Chapter 13

1645 Words
Malakas na napasinghap si Aurora dahil sa mga ipinagtatapat na iyon ng binata. Hindi niya alam na matagal na pala itong may gusto sa kanya and she couldn’t help but feel very much happy. Because deep inside her heart, nag-aasam din pala siyang may pagtingin ito sa kanya dahil siya man ay ganoon din dito. Defense mechanism niya lang pala ang pambabalewala sa presensya nito. At gaya nga ng sabi ni Andrea, she was in denial on her true feelings for him. “Gagawin ko ang lahat mapatunayan lang sa ‘yo at sa pamilya mo na karapat-dapat din ako sa ‘yo, lalong higit kay Don Federico. I’ll do anything just to have you.” Ang sabi pa nito. “You don’t have to do that…” umiiling na tugon niya. “You don’t have to prove anything to anyone. Alam kong mabuti kang tao at sapat na sa akin ang malamang mahal mo rin ako because you were right, I felt jealous seeing you with Rachelle. Pilit ko lang iyong itinatago kahit ang totoo, nasasaktan ako. Isa pa, bigla kang nanlamig na para bang hindi ako nag-eexists and I was wondering why. But, now I have the answers.” Nakangiti nang dagdag niya. She was never been happier in her entire life until this moment. Hearing Benedict saying he loves her makes her over the moon. Walang pagsidlan ang kasiyahan sa kanyang puso. At tama ba ang narinig niya kanina? Is he really going to marry her? Benedict grabbed her hand and planted soft kisses on it, pagkatapos ay dinala nito iyon sa tapat ng puso nito. “Can you feel it?” he asked. Sunod-sunod na tumango si Aurora. Ramdam na ramdam niya ang malakas na t***k niyon. “Sa ‘yo lang tumibok nang ganito ang puso ko. And I know no other woman could do that except you,” madamdaming wika nito. “Oh, Benedict!” siya na mismo ang tumawid sa pagitan nila upang angkinin ang mga labi nito. Ilang minuto ring nagtagal iyon bago nito inilayo ang sarili sa kanya. “As soon as the rain stops, I’ll talked to Don Federico and asked your hand. Hindi sa nagmamadali ako… gusto ko lang makasigurong sa akin ka talaga mapupunta,” nakangiting wika nito. Marahan siyang tumango at niyakap ito ng mahigpit. “I’ll promised to love you forever,” bulong nito sa tenga niya. “And I will love you ‘till eternity,” tugon naman niya. ** And just like what Benedict said, pagkatila ng ulan at paghupa ng tubig sa ilog kinabukasan, magkasama silang umuwi sa casa. Lakad silang nagtungo roon dahil hindi pa makakadaan ang kotse niya pero wala siyang pakialam. Kahit habang-buhay pa siyang maglakad basta kasama ito walang problema sa kanya. Naabutan nila sa sala ang nag-aalalang mukha ng kanyang ina at kapatid na si Andrea. “My God, hija! Where have you been? Bakit hindi ka umuwi kagabi?” sunod-sunod na tanong ni Donya Consuelo ng salubungin sila. “I was stucked at the river, Mama. Hindi agad ako nakatawid bago lumaki ang tubig kaya doon na ako nagpalipas nang gabi,” sagot niya dito pagkatapos itong halikan sa pisngi. “With him?” singit naman ni Andrea. Amused na nakatingin ito kay Benedict pagkatapos ay sa magkahawak nilang mga kamay. Nakangiting nilingon niya ang lalaki sa tabi sabay tango. “Hija!” nae-eskandalong wika ng kanilang Mama. Namimilog ang mga mata nitong pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Benedict. Mabilis niya itong nilapitan. “Relax, Mama. Wala kaming ginagawang masama kung iyon ang iniisip n'yo.” “I’m sorry kung nagulat po kayo, Donya Consuelo. Nagkataong nagkita po kami doon kahapon at parehong hindi makatawid,” ani Benedict dito. Tila nakahinga naman ng maluwag ang kanyang ina. “I’m sorry kung iyon agad ang pumasok sa isip ko. Hindi naman imposible iyon dahil magdamag kayong magkasama,” tugon nito. Natawa si Aurora. “Well… we could have done that, pero hindi umabot sa ganoon.” Biro pa niya na ikinapamula ng mukha ng ina. “Aurora, your mouth!” saway nito sa may kataasang tinig pagkuwa’y nilingon si Benedict. “Baka isipin nitong si…” “Benedict po. Benedict Madrigal. Pamangkin po ako ng T’yang Andeng,” salo ng binata kasabay ng pagpapakilala sa sarili. “Oh… Ikaw pala ang laging ikinukwento n’ya sa akin,” nakangiting wika ng Donya dito. Napakamot naman sa ulo si Benedict. “Si T'yang talaga, baka po pati mga kalokohan ko ikinukwento niya rin sa inyo,” anito na para bang matagal ng kakilala ang kanyang ina kung makipagkwentuhan. “Nasaan nga pala ang Papa, Mama?” tanong niya sa ina. “He’s in the library,” sagot naman ni Andrea. “Ganoon ba?” aniya sabay lingon kay Benedict. Marahan naman itong tumango sa kanya. “Why? What’s the matter?” nalilitong tanong ng kanyang ina. “May sasabihin kami sa kanya,” aniya. “And what is it?” anang makapangyarihang tinig. Paglingon nila sa