NAISIPANG sipatin ni Ysabelle ang kanyang noo nang mga oras na iyon. Hanggang ngayon kasi ay tanong pa rin niya sa sarili kung paano siya nagkaroon ng ganoong pilat. Sigurado kasi siyang nakuha niya iyon dahil sa isang aksidente. Hindi na kagaya ng dati ang pinsala sa kanyang noo unang beses pa man na kanyang masilayan iyon. Ngayon ay manipis na bakas na lamang ang naiwan doon. Tila maliit na peklat at kaya namang itago ng make up. Kung sino man ang nagtahi niyon ay napakahusay. Katok sa pinto ng kanyang silid ang nagpatigil kay Ysabelle mula sa ginagawa. Kasunod ng katok ay ang marahang pagpinid ng pinto, sumilip doon si Luke. Nang makita ang binata ay naalala niya ang plano. Balak sana niyang umiwas muna kay Luke at kung aayain man siya nitong muli sa bukid ay tatanggihan niya. Gu

