CHAPTER 2.1

1318 Words
HALOS paliparin ni Tyrone ang sasakyan para mas mabilis na marating ang simbahan. He can still make it on time sa tantiya niya! Mabuti na lamang at walang traffic sa kahabaan ng Tagaytay-Nasugbu Highway ng mga sandaling iyon. “Damn you, Ty! Where are you? Ikaw na lang ang hinihintay rito!” Magkahalong inis at pag-aalala ang mababanaag sa boses ng daddy niya nang tawagan siyang muli nito. Kung hindi pa ito tumawag sa kaniya kanina ay hindi siya magigising sa himbing ng pagtulog niya, paniguradong magpasahanggang ngayon ay nakahilata pa rin siya sa kama niya. And he looked like a mess right now. He just washed his face and brushed his teeth then left his hotel room immediately, leaving behind a woman whom he doesn’t even know the name. And yes, he slept with her, a random stranger. Something he hasn’t done before. Thanks to his ex who suddenly appeared at the bar where was at last night! “Malapit na ako, dad. Five minutes and I’ll be there,” sagot niya para lang mapakalma ito. “Better be here in five before I cut your neck off and send you to grave myself!” banta ng matanda bago pinatay ang telepono. ‘Geez! Patay talaga ako nito! C’mon, baby, flash mode!!!’ pagkausap niya sa sasakyan niya. Marahan pa niyang tinapik ang manibela na para ba itong nilalambing habang kagat ang pang-ibabang labi. Pagdating niya sa venue ng wedding ceremony ay nakaabang na ang daddy niya sa labas mismo ng entrada ng simbahan. Madilim ang mukha nito at handang manakit ano mang oras! “Dammit, Ty! Wake up and don’t mess up this time!” bulong niya sa sarili pagkakita pa lang sa ama na pulang-pula ang mukha. Padaskil niyang inihinto ang sasakyan sa mismong tapat ng hagdanan ng simbahan kung saan humahangos siyang sinalubong ng tila mag-a-ala-dragon na ama. Nagmamadali siyang bumaba ng kotse niya habang hindi magkandatuto sa pagsusuot ng itim na tuxedo niya. He flashed his sweetest and innocent smile while walking towards his father. “Right on time, dad!” proud pang sabi niya pagkasalubong dito sa may punong-baitang ng kongkretong hagdan. Tiim ang bagang na kinuwelyuhan siya nito saka gigil na pinagalitan. “You, irresponsible son-of-a-b*tch! Are you really that immature or are you doing this on purpose?” sita agad nito sa kanya. Kulang na lang ay magbuga ito ng apoy sa galit. Hinawakan niya ang kamay nito para pigilan sa pangunguwelyo sa kaniya at para na rin ito pakalmahin. “C’mon, dad, chill! Mamaya mo na ako sermunan. Nasa harapan tayo ng simbahan, oh. Let’s get inside bago pa tumakbo ang bride,” pagpapakalma niya rito saka niya inginuso ang pagpasok sa loob ng simbahan kahit pa nga halata pa rin sa hitsura nito ang pagpupuyos ng damdamin. “Umayos ka, Tyrone. Hindi pa tayo tapos! Fix yourself and get inside! Assh*le!” Pinukulan pa siya nito nang masamang tingin bago nagpatiuna na ng pumasok sa loob ng simbahan. Nakahinga naman siya nang maluwag saka inayos suot niyang polo at tuxedo na nagusot dahil sa pagkakakuwelyo sa kaniya ng daddy niya. He heaved a deep sigh then quietly followed his father inside. As expected, the whole church is decorated by colorful flowers and all over. Halatang ginastusan talaga ang lugar. There are not much people inside and some were even there just to pray and not even wedding guests. Para siyang mangangandidato habang naglalakad sila ng daddy niya sa aisle. Ang iba ay iiling-iling lang samantalang ang iba ay tila nakahinga nang maluwag nang makita siya sa simbahan. Tahimik siyang tumayo sa harap ng altar katabi ang kaniyang ama habang hinihintay nila ang bride. Makalipas ang ilang minuto ay pumailanlang ang Wedding March song, sensyales na papasok na ng simbahan ang bride. Agad na sumilay ang ngisi sa labi niya nang makita ang bride na si Serena sa bungad ng aisle. The woman’s aura looked stunning with her white bridal gown, and as always, she walked down the aisle like a professional model. Wala sa loob na binulungan niya ang ama. Malapad ang pagkakangiti ng matanda habang hindi kumukurap sa pagtitig sa babaeng kasalukuyang naglalakad sa gitna ng simbahan. “Dad, may oras pa. Nasa labas lang ang sasakyan ko. Pwedeng-pwede kitang itakas,” nang-aasar na anas niya habang hindi inaalis ang pagtitig sa babaeng proud na proud ang hitsura at hanggang tainga ang ngiti. Bagama’t hindi man niya masyadong maaninag ang hitsura ng babae dahil sa pagkakatalukbong ng veil nito sa mukha nito, sigurado siyang ngiting tagumpay ang hitsura nito ngayon. Paano namang hindi, eh, hindi ba’t iyon naman talaga ang pinakananais nito? And of course, obviously, it’s all about his father’s wealth. But it was ineffective. Hindi pa rin nabura ang ngiti sa labi ng kaniyang ama ngunit madiin ang pagkakasagot nito sa kanya na sadyang ikinatameme niya. Yes, he never thought his father would tell him that right in this very moment. “Do something crazy today, I swear, on your mom’s grave, you will not receive any single penny from me again!” banta nito nang hindi man lang siya pinag-aksyahang tingnan. Panandalian siyang natigilan saka mahinang tumawa nang mapakla. “Okay, I’ll shut up,” aniya bago kagyat na dumistansya sa ama at hinintay ang pagdating sa altar ng bago niyang madrasta. Mula nang sumakabilang-buhay ang kaniyang ina labing-walong taon na ang nakararaan, panlimang madrasta na niya si Serena, bagama’t pangalawa lamang ito sa pinakasalan ng kaniyang ama. Pangatlong kasal ito ng kaniyang ama kung isasama ang kasal nito sa nanay niya. Pero sa lahat ng naging ka-relasyon ng daddy niya, isa lang ang naging malapit sa kaniya at itinuring siyang sarili anak. Ang Mama Lanie niya na unang madrasta niya na pinakasalan ng tatay niya. Ngunit mabilis din itong kinuha sa kanila ng Diyos nang igupo ito ng sakit na breast cancer seven years ago. Pagkamatay ng Mama Lanie niya, inakala niyang pipirmi na ang daddy niya sa pambababae at itutuon na lang ang atensyon sa hacienda at sa kumpanya nito. But he was dead wrong. Halos pitong taong kaliwa’t kanan ang babae ng kaniyang ama. Hanggang sa nagulat na lang sila nang malaman nila dalawang linggo na ang nakararaan na magpapakasal na pala ito kay Serena, isang baguhang starlet na nakilala ng daddy niya sa isang event apat na buwan na ang nakararaan. Hindi na bago sa kanya ang mga oportunistang babae na kabaro nito. Iyon nga lang, masyadong obvious na hindi nito mahal ang tatay niya. At ito namang ama niya, parang walang kadaladala na magpaloko sa mga babaeng katulad nito. Okay lang sana kung girlfriend-girlfriend lang, eh, ang kaso, hindi niya malaman kung saan napunta ang logical reasoning ng tatay niya at naisipan pa nitong yayaing magpakasal ang babae. Halos ang buong pamilya nila ay tutol sa desisyon ng daddy niya. Una ay halos anak na lang nito ang babae. For Pete’s sake, apat na taon lang ang tanda ni Serena sa kaniya! Ikalawa ay ang kredibilidad nito sa showbiz, na nalaman nilang totoo dahil hindi lang makailang beses na nagpakita ito ng pagkagusto sa kaniya. ‘Yong mga nang-aakit na ngiti nito sa kaniya na kaagad nitong binabawi kapag dumarating ang daddy niya, ‘yong simpleng paghawak at pagpisil sa braso at hita niya kapag sila lang dalawa… Like, what the f*ck! C’mon! He is sexually active at alam niya kung kailan nagpapakita ng motibo ang babae papunta sa kama, but he is not that imprudent enough to hurt his own father and dig his own grave! And that’s what he hates the most! The audacity of this girl to mess up with their family. Well, they were also wise enough to convince his father to sign a pre-nuptial agreement, in which, she initially refused. But she eventually agreed, thanks to the convincing power of his Tito Theofilo, his father’s best friend and the very reason why the two unfortunately met.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD