NATALIA Hinawakan ko ang kamay ni Lola Hera. “Lola, okay lang po ako. Masaya po ako ngayon,” malambing na saad ko sa kaniya habang nakangiti ako. Hindi ko alam kung paano niya nasabing nawala na ang kislap ng mga mata ko. Siguro hindi na ako gaya ng dati na masyadong madaldal at maraming kwento sa kaniya pagbungad ko pa lang sa tuwing pupunta ako dito. Ngumiti siya sa akin. “Nanghihinayang ako sa inyong dalawa, pero ganoon siguro talaga. May mga bagay na hindi pwedeng ipilit kahit sa tingin natin bagay. “ Ginagap niya ang mga kamay ko. “Basta lagi mong tatandaan. Lagi kang welcome sa pamilyang ito. Pasensya ka na rin sa nangyari noong nakaraan. Matanda na kasi kaya minsan, pumapalya na ang utak ko.” “Lola, okay lang po. Gusto ko ring magpasalamat sa inyo, kasi love na love n’yo pa ri

