Ava's POV.
Pagkalabas ng conference room, tahimik kaming naglakad ni Enzo sa hallway. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin. Ang bigat ng mga salitang iniwan ni Regina.
"Aalisin mo ba ako?" tanong niya, direkta, walang halong biro.
Napahinto ako.
Umiwas ako ng tingin. "Hindi ko alam.”
Tsaka agad akong bumawi, kunwari hindi apektado.
”Tsaka bakit mo tinatanong sa akin ‘yan? Tayo ba?"
Sabay may sumabog na sigaw mula sa gilid.
"OOOYYYY!!" sigaw ni Jai, halos malaglag ang hawak na iced coffee. "Tayo ba daaaaaaw! Iba ka din lumandeee!"
Nilingon ko siya nang masama. "Jai, kung gusto mo pang mabuhay—"
"Anong drama 'to? Office scandal?" Patuloy niyang panunukso, nangingisi habang sumisipsip sa straw.
Napansin kong hindi sumagot si Enzo. Hindi rin siya mukhang naiinis—para bang may ibang bagay siyang iniisip.
At doon ako nakaramdam ng kaba. Bakit parang may binabalak siya?
Hindi lang trabaho ang nasa alanganin.
Kung pipiliin ni Enzo si Regina…
Baka hindi lang siya mawala sa kumpanya—baka mawala rin siya sa akin.
Mig's POV.
Nakatambay ako sa IT department, iniinom ang pangatlong kape ngayong araw, habang nakatingin sa security logs ng server. May kakaibang galaw sa internal system.
Habang sinusuri ko ang logs, isang real-time SMS intercept ang lumabas sa screen ko—isang text na ipinadala kay Ava.
"Kapag hindi mo pinigilan si Enzo, ikaw ang mawawala."
Napakunot-noo ako.
Si Ava, napalunok. Si Enzo, hindi napansin ang reaksyon niya.
Pinindot ko ang keyboard, sinubukang i-trace ang sender, pero wala. Malinis. Parang alam ng nagpadala kung paano magtago mula sa cybersecurity system ko mismo.
"Sh*t," bulong ko, tumingkayad sa upuan.
Tiningnan ko ulit ang feed.
Tahimik si Ava.
Si Enzo naman ay clueless.
Pero sa ekspresyon ni Ava—may bumabagabag sa kanya.
Kung tama ang hinala ko, may isang taong gustong paghiwalayin sina Ava at Enzo.
Nasa harap ko ang CCTV feed ni Regina at Enzo. Pinanood ko kung paano siya tinawag sa opisina, habang ako naman ay mabilis na nagre-record.
Kalmado si Regina, may hawak na confidential file, at iniabot ito kay Enzo.
"Akala mo ba ako ang boss dito?" bulong niya, kasabay ng marahang pagpatong ng braso sa balikat ni Enzo. Akmang inaakit.
Hindi gumalaw si Enzo.
Ngumiti si Regina. "Hindi, Enzo. May mas mataas pa sa akin."
Nakita kong bahagyang kumuyom ang kamao ni Enzo.
“Sino?” tanong niya, malamig.
Napangiti ulit si Regina, tila ini-enjoy ang tensyon.
"Sino sa tingin mo ang nagpapatakbo ng lahat? Sino ang tunay na naglalagay ng mga pawn sa larong ito?"
Tahimik lang si Enzo, halatang nagdududa.
At doon, inilabas ni Regina ang isang lumang larawan.
Mabilis kong minaximize ang CCTV feed para makita ang larawan.
Isang grupo ng executives.
At isang hindi ko inaasahang mukha.
"Sh*t," bulong ko. "Anong ginagawa niya diyan?"
Tinitigan ko ang CCTV feed, napapikit ako sandali habang iniisip kung anong impyerno na naman ang binuksan ni Regina. Isang larawan lang, pero halatang nagbago ang laro.
Sa screen, nakita kong napatigil si Enzo. Kita ko kung paano nagdilim ang mga mata niyang nakatutok sa larawan ng isang matandang lalaki.
"No f*cking way," bulong niya na halos hindi lumalabas ang boses.
Bago pa siya makagalaw, bumukas ang pinto.
Humihingal si Ava.
“Enzo—umalis ka d’yan.”
Napabitaw si Regina kay Enzo, pero hindi pa rin siya nawalan ng kumpiyansa.
“Huli ka na, Ava.”
Hindi siya sumagot, hinawakan lang ang braso ni Enzo, pilit siyang hinihila palayo.
Pero sa ekspresyon ni Enzo, alam kong may iniwan nang duda sa isipan niya si Regina.
At ‘yun ang gusto niya.
Hinawakan ko ang headset at huminga nang malalim.
Kung hindi kami kikilos ngayon, baka hindi na namin mabawi si Enzo sa larong ‘to.
Regina had already won this round.
Sa loob ng server room, nakatutok ako sa live CCTV feed ni Regina. Tahimik pero matindi ang tensyon sa opisina niya.
“So ano, Enzo?” tanong ni Regina, kalmado pero may bahid ng panunukso. “Sasama ka ba sa akin, o pipiliin mo silang lahat?”
Naningkit ang mata ko habang tinititigan ang screen.
Lalong lumapit si Regina, kinuha ang kamay ni Enzo—at ipinahawak ang kanyang dibdib, habang diretsong nakatingin sa mata niya.
“Plus, you can have me.”
Napamura ako, halos mabulunan sa iniinom kong kape.
"Ano ‘to, corporate seduction?!" bulong ko sa sarili ko.
Si Ava, hindi gumalaw, pero ramdam ko ang tensyon sa katawan niya.
Si Enzo, hindi ko mabasa.
Pero isang bagay lang ang sigurado—Regina knows exactly what she’s doing.
Pinanood kong mabuti si Enzo.
Tatanggapin ba niya ang alok?
O pipiliin niyang bumangga kay Regina—kahit alam niyang walang sino man ang nananalo laban sa kanya?
Pinanood kong mabuti si Ava—kung paano siya nanigas, kung paano nagdilim ang tingin niya kay Regina.
T*ngina, may sunog na nagsisimulang lumiyab.
At hindi ko alam kung sino ang unang masusunog.
Enzo's POV.
Tumingin ako kay Ava. Hindi siya nagsalita, pero alam kong may gustong sumabog sa kanya. Nagmamakaawa siyang huwag akong pumayag. Pero bakit?
"Bibigyan kita ng isang araw para magdesisyon," dagdag ni Regina, mabagal at tiyak ang tono.
"Pag-isipan mo, Enzo. You can be more than this. You can have all you want."
Alam kong nilalaro niya ako. Alam kong ito ang pinakadelikadong patibong na pwede niyang ibigay.
Pero ang tanong…
Bakit parang gusto kong marinig kung ano pang kaya niyang i-offer?
Tumikhim si Ava, hindi na nakatiis.
"Enzo, tapos na tayo rito," madiin niyang sabi.
Ngumiti si Regina, hindi bumitaw ng tingin sa akin.
"May kayo ba, Ava?"
Nag-freeze si Ava.
Put*ngina.
Hindi basta tanong ‘yon—isa itong bitag.
Alin ang mas malaking pagkakamali—ang tanggapin ang alok, o ang tanggihan ito?
Tumingin ako kay Ava, tapos kay Regina.
Alam kong hindi ito simpleng corporate war.
Kung pipili ako ngayon, hindi lang trabaho ang mawawala sa akin.
Mig's POV.
“Enzo, tapos na tayo rito.”
Naka-slouch ako sa upuan, habang pinapanood ang CCTV feed nang biglang…
“May kayo ba, Ava?”
"WOAHHHH! BARS!"
Hindi ko kinaya ang eksena sa opisina ni Regina—kaya napasigaw ako.
Nakita kong mabilis na lumabas sina Ava at Enzo.
Si Ava, tahimik pero kita mong kumukulo.
Si Enzo, as usual, poker face.
"Anong iniisip mo?" tanong ni Enzo.
Lumingon si Ava, matalim ang tingin.
"Anong iniisip mo?! Gusto mo ba siya?!" balik niya.
Napahalakhak ako. Sh*t, parang gusto ko ng popcorn.
Pero bago pa makasagot si Enzo…
"Anong balak mo, Enzo?" nakangising tanong ni Adrian.
May hinala akong matagal niya nang hinihintay ang moment na ‘to.
"Kakampi ka ba sa amin… o susunod ka na sa yapak ni Regina?"
“Kakampi sa amin?! Akala ko ba kakampi mo si Regina?” nalilitong tanong ni Enzo.
Humigop ako ng kape, masyadong mabilis ang plot twist para sa utak ko.
Pero isa lang ang sigurado—kung may gagawing mali si Enzo, ito na ‘yon.
Nakatayo lang sina Ava, Enzo, at Adrian sa gitna ng hallway, pero walang gustong unang gumalaw.
"Anong balak mo, Enzo?" ulit ni Adrian, hindi inaalis ang nakakalokong ngiti.
Hindi sumagot si Enzo. Tahimik. Pero ramdam kong bumibigat ang hangin.
Si Ava, nanatili ring tahimik, pero kita sa mata niya ang pag-aalinlangan.
Kung pipiliin ni Enzo si Regina, ano ang mangyayari kay Ava?
Humigop ako ng kape, sinubukang hindi mabuhos sa lapag.
Si Enzo, hindi pa rin kumikilos.
Gusto ko siyang sigawan sa monitor.
“Gumalaw ka, gago!” pasigaw na bulong ko, habang mabilis na nag-type ng command para mag-track ng anumang kakaibang system activity.
Pero isang bagay ang sigurado—may pipiliin si Enzo.
Hininaan ko ang volume ng feed.
Si Enzo, tahimik pa rin.
Pero sa loob niya, alam kong may sagot na siya.
Ang tanong lang… tama ba ito?
Enzo's POV.
Malamig ang hangin sa fire exit. Nakatingin ako sa lumang larawan na ibinigay ni Regina—isang mukha mula sa nakaraan ko na hindi ko inakalang babalik.
Pinagmasdan ko ang picture, dahan-dahang pinagdugtong ang mga piraso sa isip ko.
Regina played me well. Napakagaling niya.
Biglang bumukas ang pinto.
Alam ko na kung sino ang nasa likod ko.
Hindi ako lumingon.
“Tapos na ba ang drama mo?”
Bumuntong-hininga ako, pilit na iniiwasan ang sagot na gustong lumabas.
“Ano'ng ginagawa mo rito?” tanong ko, malamig ang boses.
"Hindi ko alam," sagot niya. "Siguro… gusto ko lang marinig ang desisyon mo."
Hawak ko pa rin ang larawan, pero hindi ko na ito tinitingnan.
Ang tanong lang…
Kaya ko bang piliin ang tama, kahit hindi ko alam kung ano ‘yon?
Limang taon na ang nakalipas. Nakatayo ako sa harap ng isang mahogany desk, hinihintay ang taong nagpakatawag sa akin—isang senior executive na hindi ko inasahan.
“Lorenzo Arceo,” malamig ang boses ng lalaki sa harapan ko.
Matalas ang tingin niya, parang sinusukat ako.
Sa mesa niya, may isang lumang larawan—isang grupo ng executives, pero isang mukha lang ang agad kong nakita.
Siya.
Ang taong sa buong buhay ko ay hindi ko kailanman naisip na magiging konektado sa akin.
"Hindi ko alam kung anong iniisip mo sa trabahong ito," aniya, kinuha ang larawan at ipinatong sa harap ko.
"Tumingin kang mabuti, Enzo."
Dahan-dahan kong sinulyapan ito.
Napatingin ako sa kanya.
"Bakit mo pinapakita sa akin ‘to?"
Ngumiti siya. "Dahil ikaw ang susunod na magiging bahagi nito."
No f*cking way.
Pinisil ko ang lumang larawan.
"Ano ng balak mo, Enzo?" tahimik pero matigas ang tono niya.
Tumingin ako sa kanya, saglit na nagduda.
"Hindi ko alam."
Nakatayo kami ni Ava sa fire exit, ang malamig na hangin ay hindi kayang palamigin ang tensyon sa pagitan namin. Galit siya. Hindi ko siya masisisi.
“So ano? Aatras ka na lang?”
Bumuntong-hininga ako. “Ava—”
“Put*ngina, Enzo!” putol niya, nagpanting na ang tenga.
“Lagi na lang kitang nilalaban, lagi akong sumusuporta sa’yo kahit hindi mo hinihingi. Pero ngayon, kapag ikaw na ang dapat lumaban… umaatras ka?”
Hindi ko alam kung dahil ba sa frustration o sa iba pang bagay, pero hindi ako nakatiis.
"Why do you care this much about me?"
Tahimik.
Tumitig siya sa akin, bumigat ang paghinga.
Tila gusto niyang sagutin ako, pero hindi niya kaya.
At doon ako natakot—dahil baka alam ko na ang sagot.
Tumingin siya sa sahig, saka marahang bumulong.
“Alam mo kung bakit, Enzo.”
At sa sandaling iyon, mas kinatakutan ko ang naramdaman ko kaysa sa desisyon ko.
Ava's POV.
Hindi siya sumagot. Hindi siya makasagot.
Si Enzo, na palaging may sagot sa lahat, na palaging may kasiguraduhan—ngayon, tahimik. At iyon ang kinaiinisan ko.
“Ano?” bulong ko, bumibigat ang boses.
Hindi siya tumingin sa akin.
“Mas mahalaga ba ang ambition mo kay Regina kaysa sa akin?”
Nakita ko kung paano bahagyang bumilis ang paghinga niya.
T*ngina, Enzo. Magsalita ka!
Pero wala.
At alam kong kung hindi siya sasagot… ako ang aatake.
Humakbang ako palapit, hindi ko na pinigilan ang sarili ko.
“Hindi ba?” tanong ko, mas malapit na ngayon.
Tiningnan ko siya nang diretso, sinusukat ang bawat galaw niya.
"O baka… natatakot ka lang?"
Nakita ko kung paano niya bahagyang kinuyom ang kamao.
Napikon ko ba siya?
Pero ang tanong… bakit?
Nagtagpo ang mga mata namin.
Sa pagitan ng galit, pagdududa, at hindi masabing salita—may isang bagay akong gustong itanong.
Ano ba talaga ako sa’yo, Enzo?