LOLOGO-LOGONG TUMAYO NG higaan si Saleen. Apat na oras lang kase ang naging tulog niya dahil inaasikaso niya pa ang case study niya. Kailangan niya ng matapos iyon dahil may deadline siyang hinahabol.
Nang magtungong kusina, nagpakulo kaagad siya ng tubig na paglulutuan niya ng pancit canton. Ipapalaman niya iyon sa slice bread na meron siya. Gustuhin niya mang bumili ng pandesal sa baba ay hindi niya na magagawa dahil kukulangin siya sa oras. Hindi pwedeng siya ang hintayin ng kanyang mga pasyente. Kailangang mauna siya.
Inihanda niya rin ang pagkain ni Sachi kanina. Paunti-unti niyang binabawasan iyon upang hindi ito mabigla. Kailangan na rin kaseng mag-diet ng Chow Chow niya dahil masyado na itong mabigat.
“Sachi, eat na. Pupunta pa sa work si mommy,” kaswal niyang sabi na parang bang tao ito. Matalinong aso naman ito at naiintindihan ang sinasabi niya dahil parte na iyon ng daily routine nila.
“Ay, good booooy talaga ang bebe na iyan,” nakangiti niyang wika matapos nitong magtungo sa pinagkakainan nito nang tumayo mula sa dog bed nito. “Takot magutom ang big boy na ‘yan? Hindi pwedeng mawalan ng trabaho si mommy ‘no?”
Pinagmamasdan lamang ni Saleen ang alaga na masiglang kumakain ngunit hindi na mapunit ang ngiti niya habang sumusubo rin ng almusal. Hindi niya alam kung bakit ngunit tahol pa lang ng alaga niya ay parang buo na ang araw niya gayong kasisimula pa lamang niyon.
Pagkatapos gawin ang kanyang daily routine, dumiretso na kaagad si Saleen sa daycare kung saan niya parating iniiwan si Sachi. Magkakasunod lamang ang lugar na iyon mula sa bahay niya, ang daycare at ang hospital kaya nilalakad lang din ni Saleen dahil malapit lang. Isa pa’y wala siyang kotse kaya kailangan niyang magsipag.
“Wala ang amo niyo ngayon?” tanong ni Saleen nang mapansing wala sa labas si Victon. Naroon kase ito parati sa silong ng lilim ng puno, nagbabasa at nagkakape tuwing umaga kapag hindi pa mainit ang sikat ng araw.
Noong una’y duda pa siya sa daycare for dogs na ito kaya gusto niya pang papirmahin ng kontrata na naglalaman ng kung anumang mangyari kay Sachi ay kailangang managot ng mga ito. Ganoon siya ka-protective. Paano’y magaganda at gwapo ang mga empleyado ng daycare. Ang una tuloy na pumasok sa isipan niya’y mga scammer at nangunguha ng matipuhang mahal na aso.
Kalaunan ay natutunan niya na ring magtiwala dahil wala siyang mapagpipilian. Ang lugar na ito lamang ang option niya para maiwan si Sachi. Malalayo na kase ang iba. Hindi niya rin maisasakay nang basta-basta si Sachi sa mga taxi dahil hindi imposibleng matakot ang driver dahil sa laki ng alaga niya kahit pa sabihing napaka-cute nito. Hindi rin ito magkakasya panigurado.
“He’s busy with something, doktora,” sagot nito matapos na kunin si Sachi.
“I see, thank you for taking care of Sachi,” nakangiting niya wika matapos na ibigay ang tali ng alaga. “I will live now, Monique. Have a nice day ahead!”
“It’s our duty, Doktora. Thank you.”
“See you, Sachi! Thank you, Monique!” kumaway pa siya nang makatalikod habang tumatakbo. Ilang minuto na lang kase ay magsisimula na ang duty niya sa hospital.
Katulad ng dati, nakangiting pumasok ng hospital si Saleen. Sunod-sunod na rin kase ang pagbati ng mga pasyente at ng pamilya ng mga ito sa kanya. Madalas ay nasa General Surgery Department siya ng hospital pero kapag wala siya masyadong pasyente at kailangan ng tulong ng mga nasa Emergency Department dahil sa bultuhang pagdating ng pasyente ay tumutulong din siya roon.
“Good morning, Doktora Skelton!”
“Hi, Doktora Mika! Still in the Emergency Department?” nakangiti niyang tanong dito nang makasalubong ang intern.
“Yes, dok,” tila napapagod nitong sagot. “Hindi pa po nagsisimula ang araw ko pero parang pagod na ako.”
Bahagyang natawa si Saleen. Gets na gets niya ang nararamdaman nito dahil napagdaanan niya rin iyon.
“You’ll get used to it, Doktora Mika. Sa simula lang iyan mahirap kase hindi ka pa sanay sa bugbugang trabaho.” Tinapik niya ito sa balikat nang nakangiti. “Intern has a lot to do but it’s for your own good.”
“I know, Doktora,” sagot nito. “It’s bearable but the pressure of my parents is not—”
“It’s not your dream?”
“H-how did you know?” gulat na tanong nito sa kanya.
“You’re happy when you’re holding a paper and pen or pencil compared to the stethoscope. You’re observing the people around you, so I assume that you draw them.”
Napakamot nang bahagya ang intern nila. Lumilinga-linga pa ito sa paligid na para bang takot na may makarinig na iba.
“You have your own life, Doktora Mika. I cannot dictate on what path you are going to choose but, remember to chase what makes you happy. The life that we have can take away anytime. What's scary about that is if you're not happy with the place that you're walking to. Slowly, you will feel like you're stepping on a thorn even though you're not.”
“Doktora—”
“Your life, your choice, Mika. You’re too young to refrain yourself. You need to follow your happiness sometimes,” seryoso niyang pahayag dito bago tapiking muli ang balikat nito. “Your secret is safe with me. Don’t worry—why are you crying?”
Bahagya itong tumawa ngunit patuloy pa rin ang pagtulo ng luha. “Ikaw ang unang sumuporta sa akin, doktora. Hindi ko iyan narinig sa mga magulang ko.”
Hindi alam ni Saleen kung bibigyan niya ba ito ng pamunas o tatapiking muli. Sa huli ay pinili niya ang nauna bago igaya ang doktora paupo sa receiving area. Wala pa naman masyadong tao roon kaya ayos lang kung iiiyak nito ang nararamdaman. Sa mga ganoon kaseng pagkakataon ay gumagaan ang dibdib ng isang tao.
“Parents are like a newborn baby sometimes. Everything is new to them too,” nakangiti niyang wika rito matapos bumaling ng tingin. “Minsan kailangan din natin silang kausapin para maramdaman nila ang nararamdaman natin.”
“Proud siguro sa ‘yo ang mga magulang mo, Doktora Skelton.”
Bahagyang napangiti si Saleen. Ngiting hindi umaabot sa kanyang mga mata. Iyon din ang gusto niyang malaman. Proud ba sa kanya ang mga magulang niya? Katulad niya rin kaya ang mga ito na inihahanda ang sarili sa tuwing magiging bilog ang buwan dahil sa takot na malaman ng iba ang sikreto pinakatatago-tago niya? Sa lupa rin ba nakatira ang mga ito? Hindi niya alam ang mga kasagutan dahil wala siyang memorya ng mga ito.
“Are you okay, Doktora Skelton?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Mika.
Bahagyang tumango lamang si Saleen bago tumayo sa kanyang kinauupuan. Oras na rin kase ng rounds niya. May mga pasyente siyang kailangang bigyan ng kaukulang diagnostic. Kung ang iba sa mga ito ay nasa maayos ng lagay, ang ibig sabihin niyon ay may isang pamilya na namang hindi maiiwan ng mahal sa buhay.
“I’ll see you around, Doktora Mika,” nakangiti niyang wika habang kumakaway dito. Nang makatalikod ay nabura din iyon. “You’re gonna be fine, Saleen. You're used to it, right?”
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Saleen bago magpatuloy sa paglalakad. Sinimulan niya ng suriin ang mga pasyenteng nasa kanyang pangangalaga kasama ng ibang mga nurse na nag-aasikaso rin sa mga ito magsimula nang pumasok sa hospital.
Ilang oras niya rin iyong ginawa dahil may mga pagkakataon na nagiging maiinitin ang ulo ng pasyente at kailangan pa ng mahabang pakiusapan. May mga pagkakataon din na nakikipagkwentuhan din siya. Pinapatatag niya ang loob ng mga ito na lumaban at huwag susuko. May mga pasyente rin na kailangan ng regular na gamot kaya naman inaasikaso niya rin ang mga ito.
Pagkatapos ng mahabang pag-iikot ay nagpahinga nang saglit si Saleen sa kanyang kwarto. May surgery kase siyang isasagawa sa alauna. Kapag ganoon ay sinisigurado niyang kahit papaano’y nakapagpahinga siya at may laman ang sikmura. Pinakamababa na minsan ang anim na oras at may pagkakataon na umaabot pa iyon ng dalawampung oras o higit pa depende sa kung gaano kahirap at kakumplikado ang surgery na kailangan ng pasyente.
Coronary artery bypass ang isinagawa nila sa pasyente kanina. Tumagal din sila ng apat na oras sa operating room. Mababa na para sa kanya ang ganitong oras. Resulta ang pagod niya ng magdamag na gising kagabi. Ngayon niya iyon nararamdaman.
“Doktora Skelton!”
“Saleen!”
Sa pangalawang pagtawag lamang nagawang lumingon ni Saleen. Nakangisi, nakapamulsa, suot ang corporate black suit nito, lumalagutok ang tunog ng makintab na sapatos at malalaki ang hakbang na lumapit sa kanya si Cain. Ang manliligaw niya ng higit kumulang isang taon na.
Lumapad ang ngiti ng lumapit sa kanya. Sa totoo lang ay hindi niya makakaila na gwapo ang binata at malinis sa katawan. Ito ang uri ng lalaki na pipiliin ng mga kababaihan dahil masasabi niyang narito na ang lahat, pera, pangalan at may stable na trabaho. Wala ritong problema kung tatanungin siya. Ngunit dahil sa sikreto niya kaya iniiwasan niyang magnobyo. Manganganib ang buhay niya sa oras na may makaalam ng sikreto niya.
“Cain, what are you doing here?” tanong niya rito na tila ba may amnesia.
Alam ni Saleen vang rason ng pagpunta nito rito. Kahit na binasted niya na ang lalaki ay desidido pa rin itong ituloy ang panliligaw.
“Flowers for you,” saradong ngiti nito habang nakatingin sa kanya na tila ba’y hinahalukay ang kanyang pagkatao.
Napalunok si Saleen at bahagyang ngumiti rito kahit na naiilang na siya sa paraan ng pagtitig nito.
“You don’t have to give me flowers, Cain,” bahagya niyang nilingon ang rosas na dala-dala nito at hindi iyon kinuha. Ayaw niya ng bigyan pa ng dahilan ang binata upang isipin nito na may pag-asa pa ito sa kanya.
“Come on, just accept it, Saleen,” seryoso nitong wika sa kanya. “I've been having a bad day since last week. You are the only one who can ease my feelings.”
“Cain—”
“Just accept it, Saleen,” pamimilit nitong muli. “I’ll go immediately if you take this.”
“O-okay…” nag-aalangang sagot ni Saleen.
Ngumiti ito ng bahagya at yumukod. Hinalikan ng binata ang likuran ng kanyang palad nang makuha ang kanyang kamay saka tumalikod.
Hinabol lamang iyon ng tingin ni Saleen habang mahigpit ang pagkakahawak sa bulaklak na ibinigay sa kanya. Nakataas pa rin ang kamay niya nang ilang segundo dahil sa pagkagulat.
Nang tumalikod siya ay ganoon na lamang ang gulat niya dahil bumungad sa kanya ang mukha ni Nurse Vicky. Kalalabas lamang nito sa supply room ng hospital at panigaradong narinig ang mga napag-usapan nila.
“Basted talaga si pogi, doktora?” tanong ni Nurse Vicky sa kanya.
Naging mabilis ang paglalakad ni Saleen ngunit patuloy pa rin ang pagsunod nito sa kanya.
“Hindi kaya uminit ang ulo sa ‘yo ni director niyan? Anak niya pa naman iyong binasted—”
“Nurse Vicky…” isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Saleen nang ipikit ang mga mata bago tignan ang nurse. Bahagya niya ring hinilot ang kanyang sintido.
Umakto naman itong nag-zipper ng bibig. “Sorry, dok!”
Tahimik itong sumunod sa kanya at hindi na muling nagsalita pa. Alam ng nurse na galing siyang operation room at puyat. Wala siyang lakas para makipag-usap.
Nang papaliko na si Saleen sa pasilyong patungo sa kanyang kwarto. Nahinto siya sa paglalakad. Dahil sa gulat ay nahawakan niya pa si Nurse Vicky kaya hindi rin nito naituloy ang paglalakad.
“Nurse Vicky—”
“Bakit, doktora?”
“Iyong lalaki! Siya iyong sinasabi ko sa ‘yong kumidnap sa atin…” mahina niyang turan at wala sa sariling itinuro ang lalaki.