Nagpatuloy ang malamig na pakikitungo sa kanya ni Benedict. Hindi naman niya iyon pinansin at hinayaan na lang ang lalaki. Hindi naman kasi ito kawalan sa buhay niya.
Pero sa t'wing makikita n'ya itong kasama si Rachelle, parang may kaunting kurot sa puso niya. Hindi niya alam kung para saan iyon at kung bakit siya nakakaramdam nang ganoon. Basta ang alam niya, hindi niya gustong nakikita na magkasama ang dalawa.
“Ate ang lalim ‘ata ng iniisip mo… Kanina pa ako salita ng salita dito wala ka man lang sinasabi,” untag sa kanya ni Andrea habang nasa kwarto niya ito.
Nagpapatulong ito sa kanya para sa outreach program nito na requirements sa isang subject. Doon iyon gaganapin sa loob ng hacienda nila sa komunidad ng kanilang mga tauhan, dahil hindi ito pinayagan ng kanilang ama na sa kabilang bayan pa gawin iyon.
“I was asking you kung ano ba ang mas magandang gawin? I will make a mini program para naman may enjoyment o kaya deretso na lang sa pakay ko doon?” pag-uulit nito sa sinasabi.
“Uhmm… Maybe a mini program would be good,” aniya kasabay ng pagtango. “Ano bang mini program iyon?” pagkuwa’y tanong niya sa kapatid.
Ngumiti naman ito sa kanya. ‘Yung tipo ng ngiting may niluluto ito sa isip at hindi niya iyon nagugustuhan.
“At ano na namang pumapasok sa isip mo?” salubong ang mga kilay na tanong niya rito.
Nagkibit-balikat ito. “Di ba you promised to help me?”
Tumango siyang muli.
“Then, it wouldn’t be a big deal kung hihiling ako sa ‘yo nang isang performance. Maliit lang naman,” Andrea said while gesturing on her hand how small it is.
Napatirik na lang ang mga mata niya dito. “As if it was really that small,” gagad niya sa sinasabi nito.
Wala siyang tiwala pagdating sa mga ganoong plano ng kapatid. Sometimes, it caused her too much trouble.
“Sige na, please?” nakikiusap na sabi nito kasabay ng pagkisap-kisap ng mga mata.
Natawa naman siya sa itsura nito.
“Ano ba iyon?” iiling-iling na tanong niya.
“Say yes muna,” may paninigurong wika nito.
She rolled her eyes. Siguradista talaga ang kapatid niyang ito.
“Oo na…” aniya na ikinalapad ng mga ngiti ni Andrea.
“You’ll going to play again.”
“Play what?” tanong niyang hindi agad nakuha ang ibig nitong sabihin.
“That…” anito at itinuro ang isang bagay sa sulok ng kanyang silid.
Namimilog ang mga matang napatingin siya dito. Hindi na niya kailangang tingnan ang itinuturo nito dahil memoryado niya kung anong bagay ang nakalagay doon.
“Are you insane?” pagkuwa’y wika niya sa kapatid.
“You already said yes kaya wala ng bawian pa,” anito sabay tayo. “See you later,” nakangiting paalam nito at hindi na siya binigyan ng pagkakataon na magsalita pa dahil tuloy-tuloy na itong lumabas ng kanyang silid.
Walang nagawa si Aurora kundi ang huminga ng malalim. T'saka pa lang niya nilingon ang ninanais ng kapatid na gawin niya.
Tumayo siya at sa mabagal na mga hakbang ay nilapitan ang kanyang violin. Dinama niya ang mga strings noon. Matagal na niya iyong hindi nagagamit at naka-display lang sa loob ng kanyang silid.
Hilig niya talaga ang tumugtog ng mga instrumento lalo na ang violin noon pa man. But her father doesn’t want her to pursue playing it.
Aksaya lang daw iyon ng oras niya. Mas maigi pa raw na mag-aral na lang siya para may magamit daw siya pagdating ng araw.
Well… totoo naman ang ama, but her passion from playing her instruments didn’t die. Kapag may pagkakataon siya ay naglalaan pa rin siya ng oras para tumugtog basta hindi siya mahuhuli.
And now, Andrea was asking her to play again and she didn’t know if she could still play the way she used to before. Matagal-tagal na ring panahon nang huli niyang hawakan iyon. Baka nangangalawang na siya at ayaw naman niyang mapahiya si Andrea.
Kinuha niya ang violin and went to her balcony. Sinalubong siya ng sariwang hangin na kanyang ikinangiti.
She looked around at the vast green forest and closed her eyes. She started remembering some pieces she always played before.
Wala siyang pakialam kung dinig man iyon sa buong kabahayan nila. Because her music makes her mind calm and forget the things she wanted to forget.
**
And just like her na may ibang hilig, her sister Andrea is also the same.
Andrea likes to paint. Marami itong napapahanga sa pagpipinta nito at isa na siya roon.
She wanted her to pursue that career, but of course, their father was against it. Kahit kailan ito ang numero unong tumututol na sa mga gusto nilang gawin sa buhay and she hated him for that.
But, Andrea may also be wanted to do what she really likes that day. Ang outreach program pala nito ay tungkol sa pagpipinta. Tinipon nito ang mga anak ng kanilang mga tauhan to teach them how to paint.
Malapad ang kanyang mga ngiti habang pinanonood ang kapatid na ginagawa ang gusto nito. Painting is her sister’s way to express her feelings… to express herself. And she was very happy to see her doing that.
“You really love your sister, don’t you?” anang isang tinig sa kanyang may likuran na nagpasikdo ng kanyang dibdib. Kahit hindi niya ito lingunin ay alam niya kung sino ang naroroon.
Hindi siya umimik at patuloy lang sa pagmamasid sa kapatid.
“You’re lucky to have her by your side. You’re lucky to have your whole family beside you,” dagdag pa nito.
Hindi naman nakawala sa pandinig niya ang lungkot sa tinig nito. Alam niya ang ipinagkakaganoon nito at gustong-gusto na niya itong harapin pero mahigpit niyang pinigilan ang sarili.
“You are still considered lucky because Manang Andeng is with you. Hindi ka niya pinababayaan and I know she showered you with love,” hindi niya napigilang sabihin.
Naramdaman niya ang matiim nitong pagtitig sa kanya pagkuwa’y nagsalita, “I never knew na interesado ka sa buhay ko.”
Marahas siyang napalingon dito. Nagtama ang mga mata nila.
“I am not interested in your life. Naikwento lang sa akin ang bagay na iyon ni Manang Andeng and that’s it.” Agad na depensa niya sa sarili.
Napataas ang isang kilay nito kasabay ng pagtaas ng gilid ng mga labi
“Whatever you called it,” malamig na tugon nito.
Inis na tinalikuran niya ito at itinutok nang muli ang atensyon sa kapatid na kasalukuyang papalapit na sa kanya.
“Can you play now?” tanong nito.
Tiningnan nito si Benedict sa kanyang likuran bago nginitian ng matamis.
“We haven’t formally introduced with each other Mr.?”
“Benedict na lang po, Señorita Andrea.” Tugon nito sa kapatid.
“Alright... Benedict then. It’s nice meeting you,” ani Andrea at inilahad ang kamay sa binata.
Wala namang pag-aatubiling tinanggap iyon ng lalaki.
Inis na kinuha ni Aurora ang kanyang instrumento at nagmartsa papunta sa harap ng mga istudayante ni Andrea.
“Hello…” nakangiting bati niya sa mga ito. “Para mas lalo kayong magkaroon ng inspirasyon sa ginagawa ninyo, I’ll prepared something for you. Sana magustuhan ninyo,” aniya at inilagay na sa balikat ang violin.
She started playing it again while her eyes closed. Tahimik lang namang nakinig sa kanya ang mga ito.
After playing some famous songs na alam niyang alam ng mga bata, malakas na palakpakan ang narinig niya sa paligid ng matapos ang kanyang munting performance.
Pagmulat niya ng mga mata ay hindi lang ang mga anak ng mga tauhan nila ang nanonood sa kanya, mukhang ang buong komunidad ay naroroon at nakikinig sa pagtugtog niya.
“Ang galing n'yo naman po Señorita!” Anang batang narinig niya kaninang Biboy ang pangalan.
Nakangiting tiningnan niya ito.
“Hindi naman. Medyo kinakalawang na nga ako dahil matagal na akong hindi nakakatugtog,” she truthfully said.
“Parang hindi naman po Señorita. Super galing po talaga ninyo. Gusto ko ring matuto ng ganyan balang araw,” anang isa pang batang babae na si Isay.
“Talaga?” Aniyang ito naman ang hinarap.
Sunod-sunod na tango ang itinugon sa kanya nito.
Lumapit siya sa bata.
“That’s good to hear. Iilan lang sa mga kabataan ngayon ang may hilig sa ganito,” aniya na ang tinutukoy ay ang pagtugtog ng instrumento.
“Yaan mo po Señorita, paglaki ko magiging kasinggaling mo rin po ako,” nakangiting sabi pa ni Isay.
Hinawakan niya ang kamay nito. “Kapag nangyari iyon ako ang magiging number one fan mo,” aniya.
“Talaga po, Señorita?” namimilog ang mga matang tanong nito.
Nakangiting tumango naman siya.
“Thank you po!” ani Isay at ginawaran pa siya ng halik sa pisngi.
“S'ya sige na… tapusin n'yo na ang ginagawa ninyo at baka mapagitan pa tayo ni Teacher Andrea,” biro niya sa mga bata.
Nag-focus naman agad ang mga ito sa kanilang mga ipinipinta.
Malapad ang mga ngiting bumalik siya sa kanyang kinauupuan kanina. Wala na roon si Benedict at hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng panghihinayang.
“How I wished we have the same freedom like them. Iyong walang inaalalang magulang na tututol sa mga desisyon natin,” ani Andrea habang pinagmamasdan ang mga bata.
Napabuntong-hininga siya.
“Me too,” aniya.