Chapter 13

1889 Words
Tahimik ang Old Records Room sa 10th Floor—masyadong tahimik. Ang sirang ilaw sa kisame ay kumikislap, nagbibigay ng eerie glow sa lumang mga filing cabinets. “Sigurado ka ba dito?” tanong ko, habang tinitingnan si Ava. “Wala na tayong ibang paraan,” sagot niya, pero kita ko sa mata niyang nag-aalangan din siya. Dahan-dahan kong itinulak ang pinto. Malamig ang hangin sa loob, amoy lumang papel at alikabok. Walang tao. Pero may iniwang isang sobre sa mesa. Lumapit si Ava, at dinampot ang sobre. “Anonymous sender na naman?” bulong niya. Tumikhim ako, nakikiramdam sa paligid. “Buksan mo,” utos ko. Hinila niya ang papel sa loob. Isang handwritten note—hindi printed, hindi official document. Tiningnan namin pareho. Nakasulat lang ang isang tanong: “Alam niyo ba talaga kung sino ang kalaban niyo?” Nagtagpo ang tingin namin ni Ava. Ito na ang red line. At sa loob ng kwartong ito… May nagmamasid sa amin. Tahimik kong tinapakan ang sahig, ramdam ang bahagyang pag-echo ng tunog ng sapatos ko. Sa sulok ng silid, may aninong gumalaw. Hindi kami nag-iisa. Nanigas si Ava sa tabi ko, dahan-dahang ibinaba ang hawak na note. Napalingon ako sa sulok ng silid—doon, sa pagitan ng lumang filing cabinets, may isang aninong gumalaw. Pumikit ako sandali, pilit pinapakalma ang sarili. “Lumabas ka.” Tahimik. Hanggang sa isang mabagal, matunog na hakbang ang bumasag sa katahimikan. Mula sa kadiliman, lumitaw ang isang pamilyar na silweta. Napahigpit ang hawak ni Ava sa papel. Hindi ako kumurap. Si Ryan. May nakasukbit na ngiti sa labi niya, pero walang halong saya. "Akala niyo ba kayo lang ang naghahanap ng sagot?" Tumingin siya kay Ava. Si Ava, napaatras. Ako, hindi gumalaw. Si Ryan, tahimik pero may kung anong bahid ng panunuya sa mata niya. “May gusto akong ipakita sa inyo.” Nakatayo si Ryan sa harap namin, nakasalampak ang isang kamay sa bulsa, ang kabila’y marahang kumakatok sa lumang filing cabinet. Tahimik, pero mapanganib. "Wala kayong idea kung anong laban ang pinasok niyo," aniya, mabagal pero may bigat ang bawat salita. Naningkit ang mata ni Ava. “Bakit? Ano'ng alam mo?” Umiling si Ryan, tumingin sa akin. "Ikaw, Enzo. Hindi mo ba naisip kung bakit biglang lumabas ulit ang pangalan mo?" Nanatili akong tahimik. Alam kong may susunod pa siya. "Bakit mo kami dinala dito?" tanong ko na may malamig na tono. Ngumiti lang si Ryan, pero walang init. "Dahil gusto kong malaman kung kakampi ko kayo, o kalaban." Napakunot-noo si Ava. "Kalaban saan?" Tumingala si Ryan, hinila mula sa kanyang bag ang isang lumang folder—mas makapal, mas luma kaysa sa anumang nakita ko noon. "Buksan niyo ‘to," aniya, iniabot ang folder kay Ava. “Diyan niyo malalaman kung sino ang totoo niyong kalaban.” At kung bakit, hanggang ngayon, hindi ako pwedeng magsalita. Nakatitig si Ava sa akin, pero hindi ako kumurap. Alam kong may hinahanap siyang sagot—isang bagay na hindi ko alam kung kaya ko pang itago. Dahan-dahang binuksan ni Ava ang folder, pilit na pinapanatili ang kamay niyang hindi manginig. Pinagmasdan ko ang reaksyon niya habang binabasa ang unang pahina. Napahigpit ang hawak niya sa papel. "Ano 'to?" bulong niya, halos hindi lumalabas ang boses. Bumuntong-hininga si Ryan. "Isang bagay na hindi niyo kailanman inasahan." Hinila ni Ava ang tingin sa akin, pero hindi ko siya masagot. Masyadong maraming pangalan, masyadong maraming detalye. Pero may isang linya sa dulo ng pahina. "Primary Witness: Lorenzo Arceo." Nanigas ako. Isang mas malaking sikreto ang pilit na itinago, at sa gabing ito, wala na akong pagpipilian. Lalabas ang katotohanan—kasama ako sa gitna nito. Malamig ang hangin sa Old Records Room, 10th Floor. Kahit walang bintana, pakiramdam ko’y may hangin na humahaplos sa batok ko—mabigat, hindi natural. Hindi kumurap si Ava, hawak pa rin ang papel. "Anong ibig sabihin nito?" Hindi ko alam ang isasagot. "Hindi mo ba talaga alam, Enzo?" seryosong singit ni Ryan. Tumingin ako sa kanya, kita ang bahagyang pagkunot ng noo niya. "Ryan," madiin kong sabi. "Wala akong naaalala." Ngumiti si Ryan, pero walang saya. "Sigurado ka ba?" aniya, habang humahakbang palapit. "Anong sinasabi mo?" putol ni Ava. "Ang ibig kong sabihin..." Huminto si Ryan sa pagitan namin. "Baka hindi lang ikaw ang nilalaro, Enzo." Tumingin siya kay Ava. "Baka tayong tatlo." Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Kung totoo ang sinasabi ni Ryan… May isang mas malaking kamay ang gumagalaw sa likod ng lahat ng ito. Tahimik na hinila ni Ryan ang isang silya at umupo sa harapan namin. Hindi siya nagmamadali. Hindi rin siya kinakabahan. Para bang alam niyang dapat siya ang may kontrol. “Hindi mo ba naisip kung bakit bigla akong bumalik sa kumpanyang ‘to?” tanong niya, nakatingin sa akin. Naningkit ang mata ni Ava. “Dahil desperado ka?” Ngumiti siya, pero walang halong amusement. “Dahil may bumubulong sa likod ng lahat ng ‘to.” Napatingin ako kay Ava, bago ako dahan-dahang nagtanong, “Sino?” Hindi agad sumagot si Ryan. Tumingin siya sa pagitan naming dalawa, halatang may pag-aalinlangan. “Ano, Ryan?” madiing tanong ni Ava. Huminga siya nang malalim. “Kung sasabihin ko, wala nang balikan.” Nagtagpo ang tingin namin ni Ava. Mas lumalim ang titig ko kay Ryan. “Wala namang atrasan mula sa simula, di ba?” Tumawa si Ryan, pero hindi nagbibiro. “Kung gano’n, tandaan niyo ‘to…” Napayuko siya, nagpakawala ng isang buntong-hininga. “Ang taong may hawak ng lahat… ay matagal nang nasa tabi niyo.” Tahimik ang buong silid, pero ramdam ko ang bigat ng bawat segundo. Ang bawat salita ni Ryan ay parang kutsilyong unti-unting hinihiwa ang katahimikan namin ni Ava. “Ava, Enzo… may nagmamanipula sa inyong dalawa.” Napatigil si Ava, ako naman ay nanigas sa kinatatayuan ko. "Anong ibig mong sabihin?" tanong niya, habang lumapit, at naniningkit ang mga mata. “Hindi lang si Regina.” Kumuyom ang kamao ko. “Kung may alam ka, sabihin mo!” Madiin na sabi ni Ava. Ryan, bumuntong-hininga, hinahaplos ang sentido. “Kahit sabihin ko… hindi kayo maniniwala.” Nagtagpo ang tingin namin. Hindi ako bumigay. “Subukan mo kaming sorpresahin,” sagot ko ng malamig. Tahimik na tumawa si Ryan, pero wala siyang bahid ng saya. “Okay, Enzo. Ikaw ang witness, pero hindi ikaw ang biktima.” Napatingin ako kay Ava. Siya rin ay biglang natahimik. Kung hindi ako ang tunay na target sa lahat ng ito… Si Ava ba? Dahan-dahang isinuksok ni Ryan ang kamay sa bulsa ng kanyang coat. Walang naglakas-loob magsalita. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mabagal niyang paghinga. Hinila niya palabas ang isang maliit na flash drive—itim, walang marka, pero alam kong hindi ito ordinaryong file. “Naka-store dito ang records ng mga confidential deals ng Iconic Financial Group…” Huminto siya, pinaglaruan ang device sa pagitan ng mga daliri. “…at ang papel ni Regina sa lahat ng anomalya.” Tahimik si Ava. "Pero…" Tumingin si Ryan sa akin, matagal, mabigat. Napakunot-noo ako. “…may isang pangalan pang kasama rito.” Napaatras si Ava, pero hindi siya kumukurap. Ramdam ko ang kaba sa katawan niya kahit wala siyang sinasabi. Napatingin ako sa flash drive. "Sino?" tanong ko, mabigat ang boses. Ryan, tumikhim bago bumulong, “Isang taong mas malakas pa kay Regina.” Nagtagpo ang tingin namin ni Ava. At sa sandaling iyon, alam kong hindi pa tapos ang laro. Tahimik na inabot ni Ryan ang flash drive sa akin, pero bago ko pa ito mahawakan, biglang nag-vibrate ang cellphone ni Ava—isang notification. Nag-vibrate ulit ang phone niya, pero hindi niya agad tiningnan. "Ava?" tanong ko, kita kong bumigat ang paghinga niya. Dahan-dahan niyang in-unlock ang screen, binasa ang mensahe. "Huwag mong hawakan ‘yan kung ayaw mong mawala sa laro." Napaatras siya. Napatingin ako kay Ryan. “Sino pa ang nasa likod nito?” Nanatiling kalmado si Ryan, pero ang paggalaw ng mga daliri niya sa mesa ay senyales na hindi niya rin ito inasahan. “Ano ‘yan?” tanong niya kay Ava. Imbes na sumagot, ipinaabot niya ang phone sa kanya. Nang mabasa ni Ryan ang text, kita ko sa mukha niya—wala siyang ideya kung sino ang nagpadala. Hinayaan niyang bumagsak ang phone sa mesa, dahan-dahan akong tinitigan. "Enzo, kung ako sa'yo... hindi ko rin ‘yan hahawakan." Pero hindi ko binitiwan ang tingin ko sa flash drive. Tahimik kong pinagmasdan si Ryan habang si Ava ay hindi maipinta ang mukha. Ang text na natanggap niya ay hindi lang babala—ito ay pananakot. “May isang taong nagpapagalaw kay Regina,” sabi ni Ryan, mabagal ang tono. Napakuyom ang kamao ni Ava. “At kung hindi ako nagkakamali… siya rin ang may gustong magpabagsak sa inyong dalawa.” Nanginginig ang kamay ni Ava habang hinahaplos ang screen ng phone niya. “Anong pangalan?” tanong niya, pilit kinakalma ang sarili. Ryan, napapikit sandali. “Hindi ko alam.” “Bullsh*t,” singhal ni Ava, bahagyang lumapit kay Ryan. Nagbuntong-hininga si Ryan, pero hindi siya umatras. “May mga pangalan sa flash drive na ‘yan… pero walang malinaw na ebidensya kung sino ang mastermind.” Nanatili akong tahimik, pero ramdam ko ang lalim ng iniisip ko. Kung totoo ang sinasabi ni Ryan, hindi lang kami ni Ava ang target. May isang mas mataas pang player sa larong ‘to—at hindi namin alam kung sino. Tahimik na bumigat ang hangin sa loob ng Records Room. Ramdam ko ang kaba ni Ava, ang pagdadalawang-isip ni Ryan, at ang sariling paghahanda ko sa kung anong paparating. Biglang bumukas ang pinto. Halos sabay-sabay kaming napalingon. Si Adrian, nakasandal sa doorframe, hawak ang phone niya, walang bakas ng pagkabigla sa mukha. “Well, well, well,” aniya, habang tinatapunan kami ng mapanuksong tingin. “Ano ‘to? Secret meeting?” Halos mapamura si Ava, nagtagis ang bagang. “Anong ginagawa mo rito?” Dahan-dahang pumasok si Adrian, ipinasok ang phone sa bulsa ng coat niya. “Wala lang,” sagot niya, habang nakatingin sa flash drive sa mesa. “Nag-aabang ng katapusan mo.” Kumuyom ang kamao ko. “Anong alam mo, Adrian?” tanong ko, hindi binababa ang boses. Tumawa siya—mabagal, mapanlinlang. “Mas marami kaysa sa’yo, Arceo.” Tumingin si Adrian kay Ava, masyadong matagal, masyadong matalim. Napansin kong hindi niya tinanong kung ano ang pinag-uusapan namin. Ibig sabihin… alam na niya. Si Adrian ay dahan-dahang pumasok, walang pagmamadali, walang alinlangan. Pinagmasdan niya kaming tatlo, para bang may hawak siyang lihim na kami lang ang hindi nakakaalam. “Ano bang meron sa flash drive na ‘yan?” tanong niya, may bahid ng panunuya sa boses. Si Ryan, nanatiling tahimik, pero kita ko ang bahagyang pagtaas ng balikat niya—tanda ng tensyon. Si Ava, dahan-dahang isinara ang laptop niya. Pero bago pa niya maitago ang file… bigla siyang natigilan. Napansin ko ang bahagyang pagkabigla sa mukha niya, ang pagdilim ng mga mata niya. “Ava?” tanong ko, pero hindi siya sumagot. Lumingon ako sa screen, at doon ko nakita ang isang classified document—isang file na hindi dapat nailabas. Regina Santiago… at isang hindi pa nakikilalang investor. Si Ava, nanigas, hindi makapagsalita. Sino ang pangalawang pangalan na ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD