TANTIYA niya ay wala pang isang oras ay makararating na siya sa tinutukoy na address. Hindi naman siya estranghero sa lugar na iyon dahil minsan na rin siyang nagawi roon. Maraming establisyemento sa address na iyon gaya ng mga nagtataasang mga condominiums, mall at mga pasyalan. Nang matagpuan niya ang sinasabing convenience store ay ipinarada agad ni Amanda ang kotse sa harap nito. Hindi na siya nag-abala pang dalhin ang phone at iniwan na lamang iyon sa loob ng kotse sa pag-aakalang siya ay makababalik din agad. Dala ang pitakang umabot na nang dalawang taon sa kanya ay bumaba na siya mula sa dalang kotse saka sinigurong nakalock ang mga pinto niyon. Ngunit hindi pa man siya nakahahakbang palayo sa kotse ay may matigas na bagay siyang naramdaman sa kanyang tagiliran. “Huwag kang kiki

