Chapter 39

1124 Words

NAGKAMALAY si Amanda na nakaupo sa isang silya at parehong nakatali ang mga paa at kamay. Maging ang kanyang mga mata ay may piring. Pinakiramdaman niya ang paligid at buong tapang na nagsalita sa hangin. “M-may tao ba dʼyan?” Walang natanggap na sagot si Amanda at tanging tinig lamang niya na um-echo ang kanyang narinig. “P-pakiusap, t-tulungan niyo ako!” muling sambit niya. Muli ay wala siyang natanggap na sagot. Natigilan lamang siya nang makarinig ng kaluskos kasunod ng biglang pagkalabog ng isang bagay. Tila ba isa iyong bakal na tubo na bumagsak sa kanyang harapan. Dahil sa gulat ay halos mapatalon na ang dalaga. Kulang na lang ay lumabas sa kanyang dibdib ang puso sa sobrang kaba. Pinanlalamigan na rin siya ng mga palad. “P-please... K-kung sino ka man, h-huwag mo akong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD