Nakaupo ako sa opisina, walang ibang marinig kundi ang mahina kong paghinga. Wala akong gana magtrabaho. Wala akong gana sa kahit ano—dahil wala si Enzo.
Tumunog ang phone ko.
Ryan.
Mabilis kong sinagot, pero wala akong pasensya.
“Ava, kailangan nating mag-usap.”
“Wala akong panahon.”
“It’s about Enzo.”
Nanlamig ang katawan ko.
Napahinto ako, halos hindi makahinga.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko, bumigat ang boses.
Sa linya, narinig kong bumuntong-hininga siya.
“Tingnan mo ang email ko,” sabi niya.
Mabilis kong binuksan ang laptop, nag-scroll pababa.
Isang forwarded message.
Subject: "Confidential: Lorenzo Arceo’s Termination."
T*ngina.
Napalunok ako, pinilit kong basahin kahit nanlalabo na ang paningin ko.
“Put*ngina mo, Ryan,” bulong ko. “Paano mo ‘to nalaman bago ako?”
Ryan, mahina pero matigas ang sagot.
“Dahil may gusto silang pagtakpan.”
At doon ko lang napagtanto—hindi lang nila tinanggal si Enzo… may mas malalim pang dahilan kung bakit.
Hawak ko pa rin ang phone, pero pakiramdam ko nawalan ng tunog ang buong mundo. Hindi lang basta umalis si Enzo. Hindi siya basta tinanggal.
“Hindi siya basta-bastang umalis,” sabi ni Ryan, mahina pero matigas ang tono. “Regina played him.”
Nanigas ako sa upuan.
“Anong ibig mong sabihin?”
“She made him believe na kung hindi siya aalis, ikaw ang mawawala.”
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Put*ngina niya talaga. Anong ginawa niya?
Tumingala ako sa kisame, pilit na pinipigil ang galit na sumisirit sa katawan ko.
"Hinayaan niyang masaktan siya... para lang iligtas ako?"
Tahimik lang si Ryan.
Pero hindi ko na kailangang marinig ang sagot.
Alam kong totoo.
“Where is he?” tanong ko, malamig.
“Hindi ko alam.”
Pero may isang taong siguradong may alam.
Bumangon ako, dinampot ang phone at blazer ko.
"Hindi ako papayag na matapos ‘to nang ganito."
Kung may babangga kay Regina ngayon…
Ako ‘yon.
Tumigil ako sa paglalakad. Hindi ko na maalala kung paano ako nakarating sa hallway. Ang sinabi ni Ryan ay parang pumunit sa loob ko.
“She knew his weakness, Ava. Alam ni Regina na hindi niya hahayaang ikaw ang matanggal sa kumpanya.”
Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
"So sinakripisyo nga niya ang sarili niya?"
Hindi pa din sinasagot ni Ryan ang tanong ko.
Pero ang sagot ay wala sa salita—nasa bigat ng katahimikan niya.
“Yes,” bulong niya.
Napakuyom ako ng kamao.
“So ano? Tapos na ‘to?”
Huminga si Ryan nang malalim. “Ava, I don’t think he’s coming back.”
Pinilit kong huwag maramdaman ang sagot niya, pero ramdam ko kung paano bumigat ang dibdib ko.
Hindi ako naniniwala.
Hindi ganito dapat matapos ‘to.
“Kung hindi siya babalik… ako ang hahanap sa kanya.”
Dahil kung may isang bagay akong sigurado—
Yun ay ang hindi ko siya hahayaang mawala.
Napahawak ako sa sentido, pilit kinakalma ang sarili. Galit ako. Hindi lang sa kanila—kundi kay Enzo. Bakit siya nagpaapekto? Bakit siya umalis?
Hindi ko namalayan na bumibigat na ang paghinga ko.
Sa harap ko, nakalatag pa rin ang resignation letter niya—isang pahina lang, pero parang napakabigat.
Ito na lang ba ‘yon?
Ganito na lang ba ‘yon matatapos?
Alam kong hindi siya duwag. Pero bakit parang sumuko siya?
Pinisil ko ang papel, pilit na nilalabanan ang bigat sa dibdib ko.
Kung aalis siya… bakit hindi siya nagpaalam sa akin?
Bakit hindi niya ako kinausap?
Lunod na ako sa sarili kong galit.
At sa harap ng lahat ng ito, isang bagay lang ang malinaw.
Hindi pa tapos ang laban.
Kung akala ni Regina na tapos na ang laro, nagkakamali siya.
Pagkalipas ng isang oras, halos hindi ko na maalala ang mga ginawa ko. Lutang ako. Galit. Pagod. Hanggang sa may isang sobre na dumating sa desk ko.
Walang pangalan. Walang sender.
Napakunot ang noo ko. Ano ‘to?
Dahan-dahan kong binuksan ang sobre, mabilis ang pintig ng puso ko.
Isang puting papel, walang anumang logo.
At sa gitna ng pahina, tatlong simpleng salita na parang dinamita sa akin:
“You’re next, Ava.”
Nanlamig ang daliri ko habang hawak ang papel.
Sinulyapan ko ang paligid. May nagmamasid ba? May nakakita ba?
Pero walang kahit sinong lumilingon sa direksyon ko.
Mabilis kong tiniklop ang papel at isinilid sa ilalim ng keyboard ko.
Huminga ako nang malalim. Hindi nila ako kayang takutin.
Kung akala nilang kaya nila akong pabagsakin, nagkakamali sila.
Hindi ako susunod kay Enzo.
Kung may gustong lumaban sa akin…
then they better be ready to lose.
Hinayaan kong nakapatong ang mga daliri ko sa ibabaw ng keyboard, pero wala akong natapos na trabaho. Alam kong may ibang nakatingin sa akin.
May mga empleyadong nagbubulungan, halatang inaantay ang susunod na mangyayari.
Pakiramdam ko, bawat galaw ko ay sinusukat, bawat hininga ko ay binabantayan.
Lumingon ako sa paligid—walang lumalapit, pero ramdam ko ang bigat ng mga mata nila.
Parang may alam silang hindi ko pa alam.
Parang hinihintay nila ang pagbagsak ko.
Pinaglaruan ko ang sulat sa ilalim ng keyboard ko. “You’re next, Ava.”
Alam kong gawa ni Regina ‘to. O baka ni Adrian. O baka mas malala—baka hindi lang sila ang kalaban ko.
Huminga ako nang malalim.
Tumingala ako, hinarap ang mga matang nakatingin sa akin.
Ngumiti ako—hindi dahil gusto ko, kundi dahil gusto kong ipakita sa kanila…
I don’t break that easily.
Hindi na ako naghintay. Wala nang oras para mag-isip, wala nang oras para matakot. Dumiretso ako sa opisina ni Regina, habang hawak ko ang papel.
Binuksan ko ang pinto nang hindi kumakatok.
“Ano ’to?” singhal ko.
Itinapon ko ang papel sa desk niya.
Hindi siya natinag. Hindi man lang siya nagulat.
"It’s a simple reality check, Ava," kalmadong sagot niya, at kaswal na pinulot ang papel. "You have no allies left."
Naningkit bigla ang mata ko.
Madiin kong tinapakan ang sahig, pilit pinipigil ang galit.
“Hindi mo ako kayang ipitin ng ganito.”
Ngumiti lang si Regina, parang inaasahan ang sagot ko.
“Oh, but I already did,” aniya, habang inilalapag ang papel sa gilid.
"And if you don’t play my game, you’ll be out of here next."
“Then I’ll change the game.”
Tumawa bigla si Regina, mabagal at puno ng panunuya.
Sabay hinto.
“Try me.”
And I f*cking will.
Hindi ako kumurap. Para bang sa unang pagkakataon, narealize ko—ito ang sandali kung saan kailangan ko na talagang pumili ng panig.
Alam kong hindi lang trabaho ang nakataya.
Hindi lang reputasyon.
Lahat ng pinagdaanan namin ni Enzo—lahat ng sakripisyong ginawa niya para sa akin—nasa kamay ko ngayon.
Pero kung susuko ako…
Ano pang halaga ng lahat ng ito?
Tumingin ako kay Regina, at ngumiti siya, parang alam niyang natalo na ako.
"Fine," bulong ko, matigas ang boses ko. "I'll play."
Tumango si Regina, tila kontento sa sagot ko.
"Good girl," aniya, habang sumasandal sa kanyang upuan, at may isang panalong ngiti sa labi.
Ngunit habang nakatitig ako sa kanya, may isang mas malinaw na plano sa isip ko.
Hindi lang ako lalaban, sisirain kita mula sa loob.
Tumalikod ako, lumabas ng opisina niya nang hindi na lumilingon.
Regina thinks she won.
But this game isn’t over yet.
Not until I burn her empire down.