CHAPTER 2.2

1327 Words
PAGKATAPOS ng wedding ceremony ay dumiretso na sila sa five-star hotel kung saan gaganapin ang reception. The event was just like another day to him. No special meaning at all. And his ex- fiancée and father were to blame for his coldness about the so-called wedding. “Just so you know, Ty, your dad fell in love with Serena the first time he laid his eyes on her. I remember clearly how he asked me for her number... and the rest is history,” pagbibida ni Tito Theofilo niya sa kaniya nang tabihan siya sa kinatatayuan niya. “Should I say thank you, Uncle Theo?” he asked sarcastically, then waived at the waiter for another drink. “She’s his second step-mom, Theo. Honestly, I don’t like her for my brother. Gusto ko na ngang iumpog si kuya sa pader para matauhan, eh!” iritadong wika naman ni Antoinet, ang nakababatang kapatid ng daddy niya, na tumabi rin sa kaniya saka naghalukipkip habang nakatitig sa bagong mag-asawa na nakaupo sa gitna ng ballroom. “Kahit siguro ilang helmet pa ang ilagay sa ulo ni daddy, walang epekto, tita. I really don’t get it. If he wants to play, bakit kailangan niyang magpakasal ulit? It’s not logical and well... it’s expensive!” litanya niya pagkuwa’y inisang lagok lang ang laman ng kopita niya. “That’s enough, Ty, magdadrive ka pa,” saway sa kaniya ng tiyahin niya saka bumaling kay Tito Theofilo niya. “Anyway, I just came here for you, sweety, kaso hindi ka naman sumipot sa photoshoot kanina!” malambing na wika ng kanyang tiya at tukoy nito sa family picture bago at pagkatapos ng kasal. Bukod kasi sa late siya ay lumabas din kasi siya kaagad ng simbahan pagkatapos ng seremonyas ng kasal. Pakiramdam kasi niya ay nasasakal siya loob ng simbahan at parang mas nagkakasala pa siya. “Got busy at work last night, tita, plus, I coulnd’t bear watching them laughing while we know what that girl really wanted,” dahilan niya habang mataman pa rin ang tingin sa ama at bagong madrasta. Pagak na napatawa ang tiyahin niya habang iiling-iling naman ang Tito Theofilo niya. Hindi na ito kumontra pa dahil alam nitong totoo naman ang sinabi niya. Serena is an obvious gold-digger b*tch! “Okay, so are you planning to visit your Nanah today, instead?” tanong ng Tita Antoinet niya at tukoy sa abeula niya na nanay ng daddy niya, pagdaka’y lumingon sa kaniya. “Definitely,” tugon niya saka tumango. “I bet she is so furious right now dahil hindi nakinig si daddy sa kaniya,” dagdag niya. Like the whole family, Donya Constancia was against his father’s plan of marrying Serena and told his father that she will not attend his wedding, which she really did. “Well, napilitan lang din ako sa totoo lang!” muli ay nainis na sambit ng tiyahin niya. Umiiling na sumabat ng Tito Theofilo saka marahang tinapik ang balikat niya. “You should be happy that your father, Anthony, is happy. Dapat suportahan n’yo na lang siya. You knew very well how he’s been ever since he lost Lanie,” kabig naman nito. Kapwa naman nila tinaasan ng kilay ang matandang lalaki saka ito pinandilatan ng Tita Antoinet niya. “Ikaw, napakakonsintidor mo talaga, Theo! Pumunta ka na nga sa ro’n kung ayaw mong sa iyo mabunton ang pagka-inis ko!” taboy dito ng matandang babae habang itinuturo ang kinaroroonan ng bagong mag-asawa. Natatawa na lang siya sa pag-aaway ng mga ito. Mula noong mga bata pa ang mga ito ay mistulan na itong mga aso’t pusa bagama’t ang para na ring magkapatid ang turingan ng mga ito. “Are you okay, sweety?” Mababanaag ang concern sa mata ni Tita Antoinet habang nakatitig sa kaniya. Muli kasi itong bumaling sa kaniya pagkaalis ng Tito Theofilo niya. “Yes, I am, tita. Huwag mo akong alalahanin. Masyado na akong matanda para magtampo kay Daddy,” natatawang sagot niya. He must not have a good relationship with his father after his Mama Lanie passed away but he still has respect towards him. “Mom, I need to go now. Nabo-bored na ako dito, eh,” reklamo ni Annet, ang labing- anim na taong gulang na anak ng Tita Antoinet niya. Sa kaniya ito sumabay kanina papunta sa hotel. Ito ang bunso sa kanilang magpipinsan at siyang pinakamalapit sa kaniya. “Do you wanna come with me to Nanah?” nangingiting tanong niya sa pinsan saka itinaas-baba ang mga kilay. Awtomatikong nagliwanag ang mukha ng dalaga. Tulad niya at ng tatlo pa nilang pinsan na nasa Amerika, they are all close with their grandmother. “Oh, you made my day, Kuya Ty! Let’s go!” tuwang-tuwang anas nito pagkuwa’y umangkla na sa kanya without even asking permission from her mom. He smirked at his aunt then put his hand on Annet’s shoulder. At least, he has a valid reason to leave this dreadful occasion. “Okay, I’ll drop by the hacienda later to pick you up,” tumatangong pagsang-ayon ni Tita Antoinet niya na sinimangutan ni Annet. “Okay, okay. We’ll stay there until tomorrow,” pagsuko nito. Palibhasa kasi ay minsanan na lang itong makadalaw sa kanilang abuela, lalo na siya, kaya naman alam niyang miss na ni Annet si Donya Contancia. “We’ll go ahead, tita. Just tell Dad that we left,” aniya bago nila mabilis na binagtas ang papuntang parking lot. Hagikhikang katakot-takot ang pinagsaluhan nilang magpinsan bago tuluyang nilisan ang hotel. Hinayaan niya lang na nakabukas ang bintana ng kotse niya para namnamin nila ang lamig ng simoy ng hangin ng Tagaytay. They decided to buy buko pie for their grandmother first before going to hacienda since Donya Constancia loves it. Patuloy ang pagkukulitan nila habang binabagtas ang daan patungo sa Hacienda Belmonte. It is only an hour drive from Tagaytay to Magallanes where their hacienda is located… but his smooth driving was interrupted when Annet screamed and asked him to stopped! “Kuya, stop!” hiyaw ni Annet sabay turo sa babaeng nakalugmok sa tabi ng daan. “Oh, my God!” bulong niya habang nakatitig sa taong nakahandusay sa tabi ng kalsada. “Stay here and keep the door locked,” matapos makabawi sa pagkabigla ay utos niya kay Annet bago inalis ang pagkakasuot ng seat belt saka tuluyang lumabas ng kotse. Marahan niyang pinuntahan ang tao na nasa tabi ng daan saka iniligoy ang mga mata sa paligid. Nang masigurado niyang walang tao sa paligid ay mabilis niyang dinaluhan ang walang malay na tao. Pagkalapit at pagkahawak niya sa puno ng pasa na katawan nito ay saka lang niya nalaman na babae ito. She was still breathing but she was totally knocked out and unconscious. “Miss, miss?” tawag niya rito. Mahinang ungol ang namutawi sa labi nito pagdaka’y bahagya lang itong nagmulat ng mata at saka tumitig sa kaniya bago ito muling nawalan ng ulirat. He gasped the moment he saw the woman’s face when he was about to carry her. At paano ba naman siya hindi magugulat? She was badly beaten and seems like she was gasping for air. “Oh, my God!” muling anas niya saka hinawi ang buhok nito at iniipit sa tainga nito. Habag na habag siya sa hitsura ng babae. “Annet, open the backseat’s door!” pahiyaw na utos niya sa pinsan saka niya binuhat ang babae. She was so light and fragile na parang bata lang ang buhat niya. “Oh, my!” Annet gasped when she saw the woman. “Sit at the back. Alalayan mo siya. We’ll send her to the nearest hospital,” utos niya kay Annet na mabilis pumasok sa likuran ng kotse at saka inalalayan ang ulo ng walang malay na babae sa kandungan nito. “W-What happened to her, kuya?” puno ng pagkaawang tanong ni Annet habang hinahagod ang buhok ng babae. Nasa kalagitnaan na sila ng daan pabalik ng Tagaytay para dalhin ang babae sa nadaanan nila kaninang ospital. Humugot siya nang malalim na hininga habang mahigpit ang hawak sa manibela. Alam niyang sa pagkakataong iyon, oras ang kalaban nila. The girl is on a brink of losing her life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD