“Babe!” excited na salubong sa kanya ni James ng makababa siya sa lobby.
And instead of giving her a hug, isang mapusok na halik ang ibinigay nito sa kanya na hindi niya agad naiwasan. Humihingal silang pareho ng bitawan nito ang mga labi niya.
Namumula ang mga pisnging hinampas niya ito sa balikat. Alam niyang nasa kanila ang mga mata nang lahat ng naroroon.
“What?” patay-malisyang tanong nito habang amused na nakatingin sa kanya. “We’re going to get married soon, kaya dapat masanay ka na,” dagdag pa nito.
Iginiya siya nito palabas ng condominium building. Tumigil sila sa tapat ng isang kotseng nakaparada doon.
“Where are we going?” nagtatakang tanong niya rito ng buksan nito ang pintuan sa backseat.
“Just get in, okay?” he impatiently said.
Wala namang nagawa si Aurora kundi ang sundin ito. She doesn’t want to upset him dahil ayaw din niyang nag-aaway sila.
Tumigil ang kanilang sinasakyan sa isang restaurant kung saan nagpa-reserve pala ito ng table for two. An intimate candlelit dinner.
Maganang kumain silang pareho.
“So, when are you coming back? Sasabay ka na ba sa ‘kin?” tanong ni James pagkatapos nitong isubo ang hiniwang steak.
Natigilan naman siya.
Hindi pa nga pala niya nasasabi dito ang pagbabago sa mga plano niya.
“I can’t James…” mahinang tugon niya.
Nagsalubong ang mga kilay nito.
“What do you mean you can’t? Hindi ba tapos na ang kasal ng kapatid mo?”
She gets a tissue and wiped her mouth.
“Yes... But, Kuya Sebastian already sent my resignation letter in the U.S. Wala na akong babalikang trabaho doon. Hindi siya pumayag na umalis akong muli sa bansa, kaya binigyan niya ako ng posisyon sa aming kompanya,” paliwanag niya rito.
Natahimik si James.
Hindi alam ni Aurora kung ano ang tumatakbo sa isip nito sa mga sandaling iyon. She just watched him changes facial expressions.
“I thought your father was dead,” iyon ang lumabas sa bibig nito ng magsalita.
“I also thought so,” sang-ayon niya sa sinabi nito.
Alam ng lalaki ang tungkol sa pagmamanipula ng kanilang papa sa buhay nilang magkakapatid dahil naikwento niya iyon dito minsan. Ang sabi nito noon, dapat pa daw itong magpasalamat sa kanyang ama, dahil kung hindi dahil dito hindi siya nito makilala na tinatawanan na lang niya.
Pero kung sabagay, may punto rin naman nga ito, but it could have been worst for him kung nakilala nga nito ang kanyang Papa. Alam niyang hindi ito makakalagpas sa galamay ni Don Federico Monte Bello kung nagkataon.
“Then what about our wedding?” maya-maya’y tanong nito.
Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya ng mabanggit nito ang tungkol sa kasal nila.
“We could do it here. At mas maganda sana kung sa Puerto del Cielo,” nae-excite na tugon niya. "I'll bring you there one of these days and I'm pretty sure you'll loved our place."
Ngumiti si James.
“We’ll do it here, then.”
“But… how about you?” biglang bawi niya. “How about your work?” nag-aalalang tanong niya rito.
Ginagap nito ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng mesa at pinisil iyon.
“If you’re not coming back with me, then I’ll also stays here,” anito.
“Really? You’ll do that for me?” hindi makapaniwalang tanong niya rito.
“Of course! I love you and I’ll do anything for you,” madamdaming pahayag nito.
Nawala ang mga ngiti sa mga labi niya at tila sirang plakang umalingawngaw sa isip niya ang huling tinuran nito. She heard another voice at the back of her head saying those words at hindi niya mapigilang makaramdam ng galit.
Bakit ba bumabalik pa rin iyon sa kanyang alaala? Hindi ba matagal na niya iyong ibinaon sa limot? Ano bang nangyayari sa kanya?
“Is there something wrong?” nababahalang tanong ni James ng makita ang galit sa mga mata niya.
Agad niyang ipinilig ang ulo at pilit na ngumiti.
“No… I’m alright,” aniya at binawi na ang kamay dito at ipinagpatuloy na pagkain.
Mataman siyang tinitigan ng kasintahan. Maya-maya pa’y tahimik na rin itong kumaing kagaya niya.
**
Kahit parang mamatay si Aurora sa unang araw ng pagpasok niya sa MBGC ay wala siyang magawa.
Hindi niya na talaga maiiwasan ang makitang muli si Benedict, dahil kaninang alas-sais y media pa lamang ay nakatanggap na siya ng tawag sa kanyang nakatatandang kapatid. Agad siyang binalaan nito at hindi niya pwedeng ipagsawalang bahala iyon.
A warning coming from Sebastian Monte Bello is also a death sentence for her and to anyone. Hindi na ito ang Kuyang nakilala niya noon, because he has a lot of responsibilities right now. Kaya walang sinuman ang pwede sumuway dito kahit na silang mga kapatid nito.
Napabuntong-hininga na lang siya habang nagmamaneho.
Bakit ba napunta pa siya sa angkan ng mga mapagmanipulang tao? Before it was her father, and now her brother... Kailan ba matatapos iyon?
Pagdating sa MBGC building ay huminga muna siya ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob.
“There’s no turning back,” aniya sa sarili at nagsimula na sa marahang paghakbang.
She gets into the elevator upang bahagya lang ding matigilan ng makita kung sino ang naroon. Benedict was standing at the corner, handsomely leaning at the elevator wall. At walang ibang tao doon kundi silang dalawa lang!
Aurora tried to ignore his presence habang hinihintay na muling magbukas ang elevator. Pero mukhang minamalas siya sa araw na iyon. Bigla iyong huminto at namatay ang ilaw.
Natilihan siya, pero hindi iyon ipinahalata sa binata. She just remained standing where she is nang maramdaman ang paghakbang nito papalapit sa kanya.
“Are you alright?” tanong nito.
Hindi siya sumagot. Kahit mamamatay siya doon, she will not create any conversation with him.
Sa malabong anino ay nakita niyang tumaas ang kamay nito papunta sa kinaroroonan niya. Agad siyang umiwas sa pag-aakalang hahawakan siya nito, pero nagkakamali pala siya. Ang emergency button pala ang puntirya nito.
Inis na umayos siya sa pagkakatayo. Narinig pa niya ang pagkawala ng pinipigil nitong tawa.
Masama ang tinging ibinigay niya rito kahit hindi siya sigurado kung nakikita nito iyon. But, Benedict started moving his shoulders hanggang sa hindi na nga nito napigilan ang pagkawala ng malakas na halakhak.
Namamanghang napatingin na lang siya dito.
Anong masamang hangin ang pumasok sa utak nito at nakukuha pa nitong tumawa sa sitwasyon nilang iyon?
“I’m… I’m sorry…” anito habang sinusupil na huwag matawang muli.
But Aurora didn’t know kung para saan ang paghingi nito ng paumanhin. Sa pagtawa ba nito o sa kasalanan nito sa kanya?
And she chooses the first part.
Ano pa bang saysay kung hihingi ito ng sorry sa kanya? At bakit ba ganoon ang pumapasok sa isip niya? Paano nga ba niya naikonekta sa kasalanan nito ang sinasabi nito ngayon?
She’s insane!
At lalo siyang masisiraan ng bait kung hindi pa sila makakaalis sa masikip at madilim na elevator na iyon!
“We could talk anything, you know.” Ang sabi pa ng lalaki sa kanyang tabi encouraging her to speak. “How are you by the way?” tanong pa nito.
She rolled her eyes. Hindi pa rin pala ito nagbabago. Nuknukan pa rin pala ito ng kulit.
“Suplada ka pa rin pala hanggang ngayon, Señorita.” Komento pa nito.
Marahas siyang napalingon dito.
“Pwede ba… stop talking to me na para bang walang nangyari! I am not your friend, nor your acquintance!” nanggagalaiting sabi niya rito.
Taas-baba ang kanyang dibdib sa tindi ng galit na nararamdaman.
“I’m sorry,” muling hingi nito ng paumanhin.
Lalo naman siyang nakaramdam ng galit dito. “Stop saying sorry, if you didn’t mean it. Walang kapatawaran ang ginawa mo sa akin. Kaya kahit paulit-ulit ka pang humingi ng sorry, hinding-hindi ko iyon ibibigay sa ‘yo kahit na kaylan,” malamig na wika niya at tinalikuran na ito.
She heard him sighed.
“I didn’t mean to hurt you… now and even before. I just want you to know that,” anito at hindi na muling nagsalita pa.
But she just ignored what he just had said. Paulit-ulit lang naman siyang magagalit kung papansinin lahat ng lumabas sa bibig nito. At hindi iyon papabor sa kanya.
She needs to learn how to handle her emotions in front of him. Ayaw niyang mapahiya ang sarili at lalong ayaw niyang bigyan nito iyon ng ibang kahulugan.
She’ll be civil to him sa harap ng kanilang mga katrabaho at hanggang doon na lang ‘yun. She will never entertained him nor make any small conversation with him.
This may give her headaches and too much stress, pero kinakailangan niyang malagpasan ito. Ipapakita niya ritong hindi na siya apektado pa ng presensya nito.
She felt relieved nang biglang lumiwanag ang paligid at muling umandar ang elevator. Pagbukas noon sa Finance Department ay mabilis siyang bumaba. Walang lingong-likod na nagtungo siya sa nakalaang pwesto para sa kanya and start to do her job.
Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit nakasunod pa rin sa kanya si Benedict. Nakatayo ito sa may likuran ng kinauupuan niya na para bang sinusuri nitong maigi ang ginagawa niya.
Nang hindi na siya nakatiis ay inis na nilingon ito at nagplaster ng pekeng ngiti sa mga labi.
“Is there anything I can do for you, Sir?” may diing tanong niya rito.
Subalit ang hunghang na lalaki ay gumanti ng pagkatamis-tamis na ngiti sa kanya na para bang inaasar siyang talaga, pagkuwa’y hinarap nito ang mga empleyado doon.
“Ladies and getlemen,” kuha nito sa atensyon ng lahat. “I would like to introduce to you our newly hired staff,” at siya naman ang nilingon nito.
Walang nagawa si Aurora kundi ang tumayo habang hindi inaalis ang pekeng ngiti sa mga labi.
“This is Miss Aurora Blancaflor. Siya ang bago ninyong makakatrabaho,” pakilala nito sa kanya.
Hindi naman nakaligtas sa kanyang pandinig ang ginamit nitong apelyido niya. That was her mother’s surname.
Nakalimutan n'ya nga pala ang mga conditions na hiniling niya sa kapatid. She was there hiding her true identity dahil pangingilagan siya ng mga empleyado kapag nalaman ng mga ito na isa siyang Monte Bello.
“Good morning,” bati niya sa mga ito kasabay ng isang totoong ngiti.
Isa-isa namang nagsilapitan at nakipagkilala sa kanya ang lahat. Mukhang namang mababait at mapagkakatiwalaan ang mga ito.
Alam niyang lahat ng tauhan nila doon ay dumaan kung hindi man sa kanyang ama, ay alinman sa Kuya Sebastian o Antonio niya. And they were all loyal to the company. A legacy that her father left to them.
“Not bad for my first day,” bulong niya sa sarili ng magsibalikan na ang lahat sa kani-kanilang mga pwesto at nag-umpisa na muling magtrabaho.