligtas sa kanya.
“Thank you…” paanas na wika niya habang sapo-sapo ang dibdib kasabay ng paghingal.
Hindi naman umimik ang nagligtas sa kanya. Nanatili lang ito sa tubig at ramdam na ramdam niya ang matiim na pagtitig nito sa kanya.
Kunot-noong nilingon niya ito upang manlaki lang ang mga mata ng mapagsino iyon.
“I-Ikaw!” bulalas niya ng salubungin ang mga titig ni Benedict.
Pero tikom pa rin ang bibig nito. Seryoso itong nakatingin lang sa kanya na ikinailang naman niya.
Mabilis niyang iniiwas ang mga mata dito.
“Stop starring at me like that,” may babalang wika niya at nagpilit na tumayo ngunit masakit pa rin ang binti niya.
Humahangos namang dumating doon sina Andrea at Manang Andeng. Narinig siguro ng mga ito ang pagsigaw niya kanina.
“What happened Ate?” nag-aalalang tanong ng kanyang kapatid at agad na lumipad ang mga mata nito sa lalaking paakyat na rin sa swimming pool.
Mabilis itong nilapitan ni Manang Andeng.
“Anong ginawa mo kay Señorita, ha? Bakit siya nagsisigaw?” pag-uusisa nito na halata ang tinitimping galit sa tinig.
“I didn’t do anything wrong,” malamig ang tonong sagot nito.
“Huwag mo nga akong ma-ingles-ingles bata ka!” tungayaw nito sa pamangkin sabay hampas sa braso. “Kung wala kang ginawang masama ba—”
“He’s right, Manang… Walang ginagawang masama ang pamangkin ninyo,” awat niya sa matanda at nagpilit nang muling tumayo na mabilis namang inalalayan ni Andrea.
Iniupo siya nito sa pool chair doon.
“Here,” anito at iniabot sa kanya ang bathrobe.
“Thanks, Andie…” aniya sa kapatid at hinarap ang mag-tiya. “Huwag n'yo na hong pagalitan ang pamangkin ninyo. Iniligtas niya lang ho ako kanina,” simpleng paglilinaw niya sa nangyari.
Lumambot naman bigla ang anyo ng matandang mayordoma. “Ganoon ho ba Señorita? Akala ko kung ano na namang kapilyuhan ang ginawa nito,” tugon ni Manang Andeng at sinulyapan ang tahimik na si Benedict. “Hala sige na, umuwi ka na at nang makapagpalit ka ng damit mo,” utos nito.
Bago tuluyang tumalikod ang lalaki ay sinulyapan siya nitong muli. Hindi naman niya ito pinansin at inabala ang sarili sa pagkuskos ng tuwalya sa basang buhok.
Sumunod na rin dito si Manang Andeng at iniwan na sila doon ni Andrea.
“Ano ba talagang nangyari?” pag-uusia ni Andrea at naupo sa kanyang tabi.
Noon lang siya nakahinga ng maluwag dahil pakiramdam niya kanina pa niya iyon pinipigilan.
“I got a cramps while doing lapses,” tipid na tugon niya sa kapatid at minasa-masahe ang sariling binti.
“And he saved you,” dugtong nito na mataman siyang pinagmasdan.
Tumango naman siya.
“Eh bakit parang galit ka?” pansin nito ng hindi siya sumagot.
Kunot-noong sinulyapan niya ito.
“What do you mean?” tanong niya rito.
“You never smile nor looked at him in the eyes. Ni hindi ka man lang nagpasalamat sa ginawa ‘nung tao,” komento nito habang iiling-iling. “Ano ba talagang nangyayari sa ‘yo? Hindi ka naman ganyan dati. You know how to appreciate things even if it is small. And you always told me na huwag magsuplada sa ibang tao at huwag maging mapagmataas, because it will not make us respectable in any ways. And that we should always be grateful to those people who are helping us… But, looked at you. Kabaliktaran ng mga sinasabi mo ang ipinapakita mo ngayon. Remember, this is not the first time he saved you,” mahabang litanya nito sa kanya kasabay ng pagpapaalala nito sa mga ginawa ng lalaki sa kanya.
Huminga siya ng malalim.
“Fine. I’ll talked to him at the school. Okay na ba tayo?” aniya upang wala na itong masabi pa.
Alam niyang hindi siya titigilan ng kanyang kapatid hangga’t hindi ito nakakakuha ng matinong sagot mula sa kanya. Lalo lang lalakas ang hinala nito na may gusto siya kay Benedict at iniiwasan niya ito.
Pero, hindi ba totoo naman? Anang kabilang bahagi ng kanyang isipan.
**
“Hi,” alanganing bati niya ng lapitan si Benedict habang kumakain itong mag-isa sa canteen.
Bahagya lang itong nagtaas ng ulo at ipinagpatuloy na muli ang pagkain na parang wala siya doon.
Biglang nakaramdam ng inis si Aurora sa inaktong iyon ng ng lalaki. Tatalikuran na sana niya ito ng mapasulyap sa kapatid na kasama niya noong nagbe-break. Umiling ito at inginuso ang binata.
Wala naman siyang nagawa kundi ang harapin itong muli at nag-plaster ng pekeng ngiti sa kanyang mga labi.
“I would like to say thank you sa pagliligtas mo sa akin noong isang araw,” muling sabi niya. Hindi niya alam kung nakikinig ba ito o hindi.
Pero nakita niyang tumango ito.
“Thanks again,” she said then turned around.
But only to be surprised by some group of men who were teasing each other at natabig siya and made her out of balance.
Mabilis naman siyang nasalo ni Benedict at masamang tiningnan ang mga lalaking mukhang mga freshmen pa lang. Agad namang humingi ang mga ito ng paumanhin sa kanya at iniwan na sila doon.
Kaagad na inilayo ni Aurora ang sarili sa lalaki dahil pakiramdam niya'y tumatagos sa buong katawan niya ang init na nagmumula dito. Para siyang biglang napaso.
Wala namang imik na bumalik ito sa pagkakaupo. “Next time tingnan n'yo muna ang dinaraanan ninyo para hindi kayo nadidisgrasya, Señorita.” Malamig na wika nito at hindi na siya nilingon pa. Pinakadiinan din nito ang huling sinabi na ikinapagtaka niya.
What? Did she do something wrong? Na-offend niya ba ito? Sunod-sunod na tanong ng kanyang isip.
“I’m—"
Hihingi na sana siya ng paumanhin dito nang bigla ring sawatahin ang sarili.
Wait!
Bakit nga ba niya gagawin iyon gayong wala naman siyang ginagawang masama? Hindi naman niya kasalanan kung natabig siya ng mga estudyanteng iyon? At isa pa, nakahara ba siya sa daanan?
Inis na tinalikuran n'ya na lang ang lalaki at dumeretso sa kinauupuan ni Andrea. Gusot na gusot ang mukha niya na ikinangiti naman ng kanyang kapatid.
“What?” asik niya rito.
Umiling naman ito. “You’re just too funny to look at,” anito.
Isang nakamamatay na irap ang iginanti niya dito pagkatapos ay tumayo na.
“May klase pa ako kaya maiwan na kita dito,” aniya at hindi na ito hinintay pang sumagot. Dere-deretso siyang lumabas ng canteen nang hindi lumilingon.
Subalit, ang totoo, wala naman talaga siyang klase kaya sa tambayan niya s'ya nagpunta. Inis na tinisod-tisod niya ang mga dahong nakakalat sa lupa. Kung nakakaimik lang siguro ang mga iyon, baka kanina pa nagreklamo sa kanya na nahihilo na sila.
Hindi niya maiwasang alalahanin ang malamig na pakikitungo sa kanya ni Benedict mula pa noong iligtas siya nito sa ambang pagkakalunod. Hindi niya alam kung bakit bigla ay naging ganoon ito.
He was the one who approached her before. Bakit bigla naman yatang nag-iba ang ihip ng hangin?
At bakit ba lagi na lang nasa malapit ito sa tuwing madidisgrasya siya? May sa superhero ba ito or what?
“Ahhhh!” inis na sabi niya sa sarili kasabay ng pagpadyak ng mga paa.
Ano bang nakain niya at hindi mawala-wala sa sistema niya si Benedict? Siya na rin ang nagsabi sa sarili na iiwasan ito, pero anong ginagawa niya ngayon? Ang binata pa rin ang laman ng isip niya.
“Stop it, Aurora… Stop thinking about him. Just focused on your goals and avoid causing troubles,” paalala niya sa sarili habang tumatango-tango.