may pinto ng library ay naroon na ang kanyang ama at seryosong nakamasid sa kanilang apat partikular sa magkahawak nilang kamay ni Benedict. “P-Papa…” nauutal na wika niya. Naramdaman niya ang bahagyang pagpisil ni Benedict sa kanyang kamay kaya napalingon siya dito. Taas-noong hinarap nito ang matandang Don. “Magandang umaga ho, Don Federico,” bati nito. “Anong sasabihin ninyo sa akin?” walang pasakalyeng tanong ng kanyang ama. Ni hindi nito nakuhang gantihan ang pagbati ng binata dito. “I’m going to marry your daughter.” Dere-deretsong sagot ni Benedict habang hindi hinihiwalayan ng tingin ang mga mata ng matandang lalaki. Malakas namang napasinghap sa kanilang tabi ang kanyang ina at si Andrea na parehong nagulat sa narinig. Nag-isang linya ang mga kilay ni Don Federico. “Pardon?” anito na hindi yata narinig ang sinabi ni Benedict. “I’m going to marry Aurora, Don Federico.” Pag-uulit naman nito sa sinabi kanina. “At sa paanong paraan mo naman gagawin iyon? Kaya mo na bang bumuhay ng pamilya?” naghahamon ang tinig na tanong ng kanyang ama. “Papa!” “Federico!” Magkapanabay na wika nilang tatlo ng kanyang ina. Blangko ang mukhang siya naman ang sinulyapan ng ama. “Anong klaseng buhay ang maibibigay mo sa anak ko? Kaya mo bang ibigay sa kanya ang buhay na mayroon siya ngayon?” muling tanong nito. Nakaramdam naman ng hiya si Aurora sa pang-iinsultong iyon ng kanyang ama kay Benedict. Nag-aalalang nilingon niya ang lalaki na seryoso pa rin at tila hindi naapektuhan sa sinabi nito. “I’ll do everything just to give her comfortable life. Hindi n'yo man ako kasingyaman, pero kaya kong gawin ang lahat para lang sa anak ninyo,” matatag na sagot nito. Maluha-luha namang napatitig dito si Aurora. She never knew that Benedict could be as determined as this. Hindi niya alam na kaya nitong harapin ng taas-noo ang kanyang ama para lang sa kanya. “And how would you do that? Nakatapos ka na ba ng pag-aaral mo? May disente ka na bang trabaho?” “Hindi pa ho sa ngayon pero kapag nakatapos na ako, patutunayan ko sa inyo ang sinasabi ko.” “Then bumalik ka na lang kapag nagawa mo na iyon. End with this nonsense discussion,” anito sabay talikod sa kanila. Nababahalang nilingon niya si Benedict na nakangiting nakatingin sa kanya. “Don’t worry about me… hindi ako basta-basta sumusuko,” anito. Naiiyak na niyakap niya ito nang mahigpit. Hindi niya alintana kung naroon pa rin ang ina at si Andrea na pinanonood sila. “I’m so sorry… Alam ko namang magiging ganito ang pagtanggap sa ‘yo ng Papa kapag kinausap natin siya. Sana ipinagpaliban na lang natin.” “Ssshhhh… It’s alright. Lahat naman ng magulang ganoon ang gagawin lalo na’t kapakanan ng anak nila ang nakasalalay dito,” anito at inilayo siya sa sarili. Maingat na pinunasan nito ang mga luha sa kanyang mga mata. “Thank you for understanding Federico, hijo. Pero ganoon pa man, pasensya ka na rin sa inasal niya. Just like what you’ve said, iniisip niya lang ang magiging buhay ni Aurora sa hinaharap,” singit ni Donya Consuelo. Nakangiting hinarap naman ito ni Benedict. “Pasensya na rin po kayo kung nabigla namin kayo. I’ve never been so determined in my life until I met your daughter,” at muli siyang nilingon nito at nginitian ng pagkatamis-tamis. Halos matunaw ang puso niya sa ginawa nitong iyon. Kilig na kilig na napahilig siya sa braso nito. “She’s too precious to me kaya dapat lang na gawin ko ang lahat para sa kanya,” dagdag pa nito at muling sinulyapan ang kanyang ina. “I cannot moved mountains for her, but I’ll make sure she’ll lived on top of it. She’ll be my queen and I will give her all the happiness in the world. Kahit pa dumanas ako nang matinding hirap para matupad iyon, gagawin ko. At kung kinakailangang maghintay ako sa panahong kaya na akong tanggapin ni Don Federico bilang magiging asawa ng anak ninyo, maghihintay ako. Ganoon ko kamahal si Aurora,” madadaming pahayag nito. Maluha-luhang napahawak sa kanyang bibig ang kanyang ina, pagkuwa’y hindi na nito napigilan ang sariling yakapin ang binata. “Thank you for loving my daughter that much. Sa pagmamahal mo pa lang ay sigurado na akong magiging maligaya ang aking si Aurora sa ‘yo,” anito. “I didn’t know na madrama ka rin pala, Mama.” Kantyaw ni Andrea dito na ikinatawa nilang apat. Bumitaw ang kanilang ina sa pagkakayakap kay Benedict at pakunwang hinampas ang braso ng kanyang kapatid na nag-anyo namang nasaktan. Muling napuno ng tawanan ang paligid. At nahiling ni Aurora na sanay ganito ka open-minded ang ama, gaya ng kanyang ina. Nag-aalalang napatingin siya sa nakapinid na pintuan ng library.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD