Chapter 11

1263 Words

MARAHANG nagsalin ng wine sa kopita si Elaine. Kasabay ng marahang pagdaloy ng alak sa sariling kopita ay siya ring paglalaro ng mga masasamang plano sa utak ng babae. Matagal niya itong pinagplanuhan at pinaghandaan. Lahat ng pagtitiis at paghihintay ng tamang pagkakataon ay ginawa niya para huwag lamang mauwi sa wala ang mga pinaplano. Para sa kanya, ang araw na ito ay nakalaan upang itakda niya sa sarili ang alam niyang dapat ay para sa kanya. Marahan niyang sinimsim ang alak na isinalin at muling pinagnilayan ang mga magiging hakbang kapag hawak na ang pakay. Bumukas ang nag-iisang pinto ng kuwartong iyon at iniluwa ang isa sa kanyang mga tauhan. Mabilis ang hakbang na lumapit ito at may ibinulong dahilan upang ang hawak na kopitang may lamang alak ay maihagis niya sa ʼdi kalayua

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD