Chapter 3

1877 Words
Chapter 3 Kinabukasan ay maagang gumising si Vince para linisin ang kotse at ialis sa compartment ang damit niyang nasukan ni Athena ng nakaraang gabi pagkatanaw dito ni Vina ay agad itong lumapit sa kapatid. “Kuya are you mad at me?” tanong ni Vina na tinitimbang ang reaksyon ng kapatid. “And why should I?” balik tanong ni Vince na hindi lumilingon sa kapatid na nakatayo sa kanyang likuran. “Because of what happened last night,”dugtong ni Vina. “Hindi ako galit sayo Vina okay what I want is for you to stay away from that girl hindi siya magandang impluwensya para sayo can’t you see how careless she is na uminom ng todo na hindi naman pala niya kaya what if may magsamantala sa kalasingan nya o kalasingan ninyo sakaling pati ikaw lasing may magagawa pa ba tayo kung nagkataon?” sermon ni Vince sa kapatid. “Kuya you don’t understand....mali ang pagkakaintindi mo sa nangyari kagabi.” sinusubukang magpaliwanag ni Vina sa kapatid “Enough Vina nasabi ko na ang gusto and its up to you kung susundin mo or else malaman pa nila mami at dadi what really happened last night baka sa halip na pinapayagan ka eh hanggang dito ka na lang sa apat na sulok ng bahay,” banta ni Vince sa kapatid. Wala ng nagawa si Vina alam na niya kapag ganoon ang tono ng kapatid hindi na niya gustong makipag kulitan dito malamang ay nakakaramdam pa rin ito ng inis sa nangyari kagabi lalo na at kay aga nitong kailangang manglinis ng sasakyan dahil sa sukang iniwanan ni Athena marahil kapag nakalipas na ang ilang araw ay makakalimutan na nito ang nangyari kaya’t hindi na niya muna kinulit pa ang kapatid. “Hey Vince is everything okay? baka may kailangan pang ihabol magpatulong ka na diyan sa kapatid mo,” Tanong ni Nanay Victoria kay Vince. “What’s goin on?” nagtatakang tanong ni Vina. “Masyado ka kasing busy sa mga friends mo hindi mo na alam na your kuya needs you, I’m planning to propose kay Roxanne tomorrow night and I guess matutulungan mo ako para i-set yung place para mas maging romantic and memorable pwede ba?” kunyaring nagtatampong tanong ni Vince sa kapatid. “Are you sure kuya? I mean hindi masyadong mabilis siya na ba talaga ang gusto mong makasama for life?” sunod- sunod na tanong ni Vina sa kapatid sa pagkabigla. “Of course it’s been two years since naging girlfriend ko si Roxanne and I guess it’s enough time para mag level up ang status namin,” nakangiting sagot ni Vince sa kapatid. “Okay what do you want me to do?” tanong ni Vina na hindi maipahalatang napipilitan hindi kasi niya gaanong gusto si Roxanne para sa kapatid may iba siyang pakiramdam dito pero siyempre hindi niya iyon pwedeng sabihin sa kapatid at ayaw niyang maging dahilan pa siya para mag isip ito ng kung anu-ano. “Umupa naman ako ng mag organize ng event pati ng place pero siyempre iba kahit paano kung may suggestion from you baka mas gumanda di ba? I’ll give you the number ng event coordinator then i-remind ko siya na whatever suggestions from you ay i-consider okay?” detalye ni Vince kay Vina. Pilit na ngiti ang itinugon ni Vina sa nais ng kapatid hindi niya malaman kung bakit tila kay bigat ng loob niyang tumugon sa hinihiling ng kapatid ngunit kitang kita niya kung gaano ito ka-excited sa suprise  engagement para sa nobya kaya sinarili na lang ni Vina ang nararamdaman. Kinabukasan ng tanghali ay personal na nagtungo si Vina sa lugar kung saan gaganapin ang suprise engagement party ng kanyang Kuya Vince inabutan niya na abala sa pag aayos ang baklang event coordinator na ni Kirby agad siyang lumapit at nagpakilala dito. “Ay naku sister you look so pretty just like your yummy Kuya Vince kung bakit naman kay agang magpapatali ng kapatid mo malamang maraming mga girls out there ang manghihinayang,” hindi napigilang komento ni Kirby kay Vina. Natawa lang si Vina sa pagiging prangka nito.  “Uou can take a look sa aming pine-prepare if you have any suggestion feel free to say it honey and I’m very much willing to considerer it,” maarteng litanya ni Kirby habang tumitikwas pa ang kamay sa pagmumwestra kung saang gawi sila ng restaurant pupunta. Nang makitang  elegante ang taste ni Kirby sa pagkakaayos at kumbinasyon ng kulay na ginamit ay wala na halos nasabi si Vina maliban sa bulaklak na ilalagay sa bawat table at bouquet para kay Roxanne. “Good luck Kirby sa mga next clients mo I’m sure masa-satified sila kasi thumbs up talaga ang choice ng theme at style mo pagdating sa pag aayos ng place bagay na bagay sa event hindi chipipay ang dating,” matapat na komento ni Vina na nagpangiti kay Kirby. “Touch naman ako girl magdilang anghel ka sana at ng marami pang raket ang dumating sa akin,” sagot ni Kirby kay Vina. “Inform ko na si Kuya Vince na all set na kayo dito,” nangiting paalam ni Vina bago tuluyang nagpaalam kay Kirby. “Yes girl thank you and nice meeting you,” nakangiting sagot ni Kirby. Pagkaalis sa lugar ay agad tinawagan ni Vina ang kanyang kuya para ipaalam dito na okay na ang place. “Are you sure? sige kinakabahan ako pero siyempre I want all of you you to be there samahan mo sina Mama at Papa mamaya mga seven ng gabi andoon na kayo ha,” paalala ni Vince kay Vina. “Yes kuya huwag mo na kami masyadong alalahanin see you there mamaya,” paalam ni Vina sa kapatid. Bantulot man ay wala sa loob na hinayaan na lang ni Vina  na makiayon sa nangyayari kasama ng kanyang mga magulang ay nagtungo silang muli sa  Rustica’s Restaurant kung saan napiling mag propose ni Vince. Tahimik at elegante ang lugar pawang mga piling kaibigan at pamilya lamang ang naroon at matiyagang nag iintay upang saksikan ang surprise proposal ni Vince sa nobya. Pagdating sa lugar ay nagulat si Roxanne na makitang naroon ang ilang mga kakilala ang buong akala nito ay nagkataon lamang na nagkita kita sila doon inaya kasi siya ni Vince na mag dinner para sa selebrasyon ng kanilang anniversary ngunit ng maupo na sila sa mesang nakareserved para sa kanila ay biglang tumugtog ang paborito nilang awitin matapos ay bigla nag flash sa malaking screen ng tv ang mga pictures nila together ni Vince. Gulat na gulat si Roxanne na hindi makahuma sa nangyayari sa paligid, “ Wow you’re so so amazing you never failed to  suprise me!” naiiyak na wika nito kay Vince sabay yakap sa nobyo. Wala sa loob ni Roxanne ang nagaganap ng gabing iyon hindi siya handa lalo na ng mag salita si Vince. “Some say love is a feeling, some say love is a dream, but for me love is you.....you bring happiness in my world and you share my pain with your heart you make me perfect and without you I am nothing. I want to spent my life loving you and I want this day to be remembered as our engagement day?” Buong pagmamahal na wika ni Vince kay Roxanne. “Uhhmmmm....I’m really suprise hindi ako ready sa ginawa mo na ito honey I love you.... I love you so much but I want to be honest with you I am not yet ready to commit whole heartedly I still want to fulfill my dreams to be with my mom sa US.....I’m sorry but if you could wait just a couple of years we can push this engagement,” bantulot na sagot ni Roxanne. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Vince hindi niya inasahan na ganoon ang magiging sagot sa kanya ni Roxanne oo nga at hindi ito diretsahang tumanggi ngunit sa paraan ng naging sagot nito ay parang ganoon ang naging dating sa mga naroong panauhin. Lahat ay tila nagpapakiramdaman ang ilan ay hindi na nagawang tapusin ang pagkain at mabilis na ring nagpaalam kina Vince samantalang parang kinurot naman ang puso ni Vina para sa kapatid ang kaninang nakikita niyang saya sa mukha nito ay napalitan ng lungkot at alam niya na pilit itong nagpapakatatag sa harap ng lahat ng mga oras na iyon. Ang masayang okasyon na inaasahan ng gabing iyon ay tila naging napakapormal na hapunan na lamang ang mga panauhin wala na halos makakibo at parang sinisilihan sa kanilang upuan at mas pinili na lamang na mag paalam. Pigil ang kinikimkim na emosyon ay sinikap pa rin na magpaka maginoo si Vince na hayaang makaalis lahat ng bisita at piliing  ihatid si Roxanne sa kanilang bahay sa kabila ng naging tugon ito sa kanya. “I’m sorry honey if I spoiled this night pero ayokong magsinungaling sayo o paasahin ka sa harap ng ibang tao I’ll stick with my decision if you can wait for me sa pagbalik ko then we can push the plan of getting married.” Muling hirit ni Roxanne bago bumaba ng sasakyan. “Let talk about it later huwag na muna ngayon I hope you understand how I feel right now.” Tugon ni Vince sa nobya. Iyon ang naging huling pag uusap ng dalawa at mabilis ng pinaharurot ni Vince ang sasakyan palayo sa bahay nila Roxanne. Natagpuan na lamang niya ang sarili na nasa loob ng isang bar at nagpapakalango sa pag inom ng alak hindi niya matanggap ang nangyari ng gabing iyon. Uhhmmmm....I’m really suprise hindi ako ready sa ginawa mo na ito honey I love you.... Ilove you so much but I want to be honest with you I am not yet really to commit whole heartedly I still want to fulfill my dreams to be with my mom sa US  I’m sorry but if you could wait just a couple of years we can push this engagement, sagot ni Roxanne na paulit ulit umuukilkil sa isip ni Vince. “Hello pare andito ko sa Lei’s  Bar and Resto baka gusto mo kong puntahan dito,” imbita ni Vince kay Zandrei na bestfriend niya. “Sige pare susundan kita diyan,” sagot ni Zandrei na nag aalala para sa kaibigan nasaksihan niya kasi kung paano nag turn down si Roxanne sa proposal nito at alam niyang labis nitong dinamdam ang nangyari.  Halos kalahating oras na biyahe bago siya makarating sa sinabing lugar ni Vince si Zandrei mabilis siyang nagtungo sa loob ng bar at agad hinanap ng kanyang mata kung saang mesa nakaupo ang kaibigan. Natanaw niyang nasa pinakadulong mesa ito at mukhang hindi na makagulapay sa kalasingan hindi naman kasi ito sanay uminom mabuti na lamang at hindi niya dinala ang sasakyan para kasing nakikini kinita na niya ang kalagayan ng kaibigan kaya’t inalalayanan na lang niya ito para makalabas ng restobar at maiuwi sa bahay nito. “Salamat Zandrei mabuti nalang at bago nawala sa wisyo itong kaibigan mo ay natawagan ka at nalaman mo kung saan umiinom kung hindi baka doon na siya nakatulog,” wika ni Nanay Victoria na nag aalala para sa anak na alam niyang masama ang loob sa nobya kahit na hindi ito magsalita.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD