NATALIA’S POV Naramdaman kong niyakap din ako ni Apollo. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakita ko siyang nakangiti sa akin. Maging ang mga mata niya ay ngumingiti rin. “I hate you. I hate you. I hate you so much,” paulit-ulit na saad ko pero natawa lang siya. Mabilis kong pintakan ng halik ang mga labi niya. I don’t hate him. I love him and I am thankful. At base sa ngiti niya, gets niya ang ibig kong sabihin. Alam niya kung ano ang tunay kong nararamdaman. Tumitig ako sa gwapong mukha niya. “Thank you so much…” Muli kong pinatakan ng halik ang labi niya. Hinabol pa niya ang labi ko pero umiwas ako sa kaniya kaya natawa na lang siya. “Don’t worry about me, mabigat pa rin ang dibdib ko pero okay lang ako,” paninigurado ko sa kaniya para huwag na siyang mas mag-alala pa sa akin.

