Chapter 14

1690 Words
“Anong ibig sabihin nito Papa?” kunot-noong tanong niya rito habang binabasa ang laman ng folder na iniabot nito sa kanya. Ipinatawag siya nito sa library dahil may sasabihin daw ito. “You'll leaving next week,” walang kagatol-gatol na tugon nito. Marahas na napalingon siya dito. “But why? Sa isang buwan pa ang graduation namin at hindi ba sinabi ko na sa inyong hindi ako aalis ng Pilipinas?” aniyang nagsisimula ng bumangon ang galit sa dibdib. “Wala akong natatandaang umoo ako sa sinabi mo noon. This is for your own sake at hindi na magbabago pa ang desisyon ko,” malamig na tugon nito. Hindi makapaniwalang napailing si Aurora. “Is this because of Benedict? Dahil ayaw mo akong makasal sa kanya kaya gumagawa ka ng paraan para paglayuin kami?” galit ng tanong niya sa ama. Hindi niya alam na ganito pala kasama ang ugali nito. Noon naiintindihan pa niya ang pagmamanipulang ginagawa nito sa buhay nila ng kanyang mga kapatid, pero ibang usapan na ngayon. Ilang beses na ba itong tinangkang kausaping muli ni Benedict? Pero sa tuwina’y nauuwi iyon sa wala dahil ayaw itong harapin ng kanyang Papa. At hindi niya nagugustuhan ang pagtratong iyon nito sa kasintahan. Kaya mas lalo lang nagkaroon ng lamat ang samahan nilang mag-ama. “Think whatever you want to think, but my decision is final. Your leaving next week,” anito at itinuon ng muli ang atensyon sa mga papeles na nasa harap nito. Galit na iniwan ni Aurora ang ama doon. Dere-deretso siya sa kwadra at kinuha si Maliksi at mabilis iyong pinatakbo. Iisa lang ang nasa isip niya sa mga sandaling, ang makita si Benedict at sabihin dito ang pasya ng kanyang ama. Tumuloy siya sa may burol kung saan alam niyang naroroon ang kasintahan. Madalas itong nakatambay doon kapag walang pasok at trabaho sa hacienda. Hindi nga siya nagkamali. Pagdating doon ay nakita niyang nakatanaw sa walang hanggang kabundukan ang binata. Tila may malalim itong iniisip at ni hindi namalayan ang paglapit niya. Nagulat pa ito ng yakapin n'ya ito mula sa likuran. “Kaylalim naman yata ng iniisip mo at hindi mo napansin ang pagdating ko?” tanong niya rito. Kaagad naman siya nitong iniharap sa sarili. “Paano mo naman nasabi iyon?” anito at mabilis siyang ginawaran ng halik sa mga labi. Napangiti siya sa ginawa nito. Benedict never fails to make her heart flutter. And her loved for him was growing stronger each passing day. “I just knew,” tugon niya rito. Napataas ang isang kilay nito. “At kailan ka pa naging manghuhula?” nanunudyong tanong nito sa kanya. Isang nakamamatay na irap naman ang iginanti niya rito na ikinatawa nito nang husto. “Did you know na mas lalo kang gumaganda kapag nagtataray ka?” “As if I didn’t know,” pagbubuhat niya sa sarili. Napailing na lang ang kasintahan sa sagot niyang iyon. “Eh, di ikaw na.” Nakangiting ginawaran niya ito ng halik sa pisngi sabay talikod dito. Naramdaman naman niya ang pagkayap nito sa kanya mula sa likuran at magkasabay nilang hinayon ang maberdeng kapaligiran. Kaysarap at kaypaya ng buong paligid. ‘Yung tipong wala ka nang ibang aalalahanin pa at para bang hindi mo na gugustuhin pang lisanin ang lugar na iyon. “Benedict…” basag niya sa kanilang katahimikan. “Hmmm?” anito kasabay ng masuyong pagdampi ng mga labi sa kanyang ulo. “Let’s get married,” aniya. Bahagyang natawa ang kasintahan. “Di ba nga magpapakasal naman talaga tayo? We were just waiting for your father’s approval,” tugon nito. “Yes. But I cannot wait any longer for Papa’s blessing. I want us to be married tomorrow.” At hinarap niyang muli ang kasintahan na nangungunot na ang noo habang nakatingin sa kanya. “Why?” “Papa wanted to send me to the U.S. at alam kung paraan n'ya lang iyon para paglayuin tayo,” pagtatapat niya rito kasabay ng isang malalim na buntong-hininga. Hindi mawala-wala sa kanya ang takot at pangambang baka magkatotoo iyon. Naging seryoso si Benedict ng marinig ang sinabi niya. “What did he told you?” tanong nito. “He said it was for my own sake. And he wanted me to leave next week,” tugon niya. Nawala ang kislap sa mga mata nito. Ilang sandali itong tila nag-isip at pagkuwa’y hinawakan nang mahigpit ang kamay niya. “Let’s go,” anito at marahan siyang hinila pabalik kay Maliksi. Maingat siya nitong isinakay doon pagkatapos ay sumunod ito. Bumalik sila sa casa sa pagtataka niya. “What are you going to do?” nababahalang tanong niya rito. “I’ll talked to him,” maiksing tugon nito. “Are you sure?” Tumango ito ng nasa harap na sila ng pintuan ng library. “H'wag kang mag-alala, hindi naman ako mamamatay sa pakikipag-usap sa kanya,” biro nito. Kaagad niyang hinampas ang braso nito. “Kinakabahan na nga ako nakukuha mo pang magbiro,” inis na wika nito at akmang kakatok na sa pinto ng pigilan siya ni Benedict. “No… Ako lang ang makikipag-usap sa kanya. Dito ka muna,” hindi iyon pakiusap kundi isang utos. Walang nagawa si Aurora kundi ang huminga ng malalim at pabayaan ang kasintahan sa nais nito. Hindi na ito kumatok. Walang abisong tumuloy ito sa loob na lalong ikinabahala ni Aurora. Kung mayroon mang higit na kinaaayawan ang ama, iyon ay ang pang-aabala rito ng walang pasabi. Ayaw na ayaw nitong nag-aaksaya ng oras sa mga bagay na hindi nito gustong pag-usapan. His time is the most precious thing for him. Mas importante pa iyon sa kanilang mga anak nito. Nababahalang naghintay sa labas ng may pintuan si Aurora. Ilang beses din niyang idinikit ang tenga doon upang makinig sa usapan ng mga ito, ngunit soundproof ang pinakaopisinang iyon ng kanyang ama. At kahit kaluskos man lang mula sa loob ay wala siyang marinig Bawat tikatik ng malaking orasan sa sala ay binibilang niya. Hindi siya umaalis sa tapat ng pintuan hanggang sa maya-maya pa ay bumukas iyon at iluwa si Benedict. Madilim ang mukha nito kaya alam niyang hindi naging maganda ang naging usapan ng dalawa sa loob. “D-Did Papa told you something?” kinakabahang tanong niya rito. Umiling ito at mahigpit lang siyang niyakap. “We'll get married tomorrow,” anito na ikinatuwa naman niya nang husto. “Really?” excited na tanong niya rito at inilayo pa ang sarili upang makita sa mga mata nito kung totoo nga ang narinig. Tumango ito. “Oh my God! I love you!” aniya. Siya naman ang yumakap dito nang mahigpit. “I love you, too. Always remember that. Hindi iyon magbabago,” tugon nito na ginantihan ang higpit ng kanyang mga yakap. Sunod-sunod siyang tumango. Now, wala nang makakapigil pa sa kanila kahit ang kanyang sariling ama. Hindi na nito magagawang panghimasukan ang buhay niya kapag kasal na sila ni Benedict. ** Kinabukasan ay maagang nagising si Aurora. Sa sobrang excitement niya ay halos wala pa yatang dalawang oras ang naitutulog niya. Napag-usapan nila ni Benedict kahapon na sa munisipyo sa bayan na lang sila magkikita sa umagang iyon. Kilala siya ng mayor nila dahil kumpadre ito ng kanyang ama. Ito na lang ang papakiusapan niyang magkasal sa kanila. Nagsuot ng isang simpleng plain white dress si Aurora upang hindi mahalata sa kanila ang binabalak niya. Pagdating sa munisipyo ay agad siyang nagtungo sa tanggapan ng mayor. Nagkataong naroroon na ito kaya kinausap niya ito kaagad at pumayag naman ito. Ilang beses din siyang tinanong nito kung alam iyon ng kanyang papa at hindi naman siya nagsinungaling dito. Pinakiusapan niya na lang itong h'wag iyong sabihin sa ama hangga’t hindi siya naikakasal nito. Habang naghihintay doon ay hindi maiwasang kabahan ni Aurora, at bukod pa roon nakadarama din siya ng takot. Hindi niya alam kung bakit, pero naisip niyang siguro ganoon naman talaga kapag ikakasal na. Napangiti siya sa isiping iyon. Ilang oras na lang at magiging Mrs. Benedict Madrigal na siya at hindi na niya mahintay pa ang mga sandaling iyon. Kaya’t sa halip na maghintay siya sa opisina ng mayor, ninais niyang sa baba na lang abangan si Benedict. Alam naman niyang darating na ito anumang sandali. Excited na naghintay doon si Aurora. Manaka-naka’y tumitingin siya sa relo sa bisig at sa mga sasakyang dumaraan. Ayaw niyang palagpasin ang pagkakataong siya mismo ang unang makita ng kasintahan pagbaba nito. Ngunit, ang tatlumpong minuto ay naging isang oras. Hanggang sa umabot iyon ng anim na oras pero walang Benedict na dumarating, kahit na anino man lang nito. Doon na siya tuluyang nakadama ng takot. Kailanman ay hindi pa nahuli ang binata sa usapan nila. Pero agad din niyang pinabulaanan ang takot sa dibdib. Ipinilig niya ang ulo upang mawala ang kung ano-anong ideyang pumapasok doon. Baka may importanteng ginawa ito kaya hindi agad nakarating. At muli, punong-puno ng pag-asang matyaga siyang naghintay sa kasintahan. Benedict won’t hurt her, iyon ang isiniksik niya sa isipan. But waiting for him was like death to her na unti-unting lumalagot sa kanyang hininga. At ang anim na oras ay naging sampu, hanggang sa makita niyang isa-isa nang nagsisiuwian ang mga empleyado ng munisipyo. She still waits until total darkness envelops the whole place. Nanghihina ang mga tuhod na napasalampak na lang siya sa sementadong sahig. Sunod-sunod na pumatak ang kanyang mga luha na tila ba walang katapusan iyon. Wala siyang pakialam kung may nakakakita man sa kanya. Hindi man matao sa lugar na iyon pero may pailan-ilan ding dumadaan doon. She didn’t know that Benedict could do this to her. Nasaan na ang mga matatamis nitong pangako? Nasaan na ang determinasyon nito sa tuwing haharapin ang kanyang ama? Ganito ba talaga siya kadaling isuko? Pero walang ibang makakasagot sa mga tanong na iyon kundi si Benedict lang, at wala doon ang binata. Because if he’s with her, hindi sana siya nasasaktan ng ganito. Ngunit bukod dito, may isa tao pang makasasagot noon para sa kanya. Marahas siyang tumayo at nagtungo sa kanyang sasakyan. Mabilis niya iyong pinatakbo sa isang tiyak na lugar… Sa casa…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD