“Ayaw mo ba talagang sumama sa ‘kin?” pamimilit ng kaibigang si Rachelle sa kanya. Inaaya siya nitong mag-good time na agad din niyang tinanggihan.
Hindi siya papayagan ng kanyang ama dahil grounded pa rin siya. Baka malintikan lang siyang lalo dito kapag nagkataon.
“Ikaw na lang. Alam mo naman si Papa,” tugon niya habang sinasabayan ito sa paglalakad papunta sa parking lot ng university.
Rachelle rolled her eyes.
“Why is your father like that? Hindi naman tayo gumagawa ng masama, ah.”
She sighed. “Hindi ko rin alam. Pinipilit ko na lang siyang intindihin because I know he just wanted the best for me and my siblings.”
Ang kanyang kaibigan naman ang bumuntong-hininga.
“Sayang naman… may ipapakilala pa naman sana ako sa ‘yo,” anito.
Nakangiting nilingon niya ito pagdating sa kanyang kotse. “Maybe some other time.”
“May magagawa pa ba ako?” nakasimangot na tugon nito.
Napailing siya. “Sige na… mauna na ako sa ‘yo. Have fun!” aniya at kumaway pa dito bago pinaandar ang kotse.
It was just two months away before their graduation at malaya na niyang magagawa ang gusto niya. Siguro naman hindi na siya pakikialaman ng kanyang ama kapag nakapagtapos na siya.
Mabilis ang pagpapatakbo niya sa kanyang sasakyan pauwi. Hindi niya alintana ang lubak-lubak na daanan. Sanay na siya doon.
She was humming inside her car when she heard a loud thunderstorm in the sky. Napatingin siya sa labas at napagtanto niyang malapit ng bumagsak ang ulan.
Hindi siya pwedeng abutan ng malakas na ulan sa daan dahil hindi pa siya nakakalagpas sa may ilog. Sigurado siyang lalaki iyon at mahihirapan siyang tumawid doon.
She continued driving fast pero kasabay din noon ang malakas na pagbuhos ng ulan. Halos hindi na niya makita ang dinadaanan dahil sa lakas niyon kaya napilitan siyang bagalan ang pagmamaneho. Ilang kilometro pa ang layo niya sa ilog at nahiling na sana ay hindi pa umaapaw iyon.
But to her dismay, mataas na ang tubig ng dumating siya at hindi na kakayaning tawirin iyon ng kanyang kotse.
“Bakit ba kasi hindi ito pinapagawan ni Papa ng tulay,” reklamo niya sa sarili.
Wala siyang nagawa kundi ang maghintay na tumigil ang malakas na ulan at bumaba ang tubig sa ilog. Wala rin naman siyang ibang dadaanan papunta sa casa kundi doon lamang.
Subalit, may isang oras na siya doon ay hindi pa rin tumitila ang ulan. Nag-aalalang napatingin siya sa labas ng bintana dahil papadilim na rin.
Inilabas niya ang telepono sa bag at nagbabakasaling may signal iyon pero wala rin. Inis na ibinalik niyang muli iyon sa loob ng bag.
Nagdadalawang isip siya kung babalik sa bayan o hindi, ngunit mas pinili niyang manatili na lamang doon. Alam naman ng papa niya ang nangyayari sa ilog kapag ganitong malakas ang ulan.
Iniatras niya bahagya ang sasakyan sa lugar kung saan alam niyang hindi aabot ang tubig kahit pa magdamag na umulan. After that, she reclined the driver’s seat and readying herself to go to sleep.
Ilang minuto pa lang niyang naipipikit ang mga mata ng makarinig nang sunod-sunod na katok sa bintana sa may tapat niya. Agad siyang nagmulat at tiningnan kung sino ang nasa labas ngunit hindi naman niya maaninag kung sino iyon.
On her instinct, dali-dali niyang inilock ang lahat ng pintuan ng kotse niya. Mahirap na dahil baka masamang loob ang kung sinumang iyon na nasa labas.
Wala pa ring tigil sa pagkatok sa tapat niya ang tao sa labas at na pilit naman niyang winawatasan ang sinasabi nito.
“Sh*t!” narinig usal ng nasa labas.
Napakunot-noo siya.
Parang kilala niya ang tinig na iyon.
“D*mn*t, Señorita! Open this d*mned door!” malakas na sigaw nito.
Walang ibang tauhan sa hacienda nila ang may ganoong punto kundi si Benedict lang, kaya sinunod niya ang sinasabi nito.
“Bakit ba?” galit na tanong niya dito.
Akala mo kung sino itong makapag-utos, aniya sa sarili.
“Iatras mo bilis!” utos pa rin nito. Nahihimigan niya sa tinig nito ang pagkataranta.
Tinaasan niya ito ng kilay. Wala siyang pakialam kung nababasa na siya at ang loob ng kanyang kotse.
“And who are you to say that to me?” mataray na sabi niya.
“F*ck!” galit na wika nito. “Iaatras mo ba o gusto mo talagang mabagsakan ng puno dito?” tanong nito na ikinataranta naman niya.
“What are you saying?”
“Just do it, now!”
Agad namang tumalima si Aurora at mabilis na iniatras muli ang sasakyan. Saktong pag-alis niya sa kinapaparadahan ay bumagsak ang malaking puno ng molave.
Namimilog ang mga matang napatitig siya doon pagkuwa’y kay Benedict na nasa gilid ng daan.
“My God!” palatak niya.
Muntik-muntikan na pala siya doon. Kung hindi pa dumating si Benedict baka nagkadurog-durog na siya.
Sa naisip ay pinanlamigan siya ng mga kamay. Sunod-sunod siyang nagpakawala ng hangin sa dibdib upang payapain ang sarili.
Nakita niyang umikot sa kanyang sasakyan si Benedict at walang sabi-sabing sumakay ito sa passenger seat.
“You’re very stubborn, did you know that?” anito habang kinukuskos ng kamay ang basang buhok. Hindi niya alam kung nag-aalala ba ito sa kanya o gusto lang siyang sermunan nito.
Subalit hindi na n’ya iyon iniisip.
Mabilis niyang niyakap ang lalaki sa pagkagulat nito. Hindi niya alintana kung mabasa man siyang tuluyan dahil dito.
“S-Señorita…”
“Thank you…” aniya habang hindi pa rin ito binibitawan. “I could have died if you didn’t came,” nanginginig ang tinig na dadag pa niya.
Naramdaman niya ang pagkilos ng mga kamay nito at marahan siyang tinapik sa likod.
“Maybe I am really your gurdian angel,” biro nito upang gumaan ang nararamdaman niya.
Magkakasunod na tango ang isinagot niya rito.
“Siguro nga…” tugon niya saka pa lang ito marahang binitawan.
But his arms stayed around her waist.
Naguguluhang tiningnan niya ito.
Seryoso ang anyo nito, ngunit kakaiba naman ang kislap ng mga mata nito. There was somewhat longing in his eyes na hindi niya maunawaan.
“I tried to control myself so many times, pero mukhang hindi iyon mangyayari ngayon.”
At pagkasabi noon ay mabilis nitong tinawid ang pagitan ng mga labi nila and claimed her lips into a hot-longing kiss. Wala itong pakialam kung para siyang estatwa habang hinahalikan nito. Dilat na dilat ang mga mata niya habang patuloy lang ito sa mapusok na paghalik sa kanya.
Ngunit, hindi rin naman nagtagal ang pagkabigla n’yang iyon. Unti-unti’y ipinikit niya ang mga mata and put her hands around his neck. She then slowly responded into his kisses na nagpangyari upang mapaungol ito.
Lumalim pa nang lumalim ang mga halik nito hanggang sa naramdaman niya ang paglalakbay ng mga kamay nito sa kanyang katawan. Kung saan-saan iyon dumadapo at nag-iiwan ng mumunting apoy na dahan-dahang tumutupok sa pagkatao niya.
She also wanted to feel him kaya ginaya niya ang ginagawa nito. At sa bawat dantay ng mga kamay niya ay malakas na napapaungol ang lalaki.
Tumigil ang mga kamay niya sa sinturon ng pantalon ni Benedict. Akmang aalisin na niya iyon ng pigilan nito ang mga kamay niya.
Nagtatanong ang mga matang tinitigan niya ito.
Bahagyang inilayo ni Benedict ang sarili sa kanya.
“I won’t go that far,” humihingal na sabi nito.
Namumula ang mukhang tuluyan niyang inilayo ang sarili dito sabay iwas ng mga mata. Ayaw niyang mabasa nito ang nag-aapoy na pagnanasa doon.
Pero naramdaman niya ang paglapat ng mga daliri nito sa baba niya at maingat na iniharap sa sarili and directly looked her in the eyes.
“Hindi sa ayaw ko, but because I don’t want you to regret this in the end. Ayokong samantalahin ang kainosentehan mo sa ganitong paraan,” malumanay na paliwanag nito.
Marahan siyang tumango. “I-I'm… Thanks…” usal niya.
She didn’t know that Benedict have that kind of mindset. Kung sa ibang lalaki iyon, baka tuluyan na siyang naangkin.
But his different from those men and she admired more him for that...
“As much as I wanted you so much, gusto kong sa legal na paraan mangyayari iyon,” pagpapatuloy nito na ikinagulat niya.
“W-What do mean?” kinakabahang tanong niya rito.
“Sinadya ko talagang idistansya ang sarili ko sa ‘yo, because I don’t want to fall for you so deeply. Pero habang ginagawa ko iyon, mas lalo lang lumalalim ang nararamdaman ko para sa ‘yo at hindi ko na kaya pang sikilin ang aking sarili. I know it may sound corny pero matagal na rin kitang pinagmamasdan mula sa malayo. Hindi pa man tayo nagkakakilala ng tunay ay napapahanga mo na ako. Then, I saw you at the hill at mula noon nagtuloy-tuloy na,” salaysay nito sabay ngiti.
“I hated myself when you always pushed me away kapag nilalapitan kita. Ngunit, sino nga ba ko para pag-ukulan mo ng pansin? Isa lang akong hamak na tauhan ninyo na nagnanais na mapansin mo. Then, Rachelle started approaching me and I saw some jealousy in your eyes. Conceited mang matatawag, pero ganoon kalakas ang paniniwala kong nagseselos ka ngang talaga. But then again, ano nga bang maibibigay ko sa ‘yo? Hindi ako kasingyaman at kasing-makapangyarihan kagaya ng pamilya ninyo. All I have is my love for you at wala ng iba,” madamdaming wika nito.