NAGTATAKA man ay napapangiti na lang si Regine tuwing bigla na lang sumusulpot si Rajed sa bawat lugar na pinupuntahan niya. Sa mga unang pagkakataon na pagpapakita nito ay naisip niyang sinusundan siya ng lalaki. Pero sa huli ay naisip niyang nagkakataon lang na naroon din si Rajed. Abala ito sa trabaho kaya imposibleng sinusundan-sundan siya. Isa pa, bakit naman nito iyon gagawin? Pero nang araw na iyon na bumulaga na lang si Rajed sa coffee shop kung saan sila nagme-merienda at nagtatawanan ni Kuya Moi ay nagtaka na talaga siya. Nauna kasi siyang tinawagan ni Rajed at tumanggi siya nang yayain siyang mag-coffee sila. Sinabi niyang may ibang lakad siya na hindi puwedeng i-cancel dahil nakapangako na siya sa taong kausap. Sinabi ni Regine kay Rajed na birthday ng kaibigan niya—si Kuya Mo

