“YSABELLE!” narinig niyang sigaw ni Luke sa kanya at saka mabilis na nag-dive sa tubig. Kaagad siya nitong iniahon sa tubig. Iniihit pa siya ng ubo nang makaahon dahil sa nainom na tubig. Inalalayan siya ng binata na makaupo sa batong pinanggalingan bago mahulog at saka ito naman ang umahon, umupo ito sa tabi niya. Pinilit niyang pakalmahin ang dibdib na taas-baba pa dahil sa nangyari. Hinawi at inipon niya sa dibdib ang buhok na nabasa. “Are you okay?” nag-alalang tanong nito. “O-oo. Nagulat lang ako sa bubuyog.” Yumukod siya upang pigaan ang dulo ng bestida. And itʼs already late when she realised of what she did. Siguradong umuwang ang neckline ng kanyang bestida nang yumukod siya at malamang ay nasilayan ng binata ang hinaharap niya. Kahit kasi may suot siyang bra ay maari p

