The location of their company outing was in Bohol. May isa kasing executive ng kompanya nila ang may-ari ng hotel and resort doon.
Maganda ang lugar at napakalinis. Para na rin siyang bumalik sa beaches ng Puerto del Cielo. Hindi kasi nagkakalayo ang itsura noon doon. Ang kaibahan nga lang, medyo crowded na ang Bohol samantalang sa kanila ay halos pristine pa ang mga beaches lalo na sa parte ng kanilang lupain.
Kasabay ng departamento nila ang HR department, marketing, sales at accounting. Nasa higit limampu silang dumating doon.
Bukod sa kanila, syempre, hindi mawawala doon ang kanyang buong pamilya na napakadalang mangyari.
Naroon ang mag-asawa ng kanyang Kuya Antonio at Kuya Sebastian, mag-ina ni Andrea at Bella, at ang kanilang Mama. And of course, last but not definitely the least, their half-brother.
What a happy reunion! Palatak niya sa isip habang sinundan ng tingin ang mga ito papunta sa kani-kanilang private suites.
Siguro sinabihan na ng kanyang Kuya Sebastian ang pamilya nila na sekreto pa ang tunay niyang katauhan sa kompanya, kaya hindi nagtangka lumapit sa kanya si Bella na walang ibang bukang-bibig kundi ang excited nitong pagligo sa dagat.
At dahil nga akala ng marami doon ay isa lang siyang simpleng empleyado ng kanilang kompanya, kasama niya sa silid ang mga katrabaho niyang babae. Wala naman siyang reklamo doon dahil sanay siya sa ganoong buhay sa U.S.
“Did you see the Monte Bello's? Gosh! They were all freaking gorgeous! Even Madam Consuelo looked so young now,” palatak ng katrabaho niyang si Lalaine habang nagpapalit sila ng panligo.
“You’re right! Kung wala lang asawa sina Sir Sebastian at Sir Antonio baka napikot ko na ang isa sa kanila,” sang-ayon naman ni Myca.
“Eh, may isa pa namang free di ba? Their freakin’ gorgeous half-brother,” at pagkasabi ni Tanya noon ay nagtitili ang mga ito na parang kilig na kilig.
Napailing na lang siya habang pinagmamasdan ang tatlo. Iba din nga pala ang charisma ng kanyang mga kapatid sa female population ng kanilang kompanya lalo na sa mga single. Kung di siguro nagsipag-asawa ang dalawa niyang kuya, baka dinumog na ang mga ito ng napakaraming babaeng manliligaw.
Napansin siguro ng tatlo na hindi siya apektado sa pinag-uusapan ng mga ito kaya nagtatakang tiningnan siya ng mga ito.
“What?” amused na tanong niya sa mga ito.
“Hindi ka man lang ba affected sa kagwapuhan ng ating mga amo?” tanong ni Tanya.
Umiling siya. “They’re not my type,” maikling tugon niya.
“Are you serious?” nanlalaki ang mga matang wika ni Lalaine.
“Uh-huh,” aniya habang itinatali ang swimsuit sa leeg.
Kung malalaman lang siguro ng mga ito ang totoo baka batukan pa nila ang mga sarili nila.
“Grabe ka naman. Sa gwapo at yaman ng mga iyon hindi mo man lang ba sila nagustuhan? Not even once?” himutok naman ni Myca.
Natawa na siyang tuluyan sa itsura ng mga ito. Para bang bigla ay naging alien siya sa paningin ng tatlo. Hindi kasi makapaniwala ang mga ito na hindi man lang niya natipuhan ang kahit isa sa mga ‘boss’ nila.
“Stop starring at me like that. Hindi pa naman siguro lumalaki ang mga mata ko at lumiit ang ulo,” biro niya.
Sabay-sabay na umiling ang tatlo. Mukhang unti-unti ay naniniwala na rin ang mga ito sa sinasabi niya.
“Then, what type of men do you preferred? Sa ganda mong iyan siguro madami ang naghahabol sa ‘yo,” ani Myca.
“Ang tipo ko?” aniyang kunwa’y nag-isip at ngumiti. “Basta maganda ang pag-uugali at kaya akong ipaglaban, pasado na sa akin iyon.”
“Ay parang si Sir Benedict ‘yan!” kinikilig na saad ni Lalaine.
Napatingin naman siya dito.
“Bakit naman?” hindi niya napigilang itanong.
“Sir Benedict is suchlike a saint. Napakabait na tao noon at matulungin pa. At nasisiguro kong kaya niyang ipaglaban ang babaeng mamahalin niya,” sagot ni Tanya.
“That’s not true,” wala sa loob na saad niya at huli na para bawiin iyon. Nagtatakang nakatingin na sa kanya ang mga ito.
“What do you mean?” si Lalaine ang nagtanong.
Pakunwang inayos niya ang bathrobe at nagkibit ng mga balikat.
“Hindi kayo nakasisiguro na ganoon nga siya lalo na kung wala pa naman siyang nagiging girlfriend,” palusot niya.
Isa-isa namang tumango ang mga ito.
“You have a point,” ani Tanya. “But, I think malapit na siyang magkaroon ng girlfriend. I heard from one of the staff of HR Department that he's always visiting the HR's head office. At si Miss Jacinto lang naman ang head ng HR,” dagdag pa nito kasabay ng pag-asim ng mukha.
Bigla naman siyang naging alerto sa narinig.
“Who’s Miss Jacinto?” tanong niya.
“Hindi ka ba dumaan sa HR bago ka ini-hire ng kompanya?” tanong ni Myca.
“Dumaan pero ang staff lang doon ang nag-assist sa akin,” aniya. Muntikan pa siyang mabuking dahil sa pag-uusisa sa love affair ni Benedict.
Gustong-gusto na niyang batukan ang sarili sa mga sandaling iyon.
“Ganoon ba? Si Miss Rachelle Jacinto ay notorious playboy. Halos lahat na lang yata ng gwapong lalaki sa kompanya naging boyfriend noon,” nakatikwas ang ngusong tugon ni Lalaine.
Nagsalubong naman ang kilay niya sa narinig.
“Rachelle Jacinto? That sounds familiar,” aniya habang nakatingin sa tatlo.
“She’s also from Puerto del Cielo. Aside from that, I don’t really know her family background,” sagot ni Tanya.
What!? Palatak niya sa sarili.
Totoo bang si Rachelle ang ginaganoon ng mga ito? Ang kaibigan niya na dati pang may gusto kay Benedict! Why she didn’t know that she was working on their company?
Bigla ay parang nanikip ang kanyang dibdib. Parang pinipiga iyon at hindi niya maintindihan kung bakit.
Hindi na dapat siya naaapektuhan nang ganito. Hindi na dapat dahil ikakasal na siya!
**
Pagbaba nila sa beach ay halos naroon na rin ang lahat. Kita niya sa sulok ng kanyang mga mata kung paano makipaglandian ang kaibigang si Rachelle kay Benedict.
Hindi niya ito kasabay kanina. Siguro isa ito sa mga sumunod na batch na dumating doon.
Nagsimula na ang programa at si Rachelle pa talaga mismo ang speaker nila. Matamis itong ngumiti sa lahat ng pumwesto ito sa harap.
“Ladies and Gentlemen, welcome to our annual company outing!” masiglang bati nito sa lahat.
Nagpalakpakan naman ang mga naroon at sinabayan pa iyon ng pagsigaw ng ilang kalalakihan.
“Alright! So, are you ready?” tanong ni Rachelle.
Sabay-sabay namang sumagot ng oo ang lahat.
“Okay. So our program will start to a relay game and every department will have their own representatives from each categories. First is kayaks, then the tires, jumping ropes, the sacks, and last is the horseback riding. Each category will have two participants aside from the horseback riding,” paliwanag nito.
“Simple lang ang mechanics. Kung sino ang maunang maglagay ng designated flag nila sa pole na nasa end ng horseback riding ang siyang mananalo. By the way, the counts for jumping ropes will be twenty each per participants. Then after this, will go on the next game which is beach volleyball. Kung sino ang mananalo sa dalawang game ang siyang tatanghaling champion. And last but definitely not the least, the winner department will win a travel package to Switzerland for a week!” malakas na sabi ni Rachelle.
Excited namang nagsigawan ang lahat. At kahit si Aurora ay nadala rin sa kasiyahan ng mga tao sa paligid.
“By the way, I saw the Chairman approaching us. Let’s hear some words from him,” ani Rachelle ng mamataan ang kanyang Kuya Sebastian habang kaakbay nito si Candice na medyo halata na rin ang tiyan.
Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang dalawa, especially her brother. Hindi ito mukhang boss ng mga sandaling iyon, kundi isang mapagmahal na asawa. Magaan ang aura nito na maingat na umaalalay kay Candice.
Tao rin pala ito kapag nasa paligid si Candice, sa loob-loob niya.
Lumapit ito kay Rachelle habang hindi binibitawan ang bewang ng asawa. May mga impit na tili pa siyang naririnig sa paligid at alam niyang iyon ay dahil sa kapatid.
Hinayon ng mga mata ni Sebastian ang mga empleyadong naroon. “I have only one thing to say… your wellness is our top priority. So, enjoy and have fun,” anito at bahagya pa siyang sinulyapan na para bang sinasabi nito na mag-behave siya.
Napatirik na lang ang mga mata niya. As if naman na gagawa siya ng eksena doon. Pagkuwa’y nilingon niya si Benedict na nasa hindi kalayuan at huling-huli niya ang matiim nitong pagtitig sa kanya.
Agad siyang nagbawi ng tingin at nagpokus sa kanilang gagawin.
“Thank you, Chairman,” ani Rachelle at ngumiti dito.
Tumango naman ang kuya niya at iniwan na sila doon.
“Okay! So, I’ll give you five minutes to plan everything. Make every participants in each category worth kung gusto n’yong manalo,” patuloy ni Rachelle at hinayaan na nitong mag-usap-usap ang bawat departamento.