Chapter 15

1315 Words
Mig’s POV. Nakaupo ako sa isang madilim na cubicle, nakasandal habang pinapanood ang live CCTV feed sa conference room. Parang MMORPG game lang. Pero ang laban, totoo. Sa screen, nakita kong nakaupo si Regina, kalmado pero halatang nagkakalkula. Sa kabilang banda, sina Ava, Enzo, Ryan, at Adrian, parang mga piyesa sa chessboard. Ngumiti si Regina. “Maraming salamat sa inyong lahat sa pagpunta.” Pinalakas ko ang volume. “Pero bago tayo magsimula, may isang bagay tayong kailangang linawin.” Hinawakan ko ang tumbler ng kape ko, humigop habang pinapanood kung paano unti-unting bumibigat ang hangin sa loob ng conference room. May isang file akong binuksan sa laptop. Isang log ng data breach records—lahat ng access points, lahat ng galaw. Napangiti ako. Alam kong hindi pa nila naiintindihan ang buong laro. Hinila ko ang keyboard palapit, pinindot ang isang command. Kung akala niyong kayo lang ang nagmamasid… Nagkakamali kayo. Ako ang nagbabantay sa lahat ng ito. Hinipan ko ang ibabaw ng kape ko habang nakatutok sa screen. Tumayo si Regina, habang hawak ang isang folder. Ito na. Ang sunod na bitag ay bumagsak. “Dahil sa lumabas na impormasyon, kailangan nating malaman…” Binuksan niya ang folder, sabay pindot sa remote control. Sa screen, lumabas ang isang leaked email conversation. Tumaas ang kilay ko. Malinis ang gawa. Halatang may gustong ilaglag. “Sino ang nag-leak ng impormasyon?” Tumingin si Regina kay Enzo. “At bakit ikaw ang itinuturong responsable?” Napahigpit ang hawak ko sa mouse. Oh, sh*t. Kitang-kita ko sa screen si Enzo, hindi natinag pero halatang nag-iisip nang mabilis. Habang napakunot ang noo ni Ava, at nagtagis ang bagang. Itong si Adrian mukhang nag-eenjoy sa palabas. Akala mo talaga magaling. Sige pagbigyan kita, kwento mo yan eh. Si Ryan, walang ekspresyon. Pero, alam kong may isa pa kayong bagay na hindi pa nakikita. “System. Buksan mo ang raw metadata ng leaked email.” Kung totoo ang hinala ko… Hindi si Enzo ang target nila. Mukhang lumalakas pa ang tensyon sa conference room. Si Ava nanlalamig na. Si Enzo tahimik lang. Pero, itong si Regina? Feeling high and mighty ang pagkakangiti. Napatingin si Ava kay Enzo, ramdam ang pagdadalawang-isip. “Ano?” bulong niya. Hindi natinag si Enzo. “Hindi ako ang nag-leak,” madiin niyang sagot. Ngunit si Regina, bahagyang tumawa, tila aliw na aliw. “Sigurado ka ba?” Dahan-dahan niyang tinaas ang screen. Sa harap nila—isang signed memo mula sa dating CFO. “This data must remain confidential,” malinaw at mabagal na binasa ni Regina. “No one must see it—especially Lorenzo Arceo.” Nanigas si Enzo. Napahigpit ang hawak ni Ava sa upuan. Iminulat ko ang mata ko. “System. Maximize security logs window.” May isang bagay na hindi pa nila nakikita. At ako lang ang may access dito. Pinindot ko ang isang hidden file sa system. Kung mali ang hinala ko, tapos na ang laro para kay Enzo. Pero kung tama ako… Enzo’s POV. Ramdam ko ang bigat ng katahimikan sa loob ng conference room. Walang kumikilos, walang nagsasalita. Pero alam kong may isang tao rito na nananalo. Si Adrian, tahimik, pero may ngiti sa labi. Si Ryan, hindi gumagalaw, pero bakas sa mukha niya ang isang iniisip na hindi niya sinasabi. Si Ava, tila nawalan na ng sasabihin. Ako ang nasa gitna ng bitag. Kung matagal na itong plano, bakit ngayon lang nila ako tinira? Tiningnan ko ng diretso si Regina. "Kung gusto mo akong mawala, sabihin mo na lang," malamig kong sabi. Ngumiti siya. Hindi nanlilisik, hindi rin nagmamadali—kalmado, parang hawak pa rin niya ang laro. “Oh no, Enzo,” aniya, habang dahan-dahang siyang lumalapit, at biglang inilapit ang kanyang mukha sa akin. "Hindi kita gustong mawala." Lumayo siya, sabay sumandal sa upuan, nakangiti. “Gusto kitang sumali sa laro.” Nanlamig ang katawan ko. Ngayon lang ako nakasigurado—put*ngina, may mas malaking plano si Regina. Nanatiling tahimik ang conference room, pero ramdam ko ang tension sa bawat sulok. Si Regina, nakatingin sa akin, para bang siya lang ang may kontrol. "Enzo," aniya, dahan-dahang nilapag ang ballpen sa ibabaw ng mesa. "Alam mo bang matagal na kitang minamanmanan?" Hindi ako gumalaw. Hindi rin ako kumurap. "At bakit mo gagawin ‘yon?" malamig kong tanong. Lalong lumalim ang ngiti niya. “Dahil gusto kitang gamitin,” sabay tingin sa CCTV camera sa sulok ng silid. Sinundan ko ang tingin niya. Hindi ko alam kung pinapaalala niya lang na pinapanood kami ngayon, o may isang taong nakikinig sa bawat salita namin. “Ano’ng ibig mong sabihin?” singit ni Ava, pero hindi siya tinapunan ni Regina ng tingin. “Simple lang,” aniya, sumandal sa upuan. “Gusto kong malaman kung saan ka papanig, Enzo.” Napatitig ako kay Regina. Alam niyang hindi ako basta-basta bibigay. Pero kung tama ang hinala ko… Matagal na akong kasali sa larong ‘to—hindi ko lang alam. Mig's POV. Nakahalukipkip ako sa loob ng server room, pinapanood ang live feed ng conference room mula sa monitor. “Enzo, gusto kitang i-recruit,” sabi ni Regina, walang pag-aalinlangan. Napakunot-noo si Enzo. “Recruit? Para saan?” Regina, ngumiti, tila ini-enjoy ang palabas. “Para sa isang mas malaking laro,” sagot niya, sumandal sa kanyang upuan. “Isang mas mataas na level ng corporate politics—isang larong hindi mo pa naiintindihan.” Pinanood kong mabuti ang screen. Matalino ka, Regina. Ginamit mo pa talaga ang conference room para makipag-usap sa kanya, para iparamdam sa buong team mo ang lahat ng mga balak mo. Tumindig si Ava, halatang hindi makapaniwala. “Ano'ng ibig mong sabihin?” Regina, walang balak magsinungaling. Alam niyang nananalo siya ngayon. Napangiti ako, pero hindi sa tuwa. Kung matagal nang plano ito ni Regina… Paano kung ako rin, matagal nang bahagi ng laro niya? Enzo's POV. Pinagmasdan ko si Regina, ang paraan ng kanyang pagsasalita, ang tikas ng kanyang katawan—para bang alam niyang panalo na siya bago pa man magsimula ang laban. "Hindi lang ito tungkol sa kumpanyang ‘to, Enzo," aniya, marahang nilaro ang ballpen sa daliri niya. "Ang Iconic Financial Group ay isa lang sa maraming kumpanya na pinapagalaw ng LIMANG MAS MATAAS PANG TAO. At gusto kitang isama sa loob ng totoong power circle." Napalunok si Ava. “So gusto mo siyang kunin para maging tulad mo?” Ngumiti si Regina, ang mga mata niya ay punong-puno ng kumpiyansa. "Exactly!" Tumingin siya pabalik sa akin, parang sinusukat ang magiging sagot ko. "You're too smart to be wasting your time here." Sinandalan niya ang mesa, habang bumababa ang boses. "Bakit ka nagpapaka-martir sa larong alam mong hindi mo kayang baguhin? Sumama ka sa akin, Enzo." Tahimik akong nakatingin kay Regina. Ang mga mata niya, puno ng katiyakan. Pero ang tanong sa utak ko: Bakit ba talaga niya ako gusto? Tahimik ang buong silid. Walang naglakas-loob na magsalita. Hindi dahil wala silang gustong sabihin, kundi dahil alam nilang bawat salita ngayon ay may timbang. Si Adrian, nakasandal sa upuan, nagmamasid, isang misteryosong ngiti sa labi. Para bang ini-enjoy ang palabas. Si Ryan, hindi na makasabay sa bilis ng pangyayari, kita sa mukha niya ang alinlangan. Si Ava, pilit na hindi nagpapahalata, pero ramdam ko ang bigat sa dibdib niya. Naisip ko lang. May punto ba si Regina? Sa isang iglap, nagawa niyang iparamdam na hindi siya basta-basta. Na ako—na kami—ay wala sa level niya. Pero may isang bagay siyang hindi pa nasasagot. Tumingin ako sa kanya, malalim ang titig. "At kung tumanggi ako?" tanong ko, malamig ang boses. Ngumiti si Regina, bahagyang sumandal sa kanyang upuan. “Oh, Enzo,” bulong niya. “Kung tumanggi ka… siguraduhin mong kaya mong lumaban.” Dahil sa larong ito, walang pangalawang pagkakataon. “No choice,” bulong ko. “PUT*NGINA! Nagtatrabaho lang ako para makabayad ng monthly bills ko!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD