Chapter 15

1576 Words
“Papa! Papa!” malakas ang tinig na tawag niya sa ama. Dumeretso siya sa library kung saan alam niyang naroon ito. Pabalandrang binuksan niya ang pintuan at naabutan nga ito roon kasama ng Kuya Sebastian niya. “What is it Aurora?” nag-aalalang tanong ng kanyang kapatid ng makitang basa pa ng mga luha ang kanyang mga mata. “Asked Papa.” Galit na tugon niya at hinarap ang ama. “What did you do this time?” nangangatal ang mga labing tanong niya rito habang nagpipigil na muling maiyak. “I didn’t do anything wrong,” malamig na tugon. “So may ginawa ka nga! Ha!?” nanggagalaiting sigaw niya rito. “Aurora! Baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo,” ma-awtoridad na saway sa kanya ni Sebastian. She laughed sarcastically. “You wanted me to respect him, ha Kuya? Karespe-respeto ba ang ginawa niyang pagwasak sa puso ko!?” at tuluyan na siyang napaiyak. Humahangos namang dumating doon ang kanyang ina at si Andrea na narinig siguro ang pagsigaw niya dahil sa nakabukas na pintuan. “Ate…” agad siyang nilapitan ni Andrea at niyakap. “Ano bang nangyayari dito Federico, Sebastian?” naguguluhang tanong ni Consuelo sa asawa at anak. Hindi sumagot si Sebastian kaya nagtatanong ang mga matang nilingon nito ang asawa. “I didn’t do anything wrong,” mariing ulit nito sa sinabi kanina. “Liar! You’re a liar!” sigaw ni Aurora at muling hinarap ang ama. “Kahit kailan sarili mo lang ang inisip mo... sarili mo at negosyo mo! Lahat na lang ng nasa paligid mo minamanipula mo! We cannot make our own decisions dahil ayaw mo kaming magkamali. Because for you mistakes are not an option. Gusto mo perpekto ang lahat! Gusto mo palaging ikaw na lang ang masunod! Palaging ikaw ang tama! Ni hindi mo man lang naisip na nasasaktan at nasasakal na kami sa mga ginagawa mo! You’re too selfish, Papa! Iyon ang totoo!” Ang galit at sakit na kanyang nararamdaman ay parang dam na nabuksan at tuloy-tuloy iyong ibinuhos sa ama. Nanlilisik ang mga matang tumayo ito. At sa pagkagulat nang lahat, isang malakas na sampal ang ibinigay nito sa kanya. “Federico!” “Papa!” Gulat na gulat na magkakapanabay na wika ng tatlo. Pero hindi nagpatinag si Aurora. Sapo ang namumulang pisngi na tinignan niya ang ama. Larawan sa mga mata niya ang pagkamuhi rito. “How I wished I never had a father like you,” malamig na wika niya sabay talikod sa mga ito. Ni isa'y walang nakapagsalita sa mga naroon. Nag-aalalang hinabol siya ng tingin ng ina at dalawang kapatid pagkatapos ay ang kanilang Papa. Si Andrea ang unang nakabawi sa mga ito. Hinabol siya nito hanggang sa kanyang silid. “Ate… Ate…” anito kasabay nang sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Pinihit nito ang seradura ng hindi siya sumagot. Tuloy-tuloy itong pumasok sa loob nang matantong bukas iyon. “What are you doing?” naguguluhang tanong nito ng makita ang malaking maleta sa ibabaw ng kama niya. Wala sa ayos na basta n’ya na lang inilagay ang mga damit doon. “Ate, ano ba talaga ang nangyayari?” muling tanong nito ng hindi siya sumagot. Blangko ang mukhang hinarap niya ito. “Benedict didn’t came to see me. Ikakasal na dapat kami ngayon, pero hindi siya dumating at alam kung may kinalaman doon si Papa.” Malakas na napasinghap ang kapatid. “What!? At bakit naman niya gagawin iyon? Hindi ba mahal na mahal ka n'ya? At bakit ba nagmamadali kayo? Di ba sabi niya willing naman siyang maghintay?” naguguluhang magkakasunod na tanong nito. “That’s all a lie. Everything was a lie,” punong-puno ng kapaitang tugon niya. “Paano mo naman nasabi iyon? Nagkausap na ba kayo?” Mariin siyang umiling. “Para saan pa? Wala nang saysay kong kausapin ko man siya, because I know Papa did something kaya hindi siya dumating sa munisipyo kanina.” “Are you sure about that? Paano kung hindi ganoon? Paano kung may iba pa siyang dahilan?” giit pa nito. “Dahilan!?” galit na gagad niya sa sinabi nito. “At anong dahilan naman iyon? He promised to love me forever, pero anong ginawa niya, ha?” nangingilid ang mga luhang tanong niya sa kapatid. “Ate…” iyon lang ang tanging nasambit nito at niyakap siya. “I was so stupid to believe him,” aniyang tuluyan ng pumatak ang mga luha. “Sabihin mo nga sa akin, Andrea… may mali ba sa akin?” “No, Ate… Walang mali sa ‘yo. I love you, you know that…” pagpapalubag-loob na sabi nito. Pagak siyang natawa kasabay ng pagpapahid ng mga luha at inilayo ang sarili sa kapatid. “Thanks for that,” she said sincerely pagkuwa’y tumigas na muli ang anyo. “Walang kapatawaran ang ginawa niya sa akin, Andrea… sila ni Papa. They hurt me and it feels like h*ll. Anuman ang rason nilang pareho, wala na akong pakialam doon. And I will never forget this day until I die,” mariing wika niya at ipinagpatuloy na ang pag-eempake. “Pero kailangan mo ba talagang umalis?” nababahala pa ring tanong nito. “Kailangan, Andrea… Ayoko ng makasama o kahit ang makita man lang silang dalawa ni Papa,” she firmly said. Walang nagawa si Andrea kundi ang malungkot na pagmasdan na lamang siya. Kilala siya ng kapatid. Alam nitong kahit anong sabihin nito sa kanya ay hindi siya makikinig. Isang ugali iyon ng mga Monte Bello na nakuha nilang lahat sa ama. At kung matigas ang kanilang Papa, mas lalo na siya. Padarag na isinara niya ang maleta at binuhat iyon pababa habang nakasunod sa kanya si Andrea. Naabutan niya doon ang nag-aalalang ina at ang dalawang nakatatandang kapatid. Nilagpasan niya ang mga ito at nagtuloy-tuloy sa kanyang sasakyan. Isinakay niya doon ang maleta. “Aurora don’t do this…” nakikiusap ang tinig na pigil sa kanya ng kanilang ina. Umiling siya. “I’m sorry, Mama. Pero hindi ko na maaatim na makasama pa si Papa dito,” aniya at akmang bubuksan ang driver’s seat ng magsalita ang kanyang Kuya Antonio. “Let me drive you at least, kung saan ka man pupunta,” presinta nito. Malungkot na tiningnan niya ito. “Thanks Kuya.” “Saan ka nga ba pupunta?” tanong naman ni Sebastian. Ito naman ang hinarap niya. “Itutuloy ko na ang matagal na plano ni Papa. I’ll go to the states,” tugon niya. Narinig niyang suminghot ang ina. Nilapitan niya ito at niyakap. “Please try to understand me. I have to do this para na rin sa sarili ko. Tatawagan ko na lang kayo ng madalas dito,” aniya at bumitaw na sa pagkakayakap dito, pagkatapos ay si Andrea naman ang nilingon. “Please take care of Mama for me,” bilin niya rito. Tumango naman ito. Malungkot na tiningnan niyang muli ang kanyang Kuya Sebastian. “Ikaw na ang bahala dito, Kuya.” At pagkasabi noon ay lumulan na siya sa passenger’s seat. Marahan namang pinatakbo ng kanyang Kuya Antonio ang sasakyan papalayo sa casa… papalayo sa Hacienda Monte Bello… papalayo sa mga taong nanakit sa kanya. ** Dalawang butil ng mga luha ang malayang pumatak sa gilid ng kanyang mga mata. Marahas niyang pinunasan iyon at inis na bumangon. Nagtungo siya sa banyo at mabilis na itinapat sa rumaragasang malamig na tubig ang kanyang katawan. Paraan niya iyon para mawala ang mga iniisip. Paglabas niya ay malakas na tunog ng kanyang cellphone ang bumungad sa kanya. Agad niya iyong kinuha sa bag at napangiti ng makita kung sino ang caller. “Yes?” malambing na sagot. “Hi, Babe! Missed me?” masiglang bati ng kanyang fiancée sa kabilang linya. “Hmmm… I don’t think so,” she teased while smiling ear to ear. Amused na napatawa si James sa kabilang linya. “Oh? You don’t think so? Andito pa naman ako sa labas ng condominium n'yo,” sakay nito na ikinasurpresa niya. “You’re kidding, right?” tanong niya habang kinukuskos ng tuwalya ang basang buhok at naupo sa kama. Mahilig talagang sakyan ng binata ang mga biro niya. Ito ang dahilan kung bakit tinanggap niya ang proposal nito sa U.S. He made her smiled again. Nagkakilala sila sa Amerika nang nasa ikaapat na taon na siya ng paninirahan doon. Isa itong architect na half-Filipino, half-American. Noong una ay pinakaiiwas-iwasan niya ito dahil sa takot na baka masaktan lang siyang muli, but James was very persistent. Hindi ito tumigil hangga’t hindi siya napapasagot. And then last year, he proposed to her na tinanggap naman niya. Panahon na rin naman siguro para lumagay siya sa tahimik. Wala na rin namang pipigil sa kanya na gawin iyon dahil matagal ng patay ang ama. “I am not joking. I was really here at the lobby,” narinig niyang wika ng kasintahan sa kabilang linya na ikinatigil niya sa pag-iisip. Napatayo siya. “Really!?” “Yes, Babe... I really wanted to surprise you kaya hindi ko sinabing uuwi ako. Kaya pwede ba bumaba ka na dito, because I missed you terribly,” malambing na wika nito. “Oh…” kinikilig na sabi niya at mabilis na naghagilap ng maisusuot. “Hang on. I’ll be ther in five minutes,” aniya at ibinaba na ang telepono. Excited siyang nagbihis at tila naglaho ng tuluyan ang mga iniisip niya kanina lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD