Chapter 2
“Princess Vina Mae baka naman kaya gustong gusto mong umattend ng party eh may secret boyfriend kang kasama doon?” Pag iinis ni Vince sa kapatid habang iniintay itong matapos sa paglalagay ng pulbos at lipstick sa labi.
“Yuck! kuya ano ba wala pa sa bokabularyo ko ang pakikipag boyfriend gusto ko lang maranasan ung mga nagagawa ng ibang kabataan na ka-edad ko hindi yung para akong inosente lagi sa kwentuhan na walang masabi at hindi makarelate,” kontra Vina sa pambubuska ng kapatid.
“Tama yan mag-aral ka munang mabuti at pag nakatapos ka saka mo na isipin pakikipag relasyon mas mainam yun kung minsan kasi sa umpisa lang siya inspirasyon kapag nagtagal tagal nagiging destruction na ang pakikipag relasyon kasi siyempre kailangan mong ihati sa oras ang magiging nobyo mo para mag work ang relationship ninyo at mahirap yon kung hindi marunong mag handle ng sitwasyon ikaw pa naman tong me pagka-possessive at attention seeker minsan baka pag hindi ka lang naitext o natawagan ng boyfriend mo eh affected ka na.” Litanya ng kuya Vince ni Vina habang nakahiga sa kama at nakatanaw sa kisame ng kwarto ng dalaga.
“Pwede ba kuya wala pa akong boyfriend at wala pa ni sa dulo ng isip ko yan kaya tumayo ka na diyan at huwag ka na munang mag homily ihatid mo na ko sa party andoon na mga friends ko iniintay na nila ko,” yaya ni Vina sa kapatid na mukhang enjoy na enjoy pa sa pagkakahiga sa kanyang kama.
“Parang tinatamad pa yata akong umalis ang sarap humiga dito sa kama mo eh naninibago ko parang malinis yata at walang nagkalat na mga kung anu-anong anik anik mo dito ngayon.” Pang iinis sa kapatid ni Vince.
“Kuya naman nakakainis aalis na lang ako namumuwisit pa! halika na male-late na ko tapos maaga mo pa kong susunduin mamaya,”nakangusong litanya ni Vina sabay hatak sa kamay ng kapatid para maitayo ito sa pagkakahiga.
Sadya namang pinabigat ni Vince ang katawan para hindi agad maitayo ni Vina sa pagkakahiga at ng maramdaman iyon ng dalaga ay nakairap niyang binitawan ang mga kamay nito at pinaramdam sa kapatid na napipikon na siya. Walang kibong tiningnan lang niya ito sa pagkakahiga at tumahimik sa isang sulok ng kwarto niya.
Naramdaman ni Vince na naiinis na ang kapatid kaya natatawa itong tumayo mula sa pagkakahiga.
“Eto na po mahal na prinsesa huwag na po kayong magalit aalis na po tayo.” Tumayo na si Vince sa pagkakahiga at tuwang tuwang sa nakikitang inis sa kanya ni Vina na pilit kinokontrol.
“Pasalamat ka Kuya Vince Marco Perida at gustong gusto ko lang talagang makasama ang mga friends ko kung hindi kanina pa sana namaga yang mga pisngi mo!” sagot ni Vina sa kapatid na pigil na pigil na pigain ang pisngi nito na karaniwang paraan niya ng pagganti kapag iniinis sa kapatid.
Tumawa lang ng malakas si Vince sa naging reaksyon ng kapatid na walang magawa at hindi makaganti sa pang iinis niya dito.
“Sakay na mahal na prinsesa at bibiyahe na po tayo,” Litanya ni Vince sabay bukas sa pintuan ng kotse para pasakayan ang kapatid.
Agad namang tumalima si Vina.
“I’ll pick you up at exactly 11:30 P.M. and I’ll give you a call pag papunta na ko doon na muna ako mag stay kila Michael para hindi na ko magpabalik balik ng sundo sayo dalawang block lang yon mula sa place ng friend mo.” Bilin ni Vince sa kapatid.
“Ibig bang sabihin kuya wala ka talagang lakad tonight at gusto mo lang tlaga akong maka-attend sa party?” gulat na tanong ni Vina sa kapatid.
“Yap.... pero huwag masyadong lalaki ang ulo mo at huwag ka ring masasanay ngayon lang ito gusto ko lang maranasan mo kahit minsan ung night life with friends,” pag amin ni Vince.
“Ayyyy.... touch naman ako love mo ko talaga kuya kong pinakapogi sa buong Palayan City.” Pabirong komento ni Vina sa kapatid ngunit totoong natuwa siya sa ginawa nito para sa kanya.
“Nambola ka pa talaga,” naiiling na sagot ni Vince.
“Hayaan mo kuya kong pogi pasasaan ba at makakabawi din ako sayo kapag may kailangan kang pabor at sa palagay mo ay kaya ko huwag kang mahihiyang magsabi just call my name and I’ll be there.” Inilagay pa ni Vina ang kamay sa tapat ng dibdib na tila nangangako ng mula sa puso.
Natawa naman si Vince sa reaksyon ng kapatid kaya’t pinisil niya ang pisngi nito.
Ilang minuto silang bumiyahe hanggang sa makarating sa Kapitan Pepe Subdivision kung saan ginaganap ang birthday party ng kaibigan ni Vina.
“Hello Vina were here!” hiyaw ni Athena ng matanaw na papasok ang dalaga sa bakuran ng bahay.
Nadinig naman ni Vina ang boses ng kaibigan at ang mabilis na kaway nito kaya’t nagtungo na siya sa mesa kung saan naroon ang mga ito.
“Happy birthday Pia,” bati ni Vina sa kaibigan sabay abot sa kanyang regalo.
“Thank you nag abala ka pa kahit wala nito friend ang mahalaga nakasama ka namin at mukhang mabibinyagan ka sa pagtikim ng alak tonight hahahaha,” banta ni Pia kay Vina.
“Uy huwag mo ngang takutin si Vina mamaya mo niyan hindi na to umulit sumama sa atin isipin na bad influence tayo eh ikaw lang yun di ba guys?” Saway ni Athena kay Pia sabay tanong sa mga kaharap na kaibigan sa mesa.
“Yes,” sabay sabay na sagot ng kaharap na animo koro.
“Ano pang hinihintay ninyo halina kayo at kumuha na tayo ng pagkain mukhang buffet ang iginayak ni Pia,” aya ng isa sa nasa mesa.
“Oh no need to bother wait lang kayo at siyempre hindi sanay si Athena ng self-service papadalan ko nalang kayo sa mesa,” pigil ni Pia sa mga kaibigan.
“Ay wow sana all may especial treatment,” biro ni Chloe ng marinig ang sinabi ni Pia.
Sinaway naman agad ng katabing si Merylle si Chloe sa iba pa nitong ikokomento sapagkat tinanaw na ito ng masama ni Pia. Makalipas ang ilang minuto ay mayroon ng dalawang waiter na papalapit sa mesa nila Vina na may dalang pagkain.
“Mukhang masarap itong mga iginayak ng catering service na nakuha nila Pia tingnan mo Athena halos lahat ng mga paborito mo,” komento ni Vina pagkakita sa putaheng ibinababa ng mga waiter.
“Of course inalam ko ang lahat ng paborito ni bestfriend Athena para naman mag enjoy siya tonight sayang naman ang gift niya sa akin na party na ito kung hindi siya masasatisfied sa treatment at service ng catering na nakuha ko,” sagot ni Pia mula sa likuran na nagpalingon sa lahat.
“What si Athena ang nagbayad ng party package mo na to?” tanong ni Chloe na gulat na gulat.
“Yes!” anong nakakagulat doon sagot ni Athena na tila iniinis si Chloe alam niya kasi na kahit kasama niya ito sa grupo ay may lihim na inggit sa kanya.
“Wa...wala naman nagulat lang ako napakabongga naman kasing birthday gift ng party package,” wala sa loob na tugon ni Chloe.
Ngingiti ngiti lang si Athena na inilabas ang pinaka latest unit niyang iphone na wala pang dalawang araw na nasa market.
“Let have some photo souvenirs.” Umanggulosi Athena ng pa-tweetums na agad ginaya ng grupo.
“Hey girl wait...is that the latest iphone 13? two days ago ko pa lang yan nakita sa market and you have it already?” Tanong ni Merylle kay Athena.
“Yeah, actually it so easy to have it kahit na hindi pa siya nao-open sa public because my dad is one of the major stockholders of iphone at main distributor here sa Pilipinas so its easy for him to have the latest version of any iphone products.” Paliwanag ni Athena kay Merylle na alam niyang bestfriend ni Chloe.
“Ay grabe bukod kang pinag pala talaga ako ang tagal ko ng gustong palitan itong cellphone ko na kalahati nalang nakikita ko sa screen kaso wala pang budget at maraming inuunang gastusin si mudrabels,” sabat ni Regine.
“Hay naku Regine huwag ka ng magdrama anthology diyan may extra phone pa ko sa car ibibigay ko na lang sayo at paunahin mo ng grumadweyt yung cellphone mo kesa atin,” natatawang sagot ni Athena.
“Talaga ba? hulog ka talaga ng langit my beautiful, kind, sexy, brainy bestfriend Athena,” walang pagsidlan sa tuwang sagot ni Regine habang hawak ang dalawang kamay ni Athena sa labis na pasasalamat.
“Baka naman kinulang ka pa sa adjectives andito naka install si Mareng Mirriam Webster sa cellphone pwede kang kumunsulta,” biro ni Vina sa kaibigan.
“Abay siyempre ikaw kaya ang mabigyan ng cellphone kahit hindi ikaw ang may birthday baka A to Z na adjective eh mai-recite mo agad agad,” eksaheradang sagot ni Regine.
Hindi naman napigilan ng grupo ang matawa sa naging sagot ni Regine.
“Tama na yang biruan ninyo lalamig ang pagkain kumain muna kayo para maya maya maki jamming tayo doon sa live band sa gawing harapan,” awat ni Pia sa sistehan ng grupo.
“Wow ang taray talaga may live band pa talaga!” muling hirit ni Regine.
“Kelan ba birthday mo?” tanong ni Athena kay Regine.
“Kakayari lang last month,” kakamot kamot sa ulong sagot nito.
“Next year ka na din mag party ng ganito.” Pangako ni Athena na natatawa.
“Yes! Ike-claim ko na paparty sa akin ni bestfriend Athena ha kayo ang saksi next year mayroong party ang birthday ko,” maligayang sagot ni Regine.
Tahimik naman na nagsalu-salo ang grupo sa pagkaing nasa mesa ng makita ni Pia na nakayari na ang mga ito sa pagkain ay nilapitan niya ang mga ito para ayain na lumipat ng mesa papunta sa gawing harapan ng live band na kasalukuyang nag peperform ng mga oras na iyon.
“Hello ladies and gentlemen tonight is a especial night for Miss Pia na nagse-celebrate ng kanyang birthday and The Boys Don’t Cry Band ay narito with all of you para mas pasayahin ang celebration ng kanyang birthday if you have any song na gustong i-request just feel free na magsabi at isasama namin sa line up ng songs natin tonight,” anunsyo ng pinaka-lead singer ng banda.
Nagsimula ng tumugtog ang banda halatang enjoy naman ang mga bisita na pawang mga kaklase o di kaya ay schoolmates nila Vina at Athena panay naman ang ikot ng inupahang crew ng catering service para mag serve ng alak at pulutan.
“Binyagan natin si Vina tagayan ninyo ng alak ng maging tao,” kantiyaw ni Chloe kay Vina.
“Ay naku hindi ako umiinom ano ba kayo,” tanggi ni Vina.
“Abay hindi pwede yang tanggi tangging ganyan kung hindi mo iinumin ang tagay mo kailangang may sumalo ng para sa iyo,” kontra ni Merylle kay Vina.
“Try it once Vina and the rest ng tagay mo sagot ko,” utos ni Athena na hindi na natanggihan ni Vina.
Ganoon nga ang nangyari habang nag-eenjoy sila sa pakikinig sa mga tinitugtog ng banda ay bumabaha naman ng alak at pulutan bagay na hindi nakasanayan ni Vina. Ang mga kasama naman nila sa mesa na pawang mga babae ay tila sanay na sanay na uminom animo tumutungga lang ng tubig sa paglagok ng alak ilang shots pa ang dapat na tagay ni Vina ang sinagot ni Athena at halata rin naman na hindi ito ganoon kasanay uminom at mabilis na tinamaan ng alak.
Ilang oras pang tumagal ang ganoong senaryo hanggang sa mamasdan na ni Vina na mapula na ang pisngi ni Athena at mas naging madaldal balak na niyang awatin ito sa pag inom sa pag aalalang baka masobrahan ito sa kalasingan. Hindi na rin maitago ni Vina ang pagkainip marahil hindi siya talaga sanay sa ganoong klase ng kasiyahan kaya’t panay ang sulyap niya sa kanyang suot na relo.
“Mukhang naiinip ka na Miss Cinderella,” puna ni Chloe na mukhang tinamaan na rin sa dami ng nainom na alak.
“Hindi naman may usapaan kasi kami ni Kuya Vince na susunduin niya ako ng 11:30,” paliwanag ni Vina.
“Ay masahol pa pala kay Cinderella 11:30 lang ang curfew si Cinderella naman 12:00 o’clock!” Kantiyaw ni Chloe kay Vina sabay tawa ng malakas.
Hindi naman napigil ng grupo na makitawa kay Chloe sa pang iinis kay Vina na noon ay pulang pula sa pagkapahiya.
“Will you please stop making fun of Vina so what kung uuwi siya ng maaga may problema ka ba doon?” Mataray na tanong ni Athena na hindi naitago ang inis sa deretsahang pambabastos nito kay Vina.
Natahimik naman ang grupo hindi sila sanay na naiinis o nagagalit si Athena tumatayo kasi itong pinaka-leader ng kanilang grupo sa lahat ng bagay bukod kasi sa pinaka matalino ito, pinakamaimpluwensya at pinakamayaman sa kanilang lahat kaya’t ayaw nilang magalit o mainis ito sa takot nila na iwan sila at humanap ng ibang makakasama.
“Athena huwag ka ng magalit its okay actually mag papaalam na ko sa inyo pati na kay Pia papunta na kasi si Kuya Vince para sunduin ako and in five minutes he will be here nandiyan lang kasi siya sa bahay ng friend niya not so far dito sa bahay nila Pia.” Kinalma nito si Athena sa pag aalalang mag kainitan pa ng sagutan ang mga kaibigan.
“Would you mind kung makisabay ako na umuwi gusto ko na ring mag pahinga?” tanong ni Athena na nabubulol na sa kalasingan.
“Sure,” maikling tugon ni Vina.
Pagyaring marinig ang sagot ni Vina ay nauna na itong tumalikod at hinanap si Pia para mag paalam sa kaibigan inalalayan naman ni Vina ang kaibigang si Athena na susuray suray sa kalasingan na umaawit pa habang papalabas ng gate ng bakuran.
Wag kang mag-alala
'Di ko ipipilit sa 'yo
Kahit na lilipad ang isip ko'y torete sa'yo
Ilang gabi pa nga lang
Nang tayo'y pinagtagpo
Na parang may tumulak
Nanlalamig, nanginginig na ako
Linya ng awitin na huling narinig ni Athena na inaawit ng banda at paulit ulit niya itong kinakanta habang nag aabang sila ni Vina sa pagdating ng kuya nito mabuti na lang at wala pang dalawang minutong naghihintay sa labas ng gate sina Vina ay natanaw na niya na paparating ang kotse ng kapatid marahan nitong ipinarada sa gilid ang sasakyan at lumabas ng kotse.
“Kuya si Athena friend at classmate ko mukhang napadami ang nainom niya eh madadaaan naman natin yung bahay nila sa Golden Ville Subdivision idaan na natin please kawawa naman eh,” pakiusap ni Vina sa kapatid.
Tiningnan ng seryoso ni Vince si Vina bago palihim na sinulyapan ang maamong mukha ni Athena na hindi naitago ng nagulong buhok dala ng labis na kalasingan.
“Bakit ba nagpakalango itong kaibigan mo hindi naman pala kaya iinom inom,” litanya ni Vince na hindi maitago ang inis.
Hindi naman maipaliwanag ni Vina na si Athena nag sumalo ng tagay na para sa kanya kaya ito nalasing.
“Huwag ka ng mainis kuya hindi ko naman kakayaning iwan ang kaibigan ko sa ganitong sitwasyon baka mapahamak pa siya kung hindi natin ihahatid,”pangungunsesya ni Vina.
“Naku Vina Mae tigilan mo ko sa mga pangungunsensya mong ganyan,” sagot ni Vince sa kapatid na naiinis pa rin.
Nakita nitong nahihirapan si Vina na alalayan ang kaibigan papasok sa kotse kaya’t wala itong nagawa kung hindi ang lapitan ang mga ito para tulungan hanggang sa siyana ang tuluyang kapitan ni Athena.
Hawak na niya ang braso ng dalaga para alalayan ito ng gumiray at ma out of balance ang dalaga maya maya pa hindi na napigilang magsuka at sa kasamaang palad ay sa damit ni Vince lahat halos napunta ang maasim at nangangamoy na suka ni Athena.
Namutla si Vina pagkakita sa itsura ng kapatid na napatiim bagang sa nangyari pagtanaw naman niya kay Athena ay nakita niyang nag peace sign pa ito bago tuluyang nawalan ng malay at nakatulog.Babagsak na ito sa kalsada kaya’t mabilis na inagapan ni Vina para saluhin.
Pagkakataon naman iyon para mabilis na hubarin ni Vince and damit na nasukahan at inilagay sa compartment mabuti nalang at naging ugali niya ang magdala ng extra t-shirt sa kanyang sasakyan kaya’t mayroon siyang ipinalit sa hinubad na damit.
Walang kibo itong sumakay sa driver’s seat matapos na maiayos ng higa si Athena sa likuran ng kotse.
“Give me the direction kung saan ihahatid ang kaibigan mo,” seryoso ang tono ng boses na utos ni Vince kay Vina bagay na noon lamang niya narinig sa kapatid.
Maayos naman na naihatid si Athena sa mansyon ng mga ito at panay naman ang hingi ng paumanhin ng yaya nito na si Yaya Cita sa nangyaring kalasingan ng alaga.
“Pasensya na talaga kayo at salamat sa paghahatid ninyo sa alaga ko kanina pa nga ako nag aalala at alam kong tinakasan na naman ako malapit ko ng itawag sa mama at papa niya na wala pa siya nagpigil lang ako at alam kong mapapagalitan din ako pag nalaman na natakasan na naman ako ng alaga ko,” paliwanag ni Yaya Cita.
“Huwag na po kayong mag alala okay lang po yon kayo na po ang bahala kay Athena.” Paalam ni Vina kay Yaya Cita.
“Sige salamat ulit Vina mabuti na lang at ikaw ang kasama niya ngayon at Vince pasensya ka na sa abala,” hinging paumanhin muli ni Yaya Cita sa mag kapatid.
“Magpapaalam na rin po kami at ng hindi kami masyadong gabihin sa biyahe,” paalam ni Vince sa kausap.
Pagsakay ng kotse ay seryosong nagsalita sa kapatid si Vince.
“Stay away from that girl hindi siya magandang impluwensya sayo,” walang gatol na litanya ni Vince sa kapatid.
Kuya hindi mo naiintidihan Athena is a kind.... hindi na natapos ni Vina ang pangangatwiran ng pigilan siya ng kuya niya at itaas nito ang isang kamay para pahintuin siya sa pagsasalita.
“You better follow me kung ayaw mong malaman nila mama at papa ang nangyari tonight I am just protecting you sa mga taong masama ang impluwensya sayo,” kalmado ngunit seryosong utos ni Vince sa kapatid.
Sa tono ng salita nito ay ramdam ni Vina na useless na mag paliwanag siya alam niyang inis ang kuya niya hindi lang sa kalasingan ni Athena kung hindi sa pagkakasuka nito sa kanyang damit ayaw na ayaw pa naman ng kuya niya ang nakakaamoy ng suka ng taong lasing nasaksihan na niya iyon ng minsang nagsuka ang kanilang ama dala ng kalasingan kung paano hindi ito nakatulog at nakikwarto sa kanya niya para lang hindi maamoy ang suka nito.