Chapter 19

1757 Words
Palihim na nilapitan niya si Rachelle pagkatapos nitong magsalita. "Hi! I didn't know you worked here," aniya habang malapad na nakangiti dito. Gumanti naman ito ng alanganing ngiti sa kanya, pagkatapos ay palihim nitong hinayon ng mga mata nito ang kinaroroonan ni Benedict na hindi naman nakaligtas sa paningin niya. "Yeah... I just heard about you. Hindi ko alam na bumalik ka na pala," anito ng muli siyang harapin pagkatapos ay ang mga kasamahan naman nito na naghihintay dito. Nakakaunawang napatango naman siya. "Sorry... I interrupted you. Let’s just catch-up pagbalik natin sa Manila." ang nasabi na lang niya bago nagpaalam dito at bumalik sa grupo niya. Hindi niya maunawaan kung bakit parang iniiwasan siya ng kaibigan. Rachelle's uneasiness was making her wonder. Napalingon siya bigla kay Benedict habang matamang nagpaplano kasama ng mga katrabaho niya. Is he the reason? tanong niya sa sarili. Agad niyang ipinilig ang ulo at iwinaksi sa isipan ang kung ano-anong ideya na pumasok doon. She just focused herself and listened to their groups tactics for the game. As expected, Benedict put her in the horseback riding category. Alam nitong isa siyang magaling na horseback rider at baka ikagulat iyon ng mga makakapanood sa kanya mamaya. Rachelle put her hands up. Senyales na tapos na ang limang minuto. “Let the game… begin!” At sa hudyat ng pagpito nito ay isa-isa ng pumwesto ang lahat sa kani-kanilang designated na lugar and starts the relay game. Nasa kayaks si Benedict kasama ang isa pang male staff at nangunguna ang mga ito doon. Malakas na naghihiyaw ang mga kasamahan niya habang walang humpay na nagche-cheer sa mga ito. Siya man ay napapatalon din sa kinatatayuan dahil mabilis na nakaikot ang mga ito sa pole at malapit ng maabot ang pampang. And then, in just a blink of an eye, they got it! Sila ang unang nakabalik kaya mabilis na tumakbo si Benedict sa kinatatayuan nina Tanya upang iabot dito ang flag nila. Nagtatatalon si Aurora habang malakas na sumisigaw at pinapanood sina Tanya at isang male staff na kasama nito. May kabigatan ang mga gulong na kinakailangangang buhatin ng mga ito at ilagay sa isang pole, pero hindi nagpatalo ang team nila. Kahit nakikita niyang nahihirapan na si Tanya sa pagbubuhat noon ay patuloy pa rin ito at ang kasama nito hanggang sa matapos iyon. Then, ipinasa naman nito kina Lalaine at Myca ang flag. Halos maluhod naman siya sa kakatawa dahil ilang beses na gumulong ang dalawa sa buhanginan. Dikit na dikit ang laban sa pagitan nila at ng accounting department. Ang dalawang male staff nila sa jumping ropes ay mabilis ding nakagawa ng tig-twenty jumps. Pero dahil medyo nahuli sina Lalaine kanina ay pamapangalawa na sila ng dumating sa kanya ang flag. Malayo-layo na rin ang natatakbo ng taga-accounting ng siya naman ang sumakay sa ibabaw ng kabayong nakalaan para sa kanya. She immediately hold the rein tightly and quickly kicked her legs. The beast started galloping like a tornado. Sa paligid ay naririnig niya ang malakas na sigawan nang lahat dahil mabilis niyang nahabol ang katunggali. She was just half meter away from her oponent at neck to neck talaga ang labanan nila. She kicked the beast one more and then, she outrun her oponent hanggang sa marating niya ang finish line at mailagay ang flag nila sa pole doon. Nagtakbuhan ang mga kasamahan niya sa kanyang kinatatayuan habang nagsisigaw. At dala siguro nang sobrang kasiyahan, sinalubong siya ni Benedict nang isang mahigpit na yakap. “Congratulations!” malakas na sabi nito habang hindi pa rin siya binibitawan. At siya naman dala nang sobrang pagkagulat ay hindi agad nakapag-react at hinayaan lang ito. Naramdaman siguro ng lalaki na natigilan siya kaya mabilis nitong inilayo ang sarili sa kanya. “Sorry,” bulong nito at nilingon ang kanyang mga kasamahan na nagtatalon at nagtitili pa rin. Hindi napansin ng mga ito ang namumuong awkwardness sa pagitan nilang dalawa. Bahagya lang siyang tumango at nag-iwas ng tingin dito. Nilapitan niya sina Tanya at naki-celebrate sa mga ito habang pilit na sinusupil ang mabilis na t***k ng kanyang puso. Daig pa niya ang ilang beses na nakipagkarera sa tindi ng pagwawala niyon. Muli nilang narinig ang malakas na pagpito. Naroon na muli si Rachelle sa harap nila at malapad na nakangiti. “Congratulations to Finance Department! Sila ang unang nakatapos ng relay!” masayang wika nito. Nagpalakpakan naman ang lahat. “So, punta na tayo sa next part. Ang unang maghaharap sa beach volleyball ay ang accounting versus finance department, then sales versus marketing. Ang dalawang mananalo ay parehong haharapin ng HR department, then we will proceed to the finals,” paliwanag ni Rachelle. “The first team who will get twelve points on each game will win and advanced to the finals,” dagdag pa nito. Muli ay isa-isa na silang pumwesto sa loob ng mini court na inilaan talaga para sa game na iyon. Hindi muna siya pinapasok ni Benedict sa first six kaya naiwan siya sa tabi kasama nina Lalaine habang nagche-cheer sa mga ito. And while watching their department plays, kapuna-puna ang pagiging magaling ni Benedict which she didn’t know. May pagka-athletic din pala itong tinataglay. At hindi lang iyon, halos maglaway na yata lahat ng kababaihan sa paligid because of his godlike body. Bawat galaw nito ay lumalabas ang mga muscles nito sa katawan at kung wawariin ba ay parang kayang-kaya naman nitong mag-isa na kalabananin ang kabilang team. Tutok na tutok ang mga mata niya sa katawan nito na halos hindi na siya kumukurap pa. “Gorgeous, right?” anang isang tinig sa kanyang tabi. Marahan siyang tumango. “Yeah…” mahinang tugon niya. Narinig niyang humagikhik ang katabi na nagpabalik sa wisyo niya. Paglingon niya dito ay nakita niya ang kakaibang mga titig ni Andrea sa kanya. Hindi niya alam na naroon pala ito at nanonood din. “What are you doing here?” pabulong niyang tanong upang hindi mahalata ng mga kasamahan nila. “Watching…” kibit-balikat na tugon nito. Inirapan niya ito. “Watching the game or you’re spying on me?” Muli ito ngumiti. “Sort of,” maikling tugon nito at makahulugan siyang tinitigan. “Try to breathe sometimes. Baka mamaya himatayin ka na lang d'yan kakatitig sa kanya,” biro nito at mabilis siyang tinalikuran. Inis na hinabol n'ya lang ito ng tingin. Nang mawala na ang kapatid ay muli niyang itinuon ang atensyon sa mga naglalaro partikular kay Benedict. Sino ba namang hindi makakalimot na huminga kung ganito kagwapo ang tititigan? It’s understandable sa mga kagaya niyang…. “Oh, stop it Aurora!” nagbabalang saway niya sa sarili. Hindi dapat siya nagpapadala sa kagwapuhan ng lalaking ito. She hated him, remember? At tumigas ang anyo niya ng ipaalala iyon sa sarili. ** Halos hindi na nakapasok ang mga girls sa team nila dahil mabilis na inilampaso ng mga ito ang accounting department, kaya naman mahaba-haba rin ang naging pahinga niya. After manalo ng taga-marketing sa next game, sila na muli ang sunod na sumalang. At gaya kanina, boys mostly do the job at natalo nila ang taga-HR. The last game was between them and marketing. Magagaling ang taga-kabilang team kaya naman muling nagsuggest ang captain nila, na walang iba kundi si Benedict, na mga boys na muli ang pumasok which she strongly opposed. “Why are you excluding us in this game? Kaya rin naman naming makipagsabayan sa inyo, ah.” Aniya sa seryosong tinig. Nagkatinginan naman ang mga kasamahan nilang babae at nagsipagtanguan. “Oo nga naman, Sir. We can also do better. Marunong din naman akong maglaro ng volleyball,” sang-ayon ni Tanya sa kanya. Mataman siyang tinitigan ni Benedict at pagkuwa’y binago nito ang strategy nila. Ginawa nitong tig-tatlo ang babae at lalaki sa kanilang team. Mas maigi rin iyon para makapagpahinga ang reserve nila. The referee started to toss a coin at napangiti siya ng sa kanila mapunta ang bola. Siya ang magse-serve kaya naman mas lalo lang nadagdagan ang confidence niya sa katawan. Hindi sa pagmamayabang pero natuto siya ng ibang sports sa Amerika at ang volleyball ang isa sa nagustuhan niya. Iyon ang pampalipas oras niya doon habang wala siyang trabaho kalaro ang ilang pinoy na kakilala niya. Sa hudyat ng referee, she hit the ball at pumasok iyon. Mabilis na nasalo iyon ng kabilang team and set the ball. Paghampas ng kabilang team sa bola ay malakas siyang humiyaw. “Mine!” At sila naman ang nag-set noon. And the ball was well received by their opponent. Nagpalitan sila ng mga tira hanggang sa nine-eight na ang score in favor of their department. Masyadong intense ang laban nila dahil parehong magagaling ang magkabilang team. Hindi naman kasi basta-basta magpapatalo sa kanila ang mga kalaban knowing the prize. Halos hindi na rin humihinga ang mga nanonood sa kanila. Nag-aabang kung sino ba talaga ang mananalo. When the ball quickly landed on Aurora's side, mabilis niya iyong hinabol at pabagsak siya lumuhod sa buhangin. Nasalo niya iyon and her co-workers managed to pass the ball on the other side. They continued playing when she heard someone shouted on their side. “Timeout!” Malakas na pumito ang referee and the game freezes. Paglingon niya sa gilid ay nag-aalalang mukha ni Benedict ang nabungaran niya. Kunot-noong pinagmasdan niya ito habang lumalapit sa kanya. “You’re bleeding,” anito at walang sabi-sabing hinila siya sa braso palabas ng court. Hindi na siya nakatanggi pa nang bigla itong lumuhod sa harapan niya ang examined her leg. Nang sundan niya ang tinitingnan nito ay noon lang niya nakita na may sugat pala siya sa binti. “We need to disinfect this para hindi hindi magkaroon ng infection.” Ang sabi pa nito at hinarap ang iba nilang katrabaho. “George, kayo na muna ang bahala dito. I’ll bring Miss Blancaflor sa clinic,” anito at hindi na hinintay pang sumagot ang inutusan. Inakay na siya nito pabalik sa hotel. Walang salitang sumunod naman si Aurora sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit para siyang nasapian ng kung ano at nagpapaubaya na lang siya nang ganoon dito. Nang makita niya kanina ang nag-aalalang mukha nito, para bang lumukso ang puso niya palabas ng kanyang dibdib. Benedict could still make her heart beats crazily and still have that kind of power na madali siyang napapasunod kagaya noon. At hindi na niya alam ang gagawin sa sarili. Bakit ba parang unti-unti ay natutunaw ang galit niya sa lalaking ito at bumabalik doon ang pamilyar na damdaming matagal na niyang ibinaon sa limot?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD