“Hi!” ani Andrea ng mabungaran niya ito sa penthouse pagdating niya doon galing sa trabaho.
Gulat na gulat na mabilis niya itong nilapitan at niyakap.
“Oh my God! Hi! What are you doing here?” tanong niya ng bitawan ito.
Malapad ang mga ngiting tinitigan siya nito. “Well… I missed you and I like to congratulate you on your first day. How was it?” excited na pag-uusisa nito.
Napatirik na lang ang mga mata niya sa kisame.
“As if iyon naman talaga ang dahilan ng ipinunta mo dito,” aniya.
She knew that Andrea knows who she was working with. At makikipagtsimisan lang ito sa kanya kaya ito naroroon.
“Ano pa nga ba?” makahulugang tugon nito at mataman siyang tinitigan.
Napailing na lang siya.
“Oh come on! Just asked me directly. Alam ko namang may iba ka pang pakay bukod sa pag-congratulate mo sa akin ngayon. At talagang lumuwas ka pa ng Manila, huh?” palatak niya.
Lumapad naman ang pagkakangiti ng kanyang kapatid. Hindi na nito itinago ang totoong intensyon ng pagdalaw sa kaya.
“So, how was it meeting him again? Is there any sparks? Balita ko kay Manang Andeng binata pa rin siya hanggang ngayon,” tuloy-tuloy na wika nito.
Sinagot niya iyon ng isang kibit-balikat at naglakad patungo sa fridge. Kumuha siya ng tubig doon at uminom. Paglingon niya sa nakasunod na si Andrea ay gusot na ang mukha nito.
“What?” natatawang tanong niya.
“What do you mean what? I was asking you kung ano ang pakiramdam na makita siyang muli?” she asked impatiently.
At inagaw nito ang hawak niyang baso at hinila siyang paupo sa sofa.
“Nothing. Ano ba ang dapat kong maramdaman?” she simply answered.
“Liar… Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo,” anito.
Pagak siyang natawa.
“At bakit naman hindi?”
Her sister grin. Naghuhumiyaw sa itsura nito ang mga katagang I know you, you know. Pero iba ang lumabas sa bibig nito.
“I saw it in your eyes. At isa pa, Kuya Seb—”
“Wait… wait… wait…” putol niya sa sasabihin niyo. “At ano namang alam ni Kuya Sebastian sa nararamdaman ko?”
“A lot,” makahulugang tugon nito at pinagmasdan siyang maigi.
Nagsalubong ang mga kilay niya sa naging sagot nito. “A lot? What do you mean?”
“Basta,” tipid nitong tugon sabay kibit-balikat.
Lalo namang dumami ang gatla sa noo niya sa sagot nitong iyon.
“Are you hiding something from me?” nanunukat ang tinging tanong niya rito.
Mabilis itong umiling.
“No. Why would I be?” anito at inihilig ang ulo sa sofa. “I just really wanted to know if you still have feelings for him after all these years. Alam kong sa maikling panahon ng pagiging magkasintahan n'yo noon, the two of you trully love each other. Hindi naman siguro kayo magdedesisyong magpakasal kung hindi. At siguro, kung hindi lang nanghimasok si Papa, baka masaya na kayo ngayon,” malungkot na saad nito.
Napataas ang kilay niya sa tinuran nito.
Andrea couldn’t hide the bitterness in her voice! At alam niya kung bakit ito nagkakaganoon.
“Teka… Ako pa ba ang pinag-uusapan natin dito o ikaw na?” she asked instead.
She knew her little sister’s secret. Lahat ng nangyari dito pag-alis niya noon ay ikwenento nito sa kanya and her heart bleeds for her. Kung sa kanya siguro nangyari iyon baka nasiraan na siya ng bait.
But… there’s still a chance kung nanaisin man nito. Iyon ay kung malalaman nito ang totoo.
Agad niyang ipinilig ang sariling ulo.
As much as she wanted to help her dahil ayaw niyang nahihirapan ito, hindi maaaring sa kanya manggaling iyon. Baka bumangon pa sa hukay ang papa nila kapag nagkataon.
Narinig niyang humugot ng malalim na paghinga si Andrea na pumutol sa kanyang pag-iisip. Nang sulyapan niya ito ay nakatingin na ito sa kawalan.
“Why was this happening to us, Ate?” may kapaitang tanong nito sa kanya.
At nasasaktan siya sa nakikitang anyo nito. Nawala na ang kanina’y kislap ng mga mata nito, napalitan iyon nang matinding lungkot, pag-aalala, at pag-aalinlangan.
Walang maapuhap na sagot si Aurora sa tanong na iyon ng kapatid kundi isang iling. Siya man ay ganoon din ang katanungan sa sarili.
“Have you talked to him?” pag-uusisa niya rito makalipas ang ilang sandali.
Ito naman ang umiling. “You? Have you talked to him?” balik-tanong naman nito.
Bahagya siyang tumango. “A bit. We just talked about our work and nothing else,” pagsisinungaling niya rito.
Hindi niya gustong malaman nito kung gaano siya kaapektado sa pagkikita nilang muli ni Benedict. Ayaw na niyang dumagdag pa sa iniisip nito.
“Just work? Did he even say sorry to you about what happened before?” ito naman ang nag-usisa.
“No… it’s not necessary. Dahil hindi ko rin naman tatanggapin iyon,” she said half-true and half-lie.
Andrea sighed again. “While on me, kahit humingi siya ng tawad at kahit patawarin ko siya, it doesn’t changed the fact that we can’t be together again in this lifetime. Kahit anong gawin ko hindi talaga pwede,” anito. Lakip sa tinig nito ang kawalan ng pag-asa.
“But… what if there’s a way?” wala sa loob na tanong niya rito.
“If there is, then I’ll be the happiest woman in the world,” tugon nito sa pinasiglang tinig. Pero agad din namang bumalik ang lambong sa mga mata nito. “That is, kung mahal n'ya pa rin ako,” malungkot na dagdag pa nito.
Walang nagawa si Aurora kundi ang yakapin ito. Kung mayroon man siyang kahilingan sa buhay, iyon ay ang walang hanggang kaligayahan para rito. And she’ll do anything just to give that to her. Dahil siya ang humiling dito.
**
“Hi! Is my brother there?” magalang na tanong niya sa sekretarya ng kanyang Kuya Antonio. Sinadya niya itong puntahan doon dahil may importanteng bagay siyang sasabihin.
Nakangiting tumango sa kanya si Sylvia. Kilala siya nito at alam nitong inililihim niya ang totoong pagkatao sa mga empleyado nila roon.
“Yes, Miss Monte Bello. You may come in,” anito.
“Thanks,” aniya at nilagpasan na ito.
Tuloy-tuloy siyang pumasok sa opisina ng kapatid at hindi na nag-abala pang kumatok. Nabungaran niya roon si Antonio na nakaupo paharap sa floor to ceiling na bintana at malayo ang tinatanaw habang panay ang pakawa ng buntong-hininga.
“Is there something bothering you?” tanong niya na ikinagulat naman nito.
“F*cked, Aurora! Hindi ka ba marunong kumatok?” iritableng tugon nito at hinarap siya.
“Well hello rin, Kuya Antonio,” sarkastikong wika niya at naupo na sa bakanteng upuan sa harap ng mesa nito.
Napailing ito sabay hilot sa batok.
Amused na tinitigan niya ang kapatid. “Marital problems?” nakalolokong tanong pa niya dito.
“Oh, mind your own business!” supladong tugon nito. “Bakit ka ba narito?” pag-iiba nito ng usapan.
“At halatang umiiwas ka naman,” aniyang hindi pa rin nagbabago ang timbre ng tinig.
“Aurora…” nagbababalang saad nito.
Natawa na siya ng tuluyan.
“The Almighty Antonio Monte Bello got smitten by a woman,” iiling-iling na komento niya. “Should I warned Letizia now?” birong-tanong niya rito.
Nagngalit ang mga bagang nito at masamang tumingin sa kanya. “Kung hindi lang kita kapatid kanina ko pa pinilipit ang leeg mo.”
“You can try,” paghahamon niya.
Ito naman ang umiling at pagkuwa’y ibinaling sa tambak na papeles sa lamesa nito ang atensyon.
“If you don’t have anything else to say, bukas ang pintuan ng opisina ko. Malaya ka ng makakaalis,” pagdi-dismis nito sa kanya sa malamig na tinig. Mukhang naubos niya ang pasensya nito.
“Tsk…tsk…tsk… Your temper, Kuya. Baka kaya hindi kayo nagkakasundo ni Letizia dahil sa attitude mong ‘yan,” palatak niya na hindi ito inintindi.
Inis na ibinagsak nito ang kamay sa ibabaw ng lamesa at muli siyang hinarap. “What is it that you want?” umuusok ang ilong na tanong nito.
Sumeryoso naman siya.
“About our company outing…” may pag-aalinlangang tugon niya.
Napataas naman ang kilay nito. “And what about it?”
“Can I skip it? Pwede bang hindi na lang ako sumama?” tanong niya.
Ito talaga ang nilapitan niya dahil alam niyang hindi papayag ang kanyang Kuya Sebastian kung dito siya magpapaalam.
“At ano namang rason mo para hindi um-attend doon?” nang-aarok ang mga matang tanong nito.
Umiwas siya ng tingin. “Nothing,” sagot niya.
“Nothing?” pag-uulit nito sa sinabi niya. “At sa palagay mo uubra ang sagot na iyan sa Chairman? At isa pa, bakit sa ‘kin ka nagpapaalam at hindi sa kanya?” anitong ang tinutukoy ay ang kanilang nakatatandang kapatid.
“You know Kuya Sebastian won’t allow that. Hindi iyon papayag na hindi ako pumunta,” maktol niya rito.
“Alam mo naman pala ang sagot, then why bothering asking my permission?”
Inis na tiningnan niya ito.
“I just wanted to try. Dahil kung papayag ka, then baka papayag na rin si Kuya,” giit pa niya.
Umiling ito. “That won’t happen, Aurora. Babago ka pa lang nag-uumpisa dito tapos hindi ka aattend? That outing is not just for fun. Our company needs to create a strong relationship towards our employees. Makikita mo dito how they become loyal to us. Hindi ba iyon naman ang gusto mong matutunan for you to understand how to run our businesses?”
Lumabi si Aurora.
The said company outing is set to be one whole week and out-of-town. Team building na rin iyon dahil gaya ng sinabi ng kapatid, para magkaroon ng maayos na samahan ang mga empleyado at bosses ng kanilang kompanya.
Iba-iba ang schedule ng bawat departamento na tama lang naman. Pero ang ipinaghihimutok niya, lahat ng department heads ay kailangang naroon buong linggo kabilang na siya. Dahil bukod sa mga ito ay kailangan daw na may apprentice kuno ang bawat department heads, at sa kanilang departamento ay isa siya sa napili.
Ibig sabihin isang linggo silang magkakasama ni Benedict!
“Stop acting like a child Aurora,” narinig niyang sabi ni Antonio ng hindi siya nakasagot. “You’re a grown-up woman. Dapat marunong kang mag-set aside ng personal matters towards your work,” dagdag pa nito at muli ng itinuon sa trabaho ang atensyon.
Laglag ang mga balikat na tumayo siya at siya naman ang tumingin sa labas ng bintana nito.
Ano pa nga bang magagawa ko? sa loob-loob niya.