NAPABALIKWAS nang bangon si Amanda mula sa kanyang kama. Kaagad rin ang pagsigid ng kirot sa kanyang kaliwang balikat dahil sa ginawang pagbangon. Ang buong katawan ay nanginginig at nagbubutil na rin ang kanyang pawis sa noo. Hindi maganda ang kanyang naging panaginip dahilan upang magambala ang mahimbing na tulog ng dalaga. 'Luke...' Nais niyang sambitin ang pangalan ng binata ngunit dama niya ang panunuyot ng kanyang lalamunan. Nakaramdam siya ng panic nang hindi natagpuan ng kanyang mga mata ang lalaki. Ilang beses pa siyang lumunok bago sinubukang magsalita. “L-Luke...” Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto ng kanyang silid at bumungad ang binata. “Why? Are you alright? Masakit ba ang sugat mo?” tanong nito nang makalapit na sa kanyang kama. “M-medyo...” Ngayong nasa harapan n

