Chapter 43

1061 Words

MARAHANG iminulat ni Amanda ang kanyang mga mata na kaagad namang nagdulot sa kanya ng bahagyang pagkasilaw. Puting ilaw at puting kisame, iyon ang una niyang nabungaran. Ramdam niya ang pagkirot sa kaliwang pisngi dahil sa tinamong sampal mula kay Daniel. Maging ang kanyang balikat ay tila mapupunit sa sobrang sakit. Sandali siyang nag-isip kung nasaan siya at iniikot ang paningin. At nang dumako ang kanyang mga mata sa kamay na may nakasaksak na dextrose ay saka lamang niya napatunayang nasa hospital nga siya. Habang si Luke ay nasa kabilang bahagi naman ng kanyang kama at nakayukong natutulog. Ang isang kamay nito ay nakahawak sa kanyang kaliwang kamay. Muling lumitaw sa isip niya ang eksenang naganap bago ang aksidente. Sa naisip ay kaagad na nag-ulap ang kanyang mga mata at nang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD