“AMANDA, sandali!” Sapo ang ulong tumatakbo si Luke patungo sa direksyon ni Amanda. Hindi niya inasahan ang ginawang pagpukpok nito sa kanyang ulo gamit ang vase. Sumakay na ito ng elevator nang muli niyang sulyapan ang babae. Lumipat siya sa kabilang elevator at sunud-sunod na pinindot ang pindutan ng elevator ngunit hindi na siya nag-aksaya pa ng ilang segundo upang maghintay na magbukas pa iyon kaya tinahak niya ang fire exit ng building. Nahuhulaan niya kung saan ang tungo ng babae. Kailangang maabutan niya si Amanda upang mailigtas ito mula sa nakaambang panganib sa tiyahin. Ang dalhin si Amanda sa Guimaras ang tanging makapagliligtas mula kina Elaine at Daniel. Dangan nga lamang na hindi agad niya nasabi sa dalaga ang bagay na iyon dahil wala pa siyang sapat na ibidensyang magpap

