bc

I Love you Once, I Love You Still

book_age16+
14
FOLLOW
1K
READ
fated
second chance
powerful
independent
dare to love and hate
bold
brilliant
campus
city
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Opposite attracts.

Saying that will test Vince Marco Perida and Athena Chan Fontezilla, how will things work out if in their first encounter they develop hatred rather than attraction.

Athena is a type of girl that shows a strong determination that despite successive trials in her life she remains steadfast and resilient. She is a happy-go-lucky girl who enjoys every single day of her life enjoying the things that make her happy because she believes that life is too short to be boring.

While Vince Marco on the other hand is the total opposite of Athena, he takes everything seriously and wants everything to be in control. He hates the idea of seeing his sister being closed to Athena fo he believes she was a bad influence on his sister. The world goes upside side down when the two work together.

For how long they can stand the friction between the two of them? Will that friction ignite too much hatred or develop a flame of love that cannot be controlled?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 “Papa please naman payagan ninyo na po akong umattend sa party ng friend ko tutal kakayari lang ng finals and it will take half month bago ulit kami magkita kita,” nakikiusap na litanya ni Vina sa ama habang magkakasabay kumakain ng almusal sa hapag kainan. “Hay naku Vina Mae kung yang party na sinasabi mo ay araw gaganapin papayagan kita iba na ang panahon ngayon masyado nang nakakatakot baka mapahamak ka pa sa labas.” Tanggi ni Tatay Vicente na nakatutok ang mata sa binabasang diyaryo. “Papa naman eh! hindi naman po children’s party yung pupuntahan ko debut po yun I’m already eighteen and yet lahat bawal pa din,” naiiyak na hirit ni Vina na bahagyang pumiyok ang boses sa pinipigil na pagtulo ng luha. Natahimik ang mga kaharap sa mesa sa naging reaksyon ni Vina. Hindi nila alam na dadamdamin nito ang pagtanggi ng ama sa ginagawa nitong pag papaalam noon lang kasi ito nagpaalam na lalabas ng gabi at marahil inasahan na papayagan na siya ng mga magulang dahil sa edad na niyang disiotso. Kagaya ng karaniwang role ng ilaw ng tahanan iyon ang pagkakataon para mamagitan si Mama Vicky. Lihim niyang kinambatan ang asawa hudyat para hayaan na muna siyang magtanong sa anak. “Sino ba ang kaibigan mong may birthday at taga saan?” Kalmadong tanong ni Mama Vicky. “Taga Cabanatuan sa Kapt. Pepe Subdivision po Ma,” malungkot na tugon ni Vina. “Sino naman ang makakasama mong umattend ng party kung sakaling payagan ka?” muling tanong ni Mama Vicky na muling sumulyap sa asawa. “Mga kaklase lang po namin saka si Athena at Mia na mga kaibigan ko,” sagot ni Vina. “Gusto mong umattend ng party? paano ang pag uwi mo sige nga?” tanong muli ni Papa Vicente na buo pa rin ang desisyon na hindi ito payagan kahit na tila namagitan na si Mama Vicky sa mag-ama. Hindi na kumibo si Vina alam niya na kapag ganoon na ang ibinatong tanong ng ama ay ramdam na niya na hindi siya nito papayagan gustong gusto na niyang tumayo sa kinauupuan sa sama ng loob na nararamdaman ngunit hindi niya magawa sapagkat kahit minsan ay hindi nila ginawang magkapatid ang dabugan ang mga magulang lalo na sa harap ng pagkain. Mag paalam ka ng maayos bawal kapag tumakas lalong bawal ang hirap naman sa bahay na to lahat bawal, bulong sa isip ni Vina na masamang masama ang loob sa ama. Tahimik naman na nakikinig si Vince Marco sa palitan ng sagot ng magulang at kapatid mahal na mahal niya ang nakababatang kapatid at pakiwari niya ay nasasakal ito sa pagiging over protective ng kanyang mga magulang kaya’t madalas siya ang lihim na tagapagtanggol nito lalo na at kailangan ng ayuda para payagan ng kanilang ama. “Papa payagan ninyo na po si Vina at mukhang magkalapit lang yung lugar na pupuntahan namin ako na maghahatid at susundo sa kanya kung inaalala ninyo ang safety ng ating prinsesa,” suhestiyon ni Vince. Tiningnan ni Mr. Vicente si Vina na nakayuko at hindi na nagalaw ang pagkain sa plato matapos ay kay Vince naman tumingin na naghihintay ng kanyang tugon. “Gusto mo ba talagang umattend ng party Vina Mae?” pagkumpirma ng ama dito. Pagkarinig sa tono ng ama na tila papayag na ay itinaas ni Vina ang mukha na tila nag papaawa saka tumango. “Naku bentang benta talaga yang mga paawa effect mo sa amin siya sige pinapayagan na kita pero siguraduhin mo lang na hindi mo pasasakitin ang ulo ng Kuya Vince mo sa paghatid at sundo sayo kapag sinabing 11:00 susunduin ka na wala ng extension ng oras ha.” Bilin ni Mr. Vicente kay Vina. “Thank you papa.” Mabilis na nilapitan ni Vina ang ama at niyakap sa likod sabay halik sa pisngi nito “Aba sa lagay bang yan eh si papa lang ang may kiss parang ayoko na yatang  maghatid at sumundo,” biro ni Vince sa kapatid. “Kuya naman eh wala nang bawian,” sagot ni Vina dito na mabilis na lumapit at niyakap din ang kapatid sabay halik sa pisngi. Natatawa na lang na naiiling si Mama Victoria sa nakikitang samahan ng kanyang pamilya masaya siya na nakikitang nagkakasundo at nagmamahalan ang kanyang mga anak. “Than you kuya kong pinakagwapong sa buong mundo!” Hindi maitago ang labis na tuwa ni Vina sabay halik ng maraming beses sa pisngi ng kapatid. “Sumobra naman sa pambobola ang kapatid ko huwag naman sa buong mundo baka magalit sa akin si Dingdong Dantes at Derek Ramsey niyan pinakagwapo na lang sa Bayan ng Palayan,” patol ni Vince sa pambobola ng kapatid. “Thank you kuya kong pinagwapo sa buong Bayan ng Palayan okay na ba yon kuya kong mahal?” maarteng tanong ni Vina sabay piga sa magkabilang pisngi ng kapatid bago mabilis na tumalilis pabalik sa kwarto nito. “Ouch! ikaw talagang Vina ka napakasutil mo.” Napalakas na sagot ni Vince sa pagkakapiga ng kapatid sa kanyang pisngi na bahagyang namula. “Para pa rin kayong mga bata sana kahit na matatanda na kayo o magkaroon ng sariling pamilya ay hindi magbabago ang pagmamahal ninyo sa isa’t isa,” madramang komento ni Mama Victoria. “Mama naman siyempre naman po abay dalawa na lang kaming magkapatid eh hindi pa ba kami magkakasundo? kaya nga po mas pinili ko na dito na lang sa atin mag trabaho para makasama kayo at matulungan kayo sa negosyo natin,” sagot ni Vince sa ina. “Kaya nga anak nagpapasalamat ako sa Diyos na lumaki kayong mabubuting bata at may pagmamahalan sa isa’t isa,” tugon ni Mama Vicky. “Siyempre naman Ma at kung ano po ang pagkatao naming magkapatid ngayon iyon ay dahil sa pagiging responsable ninyong magulang sa amin ni Vina and thank you Ma and Pa sa mga pangaral ninyo lagi sa amin,” seryosong sagot ni Vince. “Sa tono naman anak ng salita mo ay para namang mag papapaalam ka na sa amin? mag aasawa ka na ba?” biro ng ama kay Vince. “Actually Pa, I’m planning to ask Roxanne this coming week sa mismong araw ng anniversary namin and I want both of you to be there siyempre po I want you to witness the very important day in my life.” Pag amin ni Vince sa mga magulang. Hindi naman nakakibo si Mr. Vicente wala sa hinagap niya na ang biro sa anak ay totoo palang nasasaloob na nito at ngayong nagsabi sa kanila ay wala siyang maapuhap na isagot. “Sigurado ka na ba anak sa desisyon mo na yan? hindi ba masyado pang maaga para alukin mo ng engagement si Roxanne it’s been two years palang simula ng naging girlfriend mo siya don’t make me wrong anak ha I have nothing against Roxanne but of course It would be better if you know each other longer mas makakapag adjust kayo sa ugali ng isa’t isa.” Hindi napigilang sagot ni Mama Victoria. “Mama masyado na pong na-advance ang inyong na-imagine engagement palang po ang iaalok ko kay Roxanne hindi pa kasal we still need to plan the details of our marriage at gusto kong maging espesyal yon Ma at minsan lang kami ikakasal gusto ko na maging pinaka memorable yon,” natatawang sagot ni Vince sa reaksyon ng ina. “So what’s your plan by next week?” tanong ni Mr. Vicente sa anak. “I plan to suprise her nagpareserve ako sa isang private restaurant kung saan family lang natin  both side at mga mga closest friends lang ang guests to be there para i-witness ang engagement namin pero kung mmay gusto po ba kayong imbitahin just tell me po or baka may pwede kayong  i-suggest na mas maganda?” sagot  ni Vince sa ama. “Well since it’s a suprise naman pala kay Roxanne meaning wala pa siyang idea sa tumatakbong balak diyan sa utak mo mabuti pa rin na pag isipan mo walang masama kung i-delay ng ilang panahon o taon basta ang mahalaga sure ka sa nararamdaman mo at sigurado ka sa babaeng gusto mong makasama at kami naman ay kung saan ka magiging masaya ay wala kang maririnig na pag tutol mula sa amin.” Makahulugang payo ni Mr. Vicente sa anak.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook