Chapter 19

1867 Words
Ava's POV. Tatlong taon mula nang umalis si Enzo, ako na ang batas sa Iconic Financial Group. Ang conference room sa 10th floor ay parang arena, pero walang tunay na laban. Isang tango ko lang, at nagkakandarapa na silang sumang-ayon. Isang tingin, at alam na nilang huwag akong kontrahin. “Siguraduhin n’yong nasa akin ang final approval bago ‘to lumabas,” sabi ko, hinahagod ang silk sleeves ng aking blazer. Walang umimik. Maliban kay Adrian. “Sigurado ka bang gusto mong gawin ‘yan, Ava?” May ngiti siya, pero ang titig—may tinatago. “May duda ka?” Matalim kong sagot. Ngumisi siya. “Wala. For now.” Hindi ko pinansin ang kilabot sa batok ko. Adrian was a nuisance, not a threat. Pero nang magbukas ang pinto, lumakad papasok ang isang hindi pamilyar na senior executive. Ang mundo ko’y matibay at walang basag—pero sa araw na iyon, nagkaroon ito ng unang bitak. Sa unang pagkakataon, may isang taong hindi natakot sa akin—at hindi si Adrian yun. Ang tunog ng stilettos niya sa marble floor ay parang isang metronome—mabagal, matalim, walang alinlangan. Celeste Navarro. Alam ko ang pangalan bago ko pa siya nakita. Isang high-level executive mula sa isang international firm. Pero ang hindi ko alam? Hindi lang siya basta matalino. Tuso siya. Kasing tuso ni Regina. “I like your style, Ava,” aniya, nagbaba ng baso ng tubig sa harapan ko. “Pero kailangan mong matutong makipaglaro.” Kumunot ang noo ko. “At ano sa tingin mo ang ginagawa ko?” Ngumiti siya. Hindi mabait. Hindi rin mapanlait. Isang ngiti na tila nagsasabing alam niya ang hindi ko alam. “Sa larong ito,” aniya, habang nakatingin ng diretso sa akin, “hindi lang utak ang kailangan mo. Kailangan mo rin ng tiyaga.” Para siyang isang makina—hindi natitinag, hindi sumasabay sa hangin ng kumpanya. At doon ko lang naisip—hindi siya pumunta dito para makisama. Pumunta siya para makuha ang lahat. Untouchable ako. Alam ko ‘yan. Pero nang araw na iyon, unang beses akong nagduda. Celeste was winning—one deal at a time. Regina noticed. And I did, too. Ang ballroom ay puno ng halakhakan, tunog ng kristal na baso, at amoy ng mamahaling alak. Pero sa sulok ng exclusive corporate gala, isang pag-uusap ang hindi dapat marinig ng iba. Tumigil ako sa likod ng kurtina, ang hintuturo ko’y nakahawak sa baso ng champagne na hindi ko na matandaan kung kailan ko huling tinikman. “She’s good,” ani Celeste, ang tinig niya’y kalmado pero may bahid ng kumpiyansa. “But, she’s still predictable.” Napalunok ako. “She’ll learn,” sagot ni Regina. “Or she’ll be replaced.” Napalalim ang paghinga ko. Naramdaman ko ang malamig na pawis sa batok. Celeste’s gaze shifted—deretso sa kinatatayuan ko. Isang segundo lang, pero sapat na. Alam niyang nandoon ako. At sa isang sulyap lang, ipinakita niya kung sino talaga ang may kontrol. Walang permanenteng kapangyarihan sa kumpanyang ito. At kung hindi ako mag-iingat—ako na ang susunod. Kung gusto kong manatili sa taas, hindi sapat ang pagiging matalino—kailangan kong matuto. Sa likod ng kurtina, mahigpit kong hinawakan ang baso ko. Ang champagne na dapat ay matamis, naging lasang metal sa dila ko. Matuto. Ano ang ibig sabihin ng matuto? Maging mas matalas? Mas mabangis? O matutong sumuko bago pa matalo? Biglang pumasok sa isip ko si Enzo. Tahimik pero matalim. Matalino pero walang laban. Isang piyesa sa laro na tinanggal nang hindi na kailangan. Ako rin ba iyon? Isang pawn na naghihintay itapon? Nagpantig ang tenga ko. Hindi. Dapat hindi lang ako matuto sa laro. Dapat ako ang maging laro. Ako ang magsusulat ng patakaran. At kung may kailangang alisin? Ako ang pipili kung sino. Dito nagsimula ang tunay kong laro. At sa larong ito—walang puwang para sa talo. Noong una, hindi ko iniisip ang power struggles. Akala ko, sapat na ang loyalty. Alam mo bang minsan lang ako nagtiwala? Nakatayo ako sa harap ng salamin sa restroom ng opisina, pilit ikinukubli ang panginginig ng kamay ko. Walang ibang tao, pero ramdam ko pa rin ang bigat ng alaala ni Ryan. Dati, siya ang mundo ko. Akala ko, walang puwang para sa kasinungalingan sa pagitan namin. Hanggang isang gabi, isang tawag, at isang malamig na boses ang nagpabagsak sa akin. "May gusto akong sabihin, Ava… pero baka mas mabuti kung hindi mo na lang malaman." Mali siya. Mas masakit ang hindi ko nalaman agad—na ako pala ang huling nakaalam. Kung ang isang taong minahal ko ay kaya akong ipagpalit, paano pa ang mga nasa opisina? Doon ko naintindihan—ang kahinaan ko noon ay ang paniniwala kong may mananatili. At doon nagsimula ang takot ko. Hindi ang mawala—kundi ang maging mahina. Isang gabi, sa fire exit, dumating ang taong hindi ko inasahang magpapatahimik sa isip ko. Malamig ang railing ng fire exit nang ipatong ko ang nanginginig kong kamay. Walang buwan, walang bituin—katulad ng walang kasiguraduhan sa mundo ko ngayon. Tapos na. Umalis na siya. Natapos na lahat. Isang kalansing ng tumbler ang pumukaw sa akin. “Ang hirap ‘no?” Napalingon ako. Si Enzo. Tahimik, walang emosyon sa mukha. Inilahad ang tumbler niyang palaging puno ng kape. Mapait akong tumawa. “Ano?” “‘Yung binigay mo ang lahat pero hindi ka pinili.” Hindi ako sumagot. Hindi ko kaya. Ngunit bago siya umalis, isang pangungusap ang iniwan niya sa akin—isang bagay na hindi ko malilimutan. “Hindi ka dapat matakot sa mga tao.” Lumingon siya, saglit akong tinitigan. “Dapat silang matakot sa’yo.” At sa katahimikan ng gabi, alam kong may binago siya sa akin. Doon ko lang naisip—baka hindi mali ang matuto. Baka kailangan ko lang matakot muna. Sa kabila ng lahat, sa kabila ng hindi ko inaasahan—umalis siya. Walang paalam. “Nasaan si Enzo?” Tahimik ang buong floor, pero sa loob ko’y may isang nagwawalang bagyo. Walang sumagot. Ang mga tingin ng mga tao ay nag-iiwasan, ang ilan may kaunting awa, ang iba’y tila natutuwa pa. "Nag-resign siya," sagot ni Jai sa wakas, marahang binitiwan ang salitang parang pinipili kung paano babasagin ang balita. Hindi ako gumalaw. Hindi ko alam kung paano gagalaw. Walang email. Walang message. Walang kahit anong hudyat. Para akong sinuntok sa sikmura. Isa na namang tao ang nawala nang hindi man lang lumilingon. Tama ako, hindi ba? Walang sinuman ang mananatili. Lahat sila, aalis kapag gusto na nilang umalis. At mula noon, tinanggal ko ang isang bagay na hindi ko dapat pinayagang mabuo—tiwala. Mula noon, hindi na ako nagtanong kung bakit. Hindi na rin ako naghintay. Tatlong taon ang lumipas, pero ang multo nila ay nananatili—hindi lumubog, hindi nawala. Sa bawat hakbang ko sa 10th floor, may anino ng kahapon na sumusunod sa akin. Si Ryan. Ang unang traidor. Ang una kong pinaniwalaan. Si Enzo. Ang nawala nang walang babala. Tumingin ako sa conference room kung saan nakaupo sina Regina at Adrian, nagtatawanan. Sa kabilang dulo, si Celeste—tahimik, nagmamasid. Tatlong taon ang lumipas, pero bumabalik silang lahat. At sa gitna ng lahat ng ito, isang pangalan ang bumalik sa isipan ko. Ryan. Tumingin ako sa kanya. Ngumiti siya—pamilyar, pero mas mapanlinlang kaysa dati. Akala ko tapos na ang laban. Akala ko wala nang babalik. Pero ito na sila—isa-isang bumabalik, may dalang mga lihim na maaaring sumira sa mundong itinayo ko. At ngayong nandito na sila… oras nang ipakita kung sino na talaga ako. Minsan, tinanong ko ang sarili ko—bakit hindi ko siya binigyan ng pangalawang pagkakataon? Nakatayo ako sa harap ng malaking bintana ng opisina, tanaw ang Makati skyline. Mula rito, lahat ng ilaw ay parang bituin sa lungsod na hindi kailanman natutulog. "Mukhang malalim ang iniisip mo." Napalingon ako. Si Ryan. Pinagmasdan ko siya—ang lalaking minsan kong minahal, at minsang muntik ko ng patawarin. "Kung babalik tayo sa noon, babaguhin mo ba?" tanong niya, nakapamulsa, may bahagyang ngiti. Napakapit ako sa baso ng alak sa mesa. "Anong babaguhin ko?" Hinakbang niya ang isa niyang paa, bahagyang lumapit. "Ako, Ava." Kung pinatawad ko siya noon, baka hindi ko naisipang tanungin ang sarili ko… kung bakit hindi si Ryan ang dapat nawala sa buhay ko—kundi si Enzo. At ang pinakamasakit? Ang sagot ay hindi ko pa rin kayang tanggapin. Hindi ko matakasan ang sakit. Kaya ginawa ko ang mas madali—nilunod ko ang sarili sa trabaho. “Ava, gabi na.” Hindi ko nilingon si Jai. Patuloy kong pinindot ang keyboard, ang mga daliri ko bumibilis sa pagtapos ng financial reports. Ilang tabs ang nakabukas sa screen, bawat isa may data na hindi ko na halos makita nang maayos. "May deadline ako," malamig kong sagot. Napabuntong-hininga siya. "Wala kang deadline, Ava. Ikaw ang nagbibigay ng deadline." Napahinto ako, pero saglit lang. "Tumigil ka na diyan," dagdag niya, nilapag ang Starbucks cup sa mesa ko. “Alam nating pareho kung anong tinatakasan mo.” Napatingin ako sa city lights sa labas. Sumasabay sa paggalaw ng traffic ang tahimik na gulo sa utak ko. Kung hindi ko sila maaalala, hindi nila ako masisira ulit. Kung hindi ko matakasan ang sakit, sisiguraduhin kong walang sinuman ang makakabasag sa akin. Ryan is back. Hindi bilang empleyado—pero bilang isang taong may gusto pang gawin. "Hindi mo ba ako pagbibigyan kahit isang kape lang?" Nakatayo siya sa harapan ko, nakangiti. Ang dating kumpiyansa niya, mas maingat na ngayon—parang sinusukat kung hanggang saan niya ako pwedeng lapitan. Ipinatong ko ang folder sa mesa, pinag-aralan ang mukha niya. "At anong gusto mong pag-usapan, Ryan? Ang mga bagay na tapos na?" Huminga siya ng malalim, pero hindi siya umatras. "Minsan mo na akong minahal, Ava. Alam kong hindi pa ‘yon nawala." Napalunok ako, pero hindi ko siya binigyan ng reaksyon. Hindi na ito ang unang beses na tinangka niyang bawiin ako. Pero ang mas masakit? Hindi rin ito ang unang beses na kinuwestiyon ko kung bakit hindi ako lumingon. Dahil sa pagitan ng galit at pagtatapos, may natitira pa bang puwang? Pero isa lang ang sigurado ako—hindi na ako ang Ava na iniwan niya noon. Hindi bumabalik ang mga tao nang walang dahilan. At si Ryan? May dahilan siya. “Sigurado kang wala kang tinatago sa’kin?” Napataas ang kilay ko habang pinagmamasdan si Ryan. Hindi siya agad sumagot, pero kita ko sa panandaliang pag-aalangan niya na may hindi siya sinasabi. “Wala, Ava,” sagot niya, pero hindi ko iyon pinaniwalaan. Pero hindi siya ang nagbigay sa akin ng sagot. Nalaman ko ito sa mas hindi ko inaasahang paraan—sa isang pormal na hapunan kung saan dumaan lang ako para magpakita ng mukha. Doon ko sila nakita. Si Ryan. At si Regina. Magkasama. Nag-uusap na parang matagal nang magkasabwat. Biglang nag-click ang lahat sa utak ko—ang biglang pagbabalik ni Ryan, ang paglapit niya sa akin, at ang palihim na pagmasid ni Regina. Hindi ito coincidence. Walang bumabalik nang walang kapalit. At kung si Ryan ang pain, sino talaga ang nanghuhuli?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD