“BAKIT hindi pa rin siya nagigising, Doc?” Unang narinig ni Amanda mula sa pagkakahimbing. Boses iyon ng lalaking nakatayo sa gilid niya. “Donʼt worry, Luke. She will wake up eventually. Tinanggal ko na rin ʼyong dextrose niya. Talagang matindi lang ang dehydration ng katawan niya,” sagot pa ng isa pang papalayong tinig, lalaki rin ang boses. Nang iminulat ni Amanda ang mga mata ay wala na ang mga taong nagmamay a*i ng mga tinig. Dahan-dahan niyang inilibot ang paningin. Puro asul ang mga nakikita niya sa kuwartong iyon. Maliban sa hinihigaan niyang kama na puti ay asul din ang comforter na nakakumot sa kanya. Printed na blue at light blue checkered ang design. Both walls and ceiling are also painted with blue. Sa tabi ng kama ay may kulay sky blue na night table. Tanging maliit na ala

