NANG lingunin niya ang tiyahin ay naroon na sa tabi nito si Luke. Kaagad na nabuhay ang pag-asa sa kanyang puso. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod dahil kasalukuyang nag-aagawan sa baril ang dalawa. Mabilis ding napawi ang tuwang kanyang naramdaman nang makita ang sitwasyon ng dalawa. Pilit kinukuha ni Luke ang baril sa kamay ng kanyang tiyahin kaya kung saan-saan dumadako ang direkyson ng dulo ng baril. Napatakip ng bibig si Amanda dahil sa kabang nararamdaman. Takot na baka isa sa mga ito ang mabaril. “T-tita, sumuko ka na. May oras ka pa para magbago. Please! ʼWag mong sayangin ang buhay mo na puro galit na lang ang nararamdaman. Mahal ka namin ng papa. Pamilya tayo, hindi ba?” Totoo ang kanyang mga sinabi. Handa siyang patawarin ito. Kung anuman ang nagtulak dito upang gawin ang

