Chapter 10

1332 Words

MULA sa malawak na dalampasigan ay lumipad ang tingin ni Amanda sa pinto. Kasalukuyan siyang nakatayo sa balkonahe ng kuwartong kanyang inuokupa. Mula kasi sa balkonahe ay tanaw doon ang nangisngislap na dagat. Tanging kadiliman sa dagat at iilang poste lamang ang kanyang natatanaw doon. Pumasok sa silid na iyon si Luke na nakapamulsa. Tumikhim muna ito bago nagsalita. “Nakapagluto na ako ng dinner natin,” aya nito sa kanya. Tumango siya at sumunod dito. “Sana magustuhan mo,” sabi ni Luke habang ipinaghihila siya nito ng silya upang makaupo. Ngumiti siya rito at nagsimula nang sumandok ng pagkain. Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain ng hapunan nang bigla ay may naalala siyang itanong. “Anoʼng lugar pala ito? Ibig kong sabihin, nasaang parte ako ng Pilipinas?” tanong niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD