“LUKE!” “I missed you too,” gagad ng binata sa kanya. Isang malakas na sampal naman ang pinakawalan niya rito at dumako iyon sa kaliwang pisngi nito na tila balewala naman kay Luke. Halu-halong kaba, relieve, inis at tuwa ang kanyang nararamdaman nang masilayan ni Amanda ang mukha ng binata. Pero syempre, mas pinangibabawan pa rin siya ng pagkainis sa binata kayaʼt walang pagdadalawang isip na pinaulanan ito ng hampas at suntok sa malapad na dibdib nito. “Damn you! Halos mamatay ako sa takot. Kulang na lang lumabas ang puso ko sa dibdib ko!” Patuloy pa rin siya sa paghampas dito. “Takot na takot ako. Akala ko talaga mamatay na ako sa pagkakataong ito. Akala ko katapusan ko na dahil... d-dahil wala ka para iligtas ulit ako.” Tuluyan na siyang napahagulgol. Kinabig siya ni Luke upang

