NATALIA’S POV Nilinis ako ang bawat sulok ng kwarto ko. Gusto kong maayos lahat sa pagdating ng anak ko. Inabala ko ang sarili ko sa paglilinis, iyon lang ang pwede kong gawin ngayon. Iyong paghahanap ko ng trabaho, hindi ko muna siya magagawa ngayon, lalo na at may banta sa buhay namin. Hiling ko sana mahuli na ang tatay ni Penelope, para mapanatag na kami. Sana mabawi na si Mama Luisa. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Tita Jaycee na maaring ako rin ang dahilan kung bakit nawawala ang kapatid niya. Alam kong hindi siya magagalit sa akin pero hindi ko pa rin mapigilang makonsensya. Ang dami na palang taong masyadong naapektuhan dahil sa nagawa ko. Tapos ako pa iyong walang alam sa mga nangyayari. Kaya ngayong sinabi na sa akin ni Apollo ang lahat, hindi na ako naguguluhan sa la

