Chapter 3: Her Suspicions

1587 Words
HINDI MAKAPAG-FOCUS SI Saleen sa kanyang trabaho magsimula nang magising sa lugar na pinagdausan ng medical mission sa sitio. Kahit pa nakabalik na siya sa hospital na pinagtatrabahuhan niya’y gulong-gulo pa rin ang isipan niya. Sino bang hindi maloloka ang isipan kung magigising sa lugar na pagdadalahan nila sana ng pasyente ngunit hinarang sila ng mga armadong lalaki dahil naghahanap ang mga ito ng doktor? Ngunit hindi iyon ang nakapagpawindang sa mundo niya. Ang matinding bumabagabag sa kanya ngayon ay ang bagay na walang maalala ang mga nakasama niya sa sitio! Hindi natatandaan ng mga ito na na-kidnap sila ni Nurse Vicky para gamutin ang boss ng sindikato! Umaakto ang mga ito na walang matandaan. Ibang-iba sa kanya na halos mabaliw na sa kaiisip kung ano nga ba ang nangyari sa kanila. Nilingon niyang muli si Nurse Vicky nang naghihinala. Sumingkit pa ang mga mata ni Saleen habang binabasa ang galaw nito. “Hindi ka ba tinakot ng mafia boss?” tanong niya kay Nurse Vicky matapos itong ituro gamit ang ballpen na nakalagay sa kanyang lab coat kanina. Hindi niya tinawag na sindikato magagalit lang ito dahil ipinaliwanag niya pa ang itsura ng lalaki. Weakness ng nurse ang mga gwapo. Nasapo ni Nurse Vicky ang noo. Mukhang naririndi na ito paulit-ulit niyang tanong. “Doktora Skelton, uulitin ko ulit—” “Kaka-kdrama ko lang ito?” pagtatapos ni Saleen sa sasabihin ng nurse. “Opo, dok!” sabi ng nurse nang nakapamaywang sa kanya. “Kahit tanungin mo pa sina Manong Ben at Doktora Mika, wala silang maalala na na-kidnap tayo!” “Ako lang talaga ang nakaalala?” “Iyong mga tipo ng lalaking makahulog panty na sinasabi mo, hindi mga ganoong lalaki ang madaling kalimutan,” itinuro nito ang sarili. “Ako pa ba, makakalimot ng pogi? Who you ang amnesia sa ‘kin!” “Sure ka?” nagdududa niyang tanong dito. “Bakit, dok?” nag-aalalang tanong din ni Nurse Vicky. “Ha?” “May mga pinagdadaanan ka ba sa buhay na hindi mo masabi sa amin?” tanong nitong muli nang nag-aalala. “Nangutang ka ba ng loan at hindi mo mabayaran? Gaano ba kalaki ang utang mo at hinahabol ka ng kriminal ngayon—” “Nurse Vicky!” pinandilatan niya ito ng mga mata. Parang gusto niyang tirisin ang nurse. Ang dami niya na ngang inisip, dagdag pa ito. Mabilis pa namang kumalat ang tsismis sa hospital. “Alam mo kung anong kulang sa iyo, Doktora Saleen?” Tumaas ang kanang kilay ni Saleen. May kulang pa ba sa buhay niya? Parang wala naman na. Nang makaalis siya sa mga poder ng madre natuto ng tumayo sa sariling paa si Saleen. Doble ang naging pagbabanat niya ng buto upang mapag-aral ang sarili. Hindi naman nawalan ng saysay ang mga paghihirap niya dahil nang maka-graduate siya’y nakakuha siya ng apartment na malapit sa hospital na pinagtatrabahuhan niya matapos ang internship. Nakakakain din siya araw-araw nang tatlong beses sa isang araw. May trabaho rin siya at nabibili ang gusto. Nariyan din ang mga pasyente na itinuring niya ng pamilya kaya kahit na mag-isa ay hindi siya nalulungkot. May kulang pa ba talaga sa buhay niya? “Hindi mo talaga maisip kung ano, doktora?” “Meron ba?” tanong niyang muli nang nagtataka. “Wala kang jowa, doktora! Wala. Iyan ang dahilan kaya bored ka ng ilang araw at kung ano-ano ang itinatanong mo sa amin.” “Kakulangan ba iyon?” tanong niyang muli nang nag-iisip. “Kailangan mo ng ana-ana!” “Ana-ana?” “Churva doktora! Magpa-churva ka para kumpleto ang araw mo!” Buti na lang at hindi siya kumakain o umiinom ngayon. Hindi malabong sa pagkasamid siya mamamatay dahil sa bibig ni Nurse Vicky. Napakamot ng kamay si Saleen at balak pa sanang magsalitang upang madispensahan ang kanyang sarili ngunit pinili niya na lang na manahimik noong huli. Hinabol niya na lang ng tingin si Nurse Vicky. May pangiti-ngiti pa ito nang talikuran siya kaya isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Saleen. May mga pagkakataon na nagiging komplikado ang buhay niya katulad na lamang kapag nauungkat ang pagnonobyo. Kasunod kase na pumapasok sa isipan niya ang pagkakaroon ng sariling pamilya na paunti-unti niya ng tinatanggap na hindi mangyayari. Hindi niya kayang ipamana sa magiging anak niya ang isang bagay na hindi niya maintindihan lalo na’t nawalan siya ng memorya nang mapadpad sa dalampasigan. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag na nagkakaroon siya ng buntot sa tuwing bilog ang buwan matapos na mabasa ng tubig ang mga paa niya. Mahal niya ang sarili ngunit hindi niya kakayanin na mamana ng anak ang mga bagay na nagpapahirap sa kanya. Kaya, itinatak niya sa isipan na magiging matandang dalaga na lamang siya. Hindi rin siya magnonobyo kung sa bandang huli ay mauuwi rin iyon sa hiwalayan. “What a life…” muli, isang malalim na buntonghininga na naman ang pinakawalan ni Saleen. Si Doktora Mika naman ang pinagmasdan niya nang mapunta siya sa Emergency Department. Tapos na rin naman siyang umikot sa mga pasyente niya. Wala ring emergency surgery. Mahaba-haba pa naman ang oras niya bago ang out niya. Ito naman ang oobserbahan niya. Dito ito idinistino ng Chief Physician nila ang trainee doktor nila nang sa gayon daw ay maging mabilis ang pagkilos nito. Masyado kaseng mahinhin ang doktora at pino kung kumilos kaya may mga pagkakataon ng naapektuhan ang pagtatrabaho nito lalo na kung may emergency na nangyayari. “Mukha namang wala siyang maalala,” sumingkit na naman ang mga mata ni Saleen. Naroon pa rin ang kanyang pagdududa. “Ako lang ba talaga ang nakakaalala?” Nasapo ni Saleen ang ulo at dismayadong umalis upang magtungo sa canteen. Masarap kase ang pagkain doon kung ikukumpara sa ibang mga kantina. Kaya minsan omo-order siya roon ng dadalhin sa kanyang bahay. Parang pang restaurant ngunit mga healthy foods ang inihahain. May mga sinusunod kaseng safety standard ang hospital para sa meal consumption kaya pwede rin sa mga pasyente. Hindi siya mababahala dahil sigurado siyang malinis talaga. May mga pagkakataon naman na naghahanda sila ng pagkain na para lamang sa mga staff ng hospital. Hiwalay iyon sa mga pagkaing para sa pasyente. “I’m not crazy, right?” tanong niya sa sarili. “If that’s not what happened then, what is the truth?” Lumiko siya sa pasilyo kung saan patungo ang kantina ng hospital. Malayo-layo pa lamang si Saleen ngunit amoy niya na ang pagkain na sumusuot sa kanyang ilong. Parang bigla tuloy na nagwala ang mga bulate niya sa tiyan. Habang papalapit ay mas nagtaka siya sapagkat napakahaba ng pila. Mabilis mag-serve ng pagkain ang kantina. Hindi ganito na napakahaba at mabagal. “Anong meron?” tanong niya sa isang nurse na papaupo pa lang sa upuan. “Last day na po ni Chef Ricka bukas, doktora.” “Ha? Bakit ngayon lang nasabi?” “New career daw. Matagal na po siyang nagsabi sa department. May pinirmahan sigurong non-disclosure kaya ngayon lang nabanggit noong may papalit na rito. Balak yatang magtayo ng restau ni chef. Pati dalawang employee sa canteen kasama.” “I see.” Tatango-tangong wika ni Saleen ngunit ang totoo niyan ay nalulungkot siya. Paniguradong mami-miss niya ang pagkain ng hospital. Matagal ding naghintay sa pila si Saleen hanggang sa makarating na siya sa unahan. Kaagad niyang in-order ang mga napili niyang pagkain. Dinagdagan pa iyon ng chef dahil alam nitong regular siyang kumakain doon. Saglit din silang nag-usap nito bago umalis ng pila si Saleen. Kinuha niya kaagad ang mga gamit sa kwarto bago magtungo sa exit matapos makapagpalit ng damit. Kailangan niya ng makuha sa daycare si Sachi dahil magsasarado na rin iyon. “Hi, Sachi!” nakangiting bati ni Saleen matapos makita ang nag-iisang pamilyang mayroon siya ngayon. Kaagad na nagtalon-talon ito nang makita siya. Sa buong maghapon na ship niya, ang light-brown Chow Chow na alaga ang labis na nagpapasaya sa kanya bukod sa mga pasyenteng natutulungan niya. Magsimula maliit pa lamang ito ay alaga niya na. Binigay sa kanya si Sachi ng mga madre nang papaalis na siya. Naalala niya pa nang una niya itong makita ay parang na-love at first sight siya rito. Ganoon din ito sa kanya dahil aloop si Sachi sa mga tao. Kapag nasa duty siya, parati itong naiiwan sa daycare for dogs. Noong una’y nahirapan pa siyang iwan ito rito dahil sa ugali nitong hindi sanay sa ibang tao. Ngunit dahil sa pagtyatyaga niya at maging ng mga nag-aalaga sa daycare ay unti-unti rin itong nasasanay. “Aytstsuuss na-miss ako ng baby ko,” natatawa niyang puna nang magpaikot-ikot pa ito. “Kanina ka pa hinihintay niyan,” wika ni Victon. Bahagyang ngumiti si Saleen sa may-ari ng Happy Pet Daycare matapos tumingala dahil mas matangkad ito sa kanya. Naalala niya nang una itong makita ay hindi siya naniwalang ito ang owner ng daycare dahil mukhang sundalo ang lalaki. Paano ba naman ay naka-army cut ang buhok nitong itim, halatang well-build ang muscle kahit pa nakasuot ito ng loose white shirt at black baggy pants. “Pasensya na sa abala,” natatawa niyang wika sa may-ari. “Come one, Saleen. No big deal,” nakangiti nitong wika matapos na bumalik sa loob ng shop dahil tutulungan pa nito ang mga empleyado sa paglilinis. “Come on, big boy, let's go home!” Bago pa man iyon sabihin ni Saleen, sinigurado niya munang handa na ang tuhod at braso niya. Sa laking aso ba naman ni Sachi hindi siya pwedeng lalampa-lampa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD