KAHIT anong pilit ni Rajed ay hindi na talaga niya makontrol ang kagustuhang lapitan si Regine kahit panay ang irap sa kanya ng dalaga. Ang pakikialam pa rin niya sa "sinampay" nito ang dahilan ng mga irap na tinatanggap niya. Lalo tuloy siyang naaaliw sa babae. "That's not fair," sabi niya pagkaupo sa tabi nito. "I was just trying to help. Ano'ng mali sa paglilipat ng sinampay sa mainit na lugar para matuyo?" Pigil na pigil niyang mapangisi. "Matutuyo 'yon kahit hindi ka nakialam!" bulalas ni Regine, parang lalong napikon sa ngiti niya. May mga namumuo nang luha sa sulok ng mga mata nito. "Nakialam ka na nga, nang-iinis ka pa!" "Maaga akong lumabas kaya wala akong nasalubong na tao. Wala rin akong nakasabay sa elevator going up kaya walang nakakita sa—" "Eeeh!" "Hindi ko rin na-check

