Thirteen

3662 Words

NAROON si Rajed sa kanyang kuwarto at umiinom. Hindi totoong umalis siya ng condo. Binigyan niya ng instruction ang guwardiya na sabihin sa lahat ng bisita na wala siya sa kanyang unit. Kasama sa mga inaasahan niyang bisita si Regine na itinawag na ni Quiven na nagpunta sa bar. Hindi muna niya gustong harapin ang dalaga. Halo-halo ang kanyang nararamdaman. Hindi lang ang eksena sa coffee shop na nagpainit sa ulo niya ang nasa isip. Marami pang iba, kasama na roon ang tawag ni Antonn. Masayang ibinalita ng best friend na ilang buwan na lang ay babalik na ito sa Pilipinas for good. Gusto niya iyon pero hindi alam ni Rajed kung paano titingnan ito nang deretso sa mga mata gayong alam niya sa sariling hindi siya naging tapat sa kaibigan. Dapat ay matagal na niyang inamin kay Antonn ang totoo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD