Chapter 12

1051 Words

KINABUKASAN ay isinama ni Luke si Amanda sa taniman nila ng mga gulay at mangga. Maingat siyang ibinaba ng lalaki mula kay Shadow. Unang beses niyang makita ang kabayo ay nabighani siya sa taglay nitong ganda. Puting-puti at napakakisig ng tindig. Hindi niya maiwasang haplusin ito sa ulo na tinanggap naman ng kabayo at mukhang nagustuhan din. Sabi pa ng lalaki sa kanya ay bibihira lang daw magkaroon ng kapalagayang loob si Shadow nang ganoon kabilis na panahon. Napangiti siya sa itinuran nito. Inilibot niya ang mga mata sa buong kapaligiran. Nakikita niya mula sa kinatatayuan ang napakalawak na taniman ng kalabasa. Nagkalat ang mga dilaw nitong bulaklak na animoʼy sadyang ikinalat sa malawak na lupain. Sabi ni Luke ay papasibol pa lang ang mga bunga ng mga kalabasa sa panahong iyon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD