PAGKATAPOS madala sa ospital ang babaeng natagpuan nina Tyrone at Annet sa tabi ng daan ay kaagad na nakipag-ugnayan ang dalawa sa mga pulis. Napagdesisyunan niyang ipasundo na lamang pinsan na si Annet sa Tita Antoinet niya at ideretso sa hacienda. Pansamantala siyang nagpaiwan sa ospital para asikasuhin ang mga nararapat para sa walang malay na babae at saka na lamang uuwi roon kapag ayos na ang lahat sa ospital. She’s his responsibility now and he just couldn’t leave her like that. His conscience will keep bugging him if he will do that.
Walang pagkakakilanlan ang babaeng sa tantiya ng mga doktor ay malamang na nasa pagitan ng labing-apat at labing-walong taong gulang. The girl was dehydrated and obviously malnourished apart from being neglected and abused physically. Luckily, there was no broken bones, hence, she was badly beaten to death.
Wala pa ring malay ang babae nang umalis siya sa ospital bandang alas-quatro ng hapon. Habang binabaybay ang daan ay hindi pa rin niya maalis ang nakakaawang hitsura ng babae na na-rescue nila ni Annet. Palibhasa’y malapit siya sa mga babae sa pamilya nila kaya talaga namang labis ang apekto noon sa kaniya.
Marahas siyang nagpakawala ng hangin sa dibdib habang nakatuon ang mata sa daan. Tumigil siya sa bahagi kung saan nila natagpuan ang babae at saka lumabas ng sasakyan. The place was secluded at bibihira lamang ang mga sasakyang dumaraan doon. Wala rin siyang matanaw n mga bahayan sa bahaging iyon kaya wala siyang ideya kung saan nanggaling ang babae katulad ng ipinahayag niya sa panayam ng mga pulis sa kanila ni Annet kanina. Maaari din namang doon itinapon ang babae mula sa kung saan tulad ng mga nababalitaan na mga biktima ng sindikato na basta na lamang itinatapon ang bangkay sa mga liblib na lugar tulad ng kinaroroonan niya ngayon.
Napailing na lang siya habang nakapameywang sa mag gilid ng kalsada. Saglit pa siyang nanatili roon bago muling sumakay sa loob ng sasakyan niya. He needs to take a break dahil bukas ay babalik siya ulit sa ospital para dalawin ang babae at para na rin alamin ang status ng imbestigasyon ng mga pulis sa kaso nito.
Lampas isang oras siyang bumiyahe bago narating ang b****a ng hacienda. Lumiko siya pakaliwa mula sa main road kung saan mayroong arko na yari sa bakal at may nakamarkang Hacienda Belmonte. Ito ang entrada papasok sa hacienda at sa ancestral house na napaliligiran ng nagtatayugang puno ng niyog sa magkabilang gilid. May mangilan-ngilan ding tanim ng mga kape sa gilid ng daan hanggang sa may gate ng mismong bahay.
Mabilis siyang pinagbuksan ng gate ng katiwala ng lola nila pagkakita pa lang sa sasakyan niya. Marahil ay kanina pa siya hinihintay nito. Kagyat niyang binuksan ang bintana ng kotse nang mapatapat sa matandang lalaki na may suot na sombrerong buli.
“Magandang tanghali po, Manong Roy,” bati niya sa matanda.
Marahan nitong tinanggal ang suot na sombrero na inilagay nito sa tapat ng dibdib at saka nakangiting tumugon sa kanya. “Magandang hapon din, Senyorito Tyrone. Aba, eh, kanina ka pa inihintay ng mga Senyora.”
“Oo nga po, eh. Nasa loob ba po sila?” tanong niya.
“Kanina, eh, iniwan ko sa may kabalyerisa habang nagpapakain ng mga kabayo. Mangyari, pagkamirindal, eh, doon agad nag-aya si Senyorita Annet,” wika nito.
“Ah, ganoon po ba? Okay po. Salamat po, manong,” aniya.
“Kung gusto n’yo, eh, sasamahan ko na kayo roon,” prisinta ng matanda.
“Ako na lang po, manong. Salamat po,” magiliw na tanggi niya bago muling pinaandar ang sasakyan para tuluyang makapasok sa bakuran ng mansyon.
Napangiti siya pagkita pa lang niya sa pangharapang hardin na hitik na hitik sa mga namumulaklak na halaman. Iyon ang isa sa mga pampalipas-oras ng kaniyang abuela. Ang pag-aalaga ng kung ano-anong halaman at personal na pag-aalaga sa mga hayop nila sa hacienda.
Inihimpil niya ang kotse niya sa likod ng sasakyan ng Tita Antoinet niya na nakaparada sa driveway bago siya mabilis na umibis. Magpapalit na muna siya ng damit bago puntahan ang abuela at mag-inang Antoinet at Annet sa kabalyerisa. Kanina pa siya nanlilimahid sa pawis dahil suot na white long sleeves.
Pagkabukas niya sa malaking pintuan na yari sa narra ay sumalubong sa kania ang malawak na sala at ilang gamit na pawang mga yari sa matibay na kahoy. Their ancestra home is a typical two-story Spanish-type house that his paternal great grandfather inherited from his parents.
Pumanhik siya ng hagdanang yari naman sa mahogany at nagdiretso sa nakalaang kuwarto niya sa ikalawang palapag. Labing-dalawa ang kuwarto sa itaas ng mansyon samantalang tatlo naman sa ibaba. Lahat silang limang magpipinsan ay may kaniya-kaniyang kuwarto roon maging ang tatlong anak ng mag-asawang Don Joaquin at Donya Constancia Belmonte—ang daddy niyang si Anthony, ang sumunod ditong si Athena na nakabase na ngayon sa Amerika kasama ang asawa nito at dalawang anak, at ang bunso na si Antoinet na ina ni Annet.
Malaki at makasaysayan ang ancestral home nila. Sa katunayan ay itinuring itong himpilan ng mga rebeldeng Pilipino noong panahon ng mga Kastila. Ang ilan sa mga silid doon ay nagsilbing opisina ng mga rebelde habang ang ilan naman ay nagsilbing pahingahan at ng mga sugatang rebelde.
Pagkatapos ng digmaan ay muling ipinaayos ang mansyon bagama’t palagi pa rin iyong puntahan ng mga matataas na opisyal ng gobyerno noong nabubuhay pa ang lolo at lola ni Don Joaquin. Naging lubos na pribado lamang ang mansyon nang mamatay ang mga magulang ni Don Joaquin at mapunta ang bahay rito sapagkat ito lamang ang nag-iisang anak ng mga ito.
Palibhasa’y mas mahalaga para kay Don Joaquin ang pangangalaga ng hacienda kaya kaysa politika kaya naman unti-unting nawala ang magtibay na kaugnayan ng mga Belmonte sa gobyerno.
When his grandfather was still alive, Tyrone along with his cousins used to sleep with their grandparents whenever they come over there during school and Christmas vacations.
Habang nagbibihis ay saka niya narinig ang pagkalam ng sikmura niya. Noon niya lang na-realize na hindi pa pala siya kumakain. Bukod-tanging pica-pica lang kasi ang kinain niya kanina sa reception at hindi rin siya nakakain sa ospital dahil sa pakikipag-usap sa mga doktor at mga pulis.